CHAPTER 2

553 6 0
                                    

FIRST HEARTACHE.

Tinahak ko ang daan pabalik sa kung saan ako galing, pagdating ko sa bukana ng pader ay bumukas ito kaagad. Pakiramdam ko ang hiwaga ng lugar na ito.
Nakapasok na ako sa hardin namin at tumigil ako sa paglalakad, nilingon ko ang pader na unti-unti nang nagsasara. Takot ako o nahihiwagaan lang sa paligid dahil first time ko rin dito.

Pagdating ko sa duyan ng hardin namin ay wala na ang mga pinagkainan ko, medyo mataas na ang sikat ng araw kaya dumiritso na ako sa loob ng Mansion. Tumuloy ako sa kusina para maghugas ng kamay nang makita ako ni Papa, nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi.

"Saan ka ba galing at bakit pawisan ka?" puna nya sa akin.

Sinalat ko ang leeg ko at saka ko lang narealized na pawisan pala talaga ako.

"Naglakad-lakad po ako sa labas Papa" tugon ko sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang mukha at leeg ko.

"Any plan today?" tanong nya na ang mga mata ay nasa plato.

"Wala Papa, and besides gusto ko lang muna na andito lang ako sa loob ng bahay"

"How about the breakfast, hindi mo ba ako sasabayan?" napangiti ako, masarap kase ang kain ko kanina at naubos ko iyon.

"Busog pa po ako at kakatapos ko lang kumain"

Tumaas ang isang kilay ni papa habang mariin akong tinitingnan, tingin na may pagdududa kase noong nasa Canada kami ay bihira ako kumain ng agahan kaya lagi nya akong nasesermunan.

"And saan ka kumain?" tumirik ang mga mata ko sa sunod-sunod na tanong nya dahil magsisimula na naman kami ng intorigation.

"Sa hardin po natin, dinalhan ako roon ni nanay Zilda" sabi ko at ibinaling sa labas ang aking mga mata.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko ang driver namin labas na may hawak na kabayo, nakasuot lang sya ng white t-shirt at faded jeans.
Just like that, simple as he is.

"Gusto mo bang sumakay sa kabayo?"

Nagulat ako sa tanong ni Papa, nahuli nya pala akong nakatingin sa driver at sa hawak na kabayo nito.

Sa kabayo o kay Xan lang mismo? Hmmmmm, watevah!
tudyo ng isip ko.

"Wag na po, hindi naman ako marunong nyan e" tanggi ko.

"Of course andyan si Xan aalalayan ka nya na sumakay ng kabayo, magaling 'yan at sanay sa mga ganyang bagay"

Umismid ako.

Kung makapuri si Papa sa driver nya parang proud na proud talaga sya. But the heek?

"Still no Papa" mariin na tanggi ko at nagmartsa na pumanhik sa kwarto ko at para makaligo na rin.

Sasakay ng kabayo with Xan?

In his dream!

Over my gorgeous body!

Sa mga sumunod na araw na andito ako ay nakakaramdam na ako ng boredom sa loob ng aking kwarto kaya lumabas ako ng mansion.

Hindi ko makita ang mga naging kaibigan ko noong isang gabi. Gusto ko silang yayain para mamasyal at malibot ko na ang hacienda El Farma.
Umakyat ako sa hindi kataasang bundok, madali ko lang sya naakyat.

Habang nasa tuktok ako ay nakita ko si Xan at Hellen na magkatabi sa likod ng bundok, nakaupong patalikod sa akin si Helen at nakaupo naman si Xan ng patagilid mula sa direction ko.

Ano kaya ang ginagawa nila dyan?
date? Ewww! Nagdadate ng tanghaling tapat? Tapos sa bukid pa? Para ano? Para aesthetic?

Trending 'yang mga ganyan para sa picture at ipost sa social media. Iyong hindi ka naman talaga namumundok ay pumupunta ng bundok ng naka vintage outfit with books and coffee tapos kukuhaan ng picture ang sarili pero nakatalikod o hindi kaya ay katawan lang o mga kamay, paa at kung ano-ano pa na parts of human body with beautiful scenery.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now