CHAPTER 5

373 5 0
                                    

TEARS.

Busy ang lahat sa loob ng Mansion dahil may paparating na mga bisita si Papa galing sa Manila at gusto makita ng personal ang planta ng pagawaan ng mga wine. Isa sa mga negosyo ni Papa ay ang paggawa ng alak na ini-export sa iba't-ibang bahagi ng mundo.

Kilala si Papa sa mundo ng pagnenegosyo kaya hindi nakakapagtaka kung lagi syang may mga bisita sa Hacienda.

Lalo na ngayon at kakauwi lang namin mula Canada at malamang ay maraming nakapending na trabaho ang naghihintay sa kanya.

Gabi ginanap ang kaunting salu-salo sa mansion, andito lang ako sa kwarto ko at wala akong plano na lumabas dahil hindi naman ako importante sa usapin nila dahil pang matanda lang naman iyon at wala rin akong alam sa ganyang mga bagay.

Puro pag-aaral lang naman kase ang inaatupag ko at mga kaibigan ko, pero paminsan-minsan lang din kase bantay sarado naman ako ni Papa, e.

Knock, knock, knock.

Nagbabasa ako ng favorite novel ko nang may kumatok sa kwarto ko.

"Bukas yan, come in" sigaw ko.

"Senyorita, pinapatawag po kayo ng Papa mo." si Dina.

"Ha? Bakit daw?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi ko po alam Senyorita, basta pinapababa ka lang po.

"Sige susunod na ako" sabi ko kay Dina.

Labag man sa loob ay tumayo ako at lumapit sa lagayan ng aking mga damit, casual lang ang susuotin ko since andito lang naman ako sa bahay. Isang maiksing black short at blouse na white na medium ang size, gusto ko medyo maluwag sa pakiramdam ang damit na sinusuot ko.

Naghilamos lang ako at naglagay ng face powder at lip gloss, hinayaan ko na lumugay ang mahaba kung buhok at saka ako bumaba para puntahan sila sa recieving area ng bahay namin.

Bago ako tumuloy doon ay dumaan muna ako sa kusina para uminon ng tubig, naabutan ko roon si nanay Zilda at Dina na abala sa mga pagkain na pini-prepare nila.

"Ikaw ba ang magsi-serve nyan, ate Dina?"

Tanong ko sa isa mga kasambahay namin na akma na sanang bibitbitin ang isang pitsel ng juice ng magpresenta ako.

"Naku, 'wag na Senyorita at baka mapagalitan ako ng Papa mo"

Kinakabahan na sabi nito na hindi pa rin binibitawan ang hawak na pitsel.

"Wag ka mag-alala at ako ang bahala sayo"

Nakangiting paninuguro ko sa kanya at napilitang ibinigay sa akin ang pitsel.

"Pero Senyorita, sasamahan pa rin kita" si Dina.

"Sige, ikaw bahala". at nagpatiuna na ako bitbit ang pitsel ng juice.

Habang papalapit ako kilala Papa ay bigla ako nakaramdam ng kaba sa aking dibdib, hindi ko mawari ang pakiramdam na iyon. Parang gusto ko ng ibigay ang juice kay ate Dina at tumakbo pabalik sa kwarto ko at doon magkulong hanggang sa umalis ang mga bisita ni Papa.

Pero bago ko pa magawa ang iniisip ko ay nakita na ako ni Papa, alumpihit ang mga ngiti ko sa mga nandoon.

Nakaupo silang lahat sa mahabang mesa na kasya ang dalawang dosenang mga bisita at sa harap ay may malapad na flat screen tv na kung saan ay naka flashed ang mga product ng mga wine, mukhang mina-market ang mga wine namin.

"Good girl, Anak" nakangiti si Papa na nakatingin sa akin na bit-bit ang juice.

Syempre, ngumit rin ako hindi dahil ngumiti si Papa sa akin, kundi dahil proud sya sa ginawa ko.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now