Chapter 18: Kiss On The Forehead

364 21 14
                                    

Chapter 18: Kiss On The Forehead

[Avery's POV]

"Mahal kita." Sabi na lang bigla sa'kin ni Xander nang tanungin niya ako kung mahal ko pa raw ba si Kieran. Of course. I still do love him. At dahil din sa pag-mamahal kong yun sa kanya kaya ako takot mag-risk at mag-mahal ulit.

"Avery, sa tingin mo ba? Kung ano man yung nangyari sa'yo dati, gagawin rin ni Xander yun sa'yo?"

Bigla namang parang nag-play sa utak ko yung mga sinabi sa'kin ni Marcus. Napa-isip naman ako. Gagawin nga rin ba sa'kin ni Xander yung mga ginawa sa'kin ni Kieran noon? Yung ginawa niyang pananakit at pag-iwan sa'kin basta-basta ng wala namang sapat na dahilan.

"Hindi mo ba siya kayang pag-katiwalaan?"

Gustong-gusto kong mag-tiwala kay Xander. Pero dahil nga sa pesteng takot na 'to kaya hindi ko magawa.

"Wag kang matakot subukan. Malay mo, sa pag-subok mong yun e dun ka na talaga maging masaya. Wag mong hayaang makulong ka na lang sa nakaraan. Don't let yourself get stuck in the same page over and over again. Sometimes, you've gotta know when it's time to turn the page."

Siguro nga. Siguro nga tama si Marcus.

"I-I.. X-Xander, I w-want.. I want.." Medyo nauutal kong sabi kay Xander. Ewan ko kung dahil lang ba 'to sa kaba, hiya o takot? Ah ewan ko. Ba't ba hindi ko masabi yung gusto kong sabihin? Parang umuurong yung dila ko. -__-

"Ano?" Tanong naman ni Xander. 

"Nevermind. Forget it." Wag na nga lang kaya? -.-

"Iina. Ano nga yun?" Pag-iinsist ni Xander.

Bigla namang may nag-bukas ng pinto ng roof top.

"Oy bakit naka-lock 'to? Anong ginagawa niyong dalawa diyan ha?" Sabi nung nag-bukas ng pinto pero hindi ko na siya pinansin. Base kasi sa tono ng pananalita niya e parang may hinala siyang kung ano. Tss. -.-

Niyaya ko na lang si Xander na bumaba na kami.

Habang pababa kami ng hagdan e kinukulit pa rin ako ni Xander kung ano raw ba yung sinasabi ko kanina. Pero dahil mabait ako at ayaw kong sabihin, kinuha na lang niya bigla yung kamay ko at may ikinabit na kung ano dito.

Matapos niya namang ikabit yun e kinulit na naman niya ako tungkol sa kung ano nga yung sinasabi ko sa roof top kanina. Tinawanan ko na lang siya at tumakbo na palayo. Pero bago ako tuluyang maka-layo sa pag-takbo e sumigaw muna ako.

"I want to give you a chance! I.. I want to fall in love with you!" Sigaw ko at tuluyan na akong tumakbo ng may ngiti sa mga labi ko.

**

"Ms. Avery, kain na raw po kayo sabi ng Mommy niyo." Sabi nung kumatok sa kuwarto ko.

"Yes. Pakisabi pababa na rin ako." Sagot ko sa kanya.

Sino kaya yun? Hindi naman yun si Yaya kasi Miss ang tawag sa'kin e. Bakit naman Miss pa? Masyadong formal. Pwede namang Avery na lang eh. -__-

Oh well, nandito lang ako sa kuwarto ko. Tinitingnan ko lang yung bracelet na binigay sa'kin ni Xander. Oo, bracelet yung bigay niya sa'kin. Ang ganda nga e. Silver siya tapos may malaking heart lang sa gitna na kulay violet tapos may naka-ukit dun na AC. AC? Ano naman kayang ibig-sabihin nun?

Bumaba na lang ako sa kuwarto para kumain. Baka inaantay na rin ako ni Mommy.

"Oh, anak. Hindi mo naman sinabi sa'king bibisita pala dito itong gwapong boy friend mo." Bati agad sa'kin ni Mommy pagkababang-pagkababa ko ng hagdan. "Hindi bale. Medyo marami naman akong niluto e. Dito ka na rin kumain, Xander ha?" Tuloy pa niya. Bakit ba nandito si Xander?

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon