Chapter 3

537 29 9
                                    

Chapter 3

"Good morning, Chloe and Marcus!" Masayang bati ko sa kanila habang ang lapad lapad pa ng ngiti sa mukha ko.

Good vibes ako ngayon e. Bakit ba? Haha. Kapag naaalala ko kasi yung tungkol kay Dora, natatawa ako. HAHAHA.

"Avery, ba't ang saya mo ata ngayon? Problema mo?" Tanong sa'kin ni Marcus.

"Oo nga, Av. Dati tuwing papasok ka dito laging busangot mukha mo. Samantalang ngayon, ngiting ngiti ka pa?" Pagsang ayon naman ni Chloe. Grabe ah. Bawal na ba ko maging masaya? Haha.

Bigla namang pumasok ng room si Xander. Napa-tingin siya sa'kin tapos sabay iwas ng tingin. Haha. Nahihiya pa rin siya. Hahaha.

"Hi, Xander! Hahaha." Masayang bati ko sa kanya.

"Ano?"

"Ito naman. Parang binabati lang e. Hahaha." 

"Ts." Sinamaan niya na ko ng tingin at hindi na namansin. Ganito pala kasarap sa feeling mangasar. Hahaha. 

Kagabi nung nakasakay ako sa kotse niya, ako tawa lang nang tawa siya naman pulang pula tapos hindi na siya nakikipagtalo sa'kin, nagfocus na lang siya sa pagdadrive. Nung binaba niya ko sa may amin, hindi na rin siya nagsalita. Pagkababang pagkababa ko, pinaandar na niya agad paalis yung sasakyan niya. Hahaha. Ang isang astig na Alexander Clegg, iniidolo pala si Dora the Explorer.

"Oy. Anong nangyayari dito? Anong meron sa inyong dalawa ha?" Tanong ni Marcus.

"Ano?" Sabi ko.

"Ba't parang nabaligtad ang mundo?"

"Ano ba?" This time, si Xander naman ang nagtanong.

"Ay ewan ko sa inyo! Ang gulo niyo! Ang labo niyo pareho!" Sabi ni Marcus.

Tumawa si Chloe. "Hindi! Ganito kasi yun, Xander. Dati, si Avery pag papasok dito palaging busangot ang mukha niyan tapos palaging buwisit na buwisit sa'yo. Samantalang ngayon, ikaw naman itong nagkakaganyan. Haha. Anong meron?" Paliwanag ni Chloe.

"Ah. Hahaha. Yun ba? Hahaha. Ano ba kayo? Wala yun. Hahaha. Diba, Xander?" Sagot ko habang tinataas taas ko yung kilay ko kay Xander.

Hindi niya lang ako pinansin. Isnabero! Tumayo siya at umalis na ng classroom. Wala pa naman rin kasing teacher. Ang pikon naman nun. E sa natatawa ako pag naaalala ko e. Hahaha. Sorry naman!

"Oy, teka. Sundan ko lang yun! Hahaha. Nagalit ata e. Kapikon! Hahahaha. Bbye!"

**

"Oy! Alexander Clegg! Hoy galit ka ba?" Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad, di ako pinapansin.

"Napakapikon naman nito. E sa natatawa ako pag naaalala ko yun e. Hahaha. Dora! Hahaha." Tumigil siya saglit tapos tumingin sakin, tapos umalis na ulit. Namumula na naman ata siya. Hahaha. Ayoko na nga, hindi na ko mangaasar. Di naman siya big deal, natatawa lang talaga ako e. Hahaha! 

Taking Chances [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon