Chapter 5

519 29 24
                                    

Chapter 5

"Avery, gising ka na ba?" Tanong sa akin ni Yaya habang kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Yes, 'ya. Bakit?" Sagot ko habang nagbabrowse lang ng story sa cellphone ko. Actually, kanina pa ako gising. Mga 6:00 AM pa siguro at lampas 11:00 na ngayon, hindi pa rin ako bumabangon at lumalabas ng kuwarto para kumain. Hindi naman ako morning person kaya hindi ko rin alam kung bakit maaga ako nagising. Madalas, late na talaga ang gising ko.

"Wala naman. Tanghali na. Bangon ka na diyan at kumain ka na dito." Nasa labas pa rin ng kuwarto ko si Yaya Sonia. Doon nanggagaling yung boses niya.

"Sige, 'ya." 

"Bababa na ako ha?"

"Opo."

You set it again my heart's in motion 

Every word feels like a shooting star  

I'm at the edge of my emotions 

Watching the shadows burning in the dark 

And I'm, I'm inlove 

And I'm, I'm terrified 

For the first time and the last time in my only life. ♪

Nagriring yung cellphone ko. Unknown number yung nakadisplay sa screen. Sino naman kaya 'to? 

"Hello?" Sabi ko nang sagutin ko yung tawag. Kahit di ko kilala kung sino 'to, malay mo naman baka importante.

"Asan ka?" Sagot ng kabilang linya. May nakalimutan ba akong katagpuin?

"Sino 'to?"

"Don't answer my question with another question."

Inend ko na lang yung call. Ang labo kausap e. Tatawag tawag ayaw naman magpakilala.

Maya maya, nagring ulit yung cellphone ko.

"What?" Naiirita kong sabi.

"Why did you hang up?" Pagkasabi niya nun, pinatay ko na lang ulit yung tawag. Nakakaasar lang ah. Isa pang tawag, bubungangaan ko na 'to.

After ilang seconds, nagring ulit yung phone ko kaya agad na kong nagsalita. "What do you want? Alam mo kung wala kang magawa sa buhay, wag ako yung--"

"Wag mo ngang sinisigawan ang boy friend mo!" Boy friend? Kailan pa ko nagkaboy friend? As far as I know wala akong boy friend since.. Oh wait. Yeah right.

"Alexander Clegg?" Tanong ko. 

 "You got it right! Prepare. Date tayo. Bye!"

"An--Hoy!" Pinutol na niya yung tawag. Date? Bahala siya sa buhay niya. Kinakarir niya pagpapakilala niya sa'kin bilang girl friend niya sa mga magulang niya, sinakyan ko lang naman trip niya nung araw na yun. Pero, hindi niya ako girl friend! No way. Nagbrowse na lang ulit ako sa cellphone ko ng pwedeng mabasang story. Tapos naalala ko naman, kanina pa nga pala ako tinatawag ni Yaya para kumain. Aish. Makalabas na nga ng kuwarto.

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon