CHAPTER 29

74 0 0
                                    

UNTOLD AND UNSHARED

Nasa may gulod ako noon pinapakain ko ng mga damo ang kabayo ni Daddy nang makita ko si Hellen. Naghatid pala sya ng tanghalian ng tatay nya na abala sa pag-aani ng palay at tinawag ko sya para wala lang kwentuhan lang ng magkakaibigan. Halos kaidaran ko lang din itong si Hellen at nagtatrabaho sya sa munisipyo.

Habang nag-uusap kami ay nahagip ng peripheral vision ko ang babaeng nangunguyapit sa puno ng bayabas, napapailing nalang talaga ako sa ginagawa nya. Gusto nya pala ng bayabas pero hindi nalang ako tinawag para ako ang kukuha para sa kanya at sigurado naman ako na nakita nya kami ni Hellen.

Naku, Kammee at ginusto mo pa talaga magpaka-unggoy sa puno.

Sinabayan ko na si Hellen sa pag-uwi pero pagdating sa malapit sa kanila ay iba ang daan nya at ihatid ko lang sya doon at babalikan ko si Kami para bantayan at baka mapano pa.

At kakaalis lang din ni Hellen nang makita ko si Sib at Jenny, tinanong ko sila kung saan sila pupunta? Hinahanap pala nila si Kami at maliligo daw sila at ipinagpaalam na nila kay Daddy. Tinanguan ko nalang at sabi ko dalhan ko sila ng pagkain doon sa batis.

"Talaga po, Kuya? Gusto ko pa naman ang inihaw na liempo" excited na sabi ni Sib.

"Mas masarap ang seafood, Sib, at gusto iyon ni Senyorita Kammee" sabat ni Jaya.

"Mas masarap ang liempo, Jaya kapag sa picnic"

"Mas masarap nga, pero mas gusto naman ni Senyorita ang seafood"

Mukhang mag-aaway na ang dalawa kaya pumagitna na ako sa kanila.

"Para hindi kayo mag-aaway ay dadalhin ko lahat ng mga request nyo" sabi ko.

"Kita mo na Sib? Dapat kase hindi ka na sumasawsaw sa gusto ng girls"

Umismid si Sib. "Gusto ng girls o gusto mo lang Jaya at ng damay ka pa?"

Lihim ako natawa sa sinabi ni Sibastian ng dali-dali syang binatukan ni Jays at patakbo na itong lumayo.

"Ano? Talo ka na naman?!" pang-aasar pa ni Sib kay Jaya sabay habol ng takbo nito.

Napapailing nalang ako na bumalik ng mansion para kumuha ng pagkain, medyo natagalan lang ako ng kaunti dahil hindi pa naluto ang liempo.

"Andyan na si Kuya Xan!" sigaw ni Sibastian na tuwang-tuwa pagkakita sa akin na dala ang pagkain nila.

Dumapo ang paningin ko kay Kami, kitang-kita ko ang kabuuan nya sa ilalim ng tubig dahil sa linaw ng batis at talagang wi-nis-terized nya ang batis a. Nakapanloob lang na naglalangoylangoy, samantala ang mga kasama nya ay may mga damit naman na suot.

Tsk tsk tsk.

Tinulungan ako ni Sib na ihanda ang pagkain nila at tinawag na ang mga ito.

"Mga binibini, halina kayo sa hapag at magsi-kainan na tayo!" nagsi-ahunan din sila.

Nanglaki talaga ang mga mata ko nang umahon si Kami na naka baby bra pa yata at naka panty ng pink na.... gosh, bata pa talaga sya at ni wala nga halos laman ang hinaharap tapos magbabandera sa harap ng marami.

Naaalibadbaran talaga ako sa suot nya. Kaya hinubad ko ang damit ko at inihagis sa kanya para suotin nya. Kase naman diba? Hindi pa sya dapat nagsusuot ng mga ganyan sa harap ng ibang tao, ok lang sana kung ako lang ang nakakakita kahit hindi na sya magdamit lahat-lahat ay hindi ako aangal at wala syang maririnig sa akin ng kahit na ano.

"Eeewwww"

Pero inaasahan ko na ang magiging reaction nya sa ginawa ko, tinapon nya pabalik sa akin ang t-shirt ko.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now