CHAPTER 6

380 6 0
                                    

ADOPTED.

Paggising ko sa umaga ay wala na si Papa at ang mga bisita nya, pumunta na sila sa winery. Sa amin nagpalipas ng gabi ang lahat included Joana. Ang babaeng naging dahilan kung bakit nagalit sa akin si Xan.

Well, kasalanan ko naman kase nagselos ako. Pero hindi pa rin excuse ang galit nya sa akin para halikan ako at pagkatapos ay makikipaghalikan rin sya kay Joana.

Ang maalala ang eksinang iyon kagabi ay nakakapanindig ng aking mga balahibo. Dahil sa hindi pa ako naka-recover sa mga nangyayari kagabi ay nagpapalipas muna ako ng ngit-ngit ng damdamin.

Damn! Xan, Why? Bakit ginugulo mo ang isipan ko at puso. Hindi ko na nakikilala ang sarili ko pagdating sayo.

Kapag kaharap kita ay nawawala ako sa tamang ako, at parang kay gaan ko na kayang-kaya na tangaying ng ihip ng hangin at magpatangay nalang sa damdamin patungo sa'yo.

Technically, hindi kita type. Hindi ikaw ang mga tipo ko kase ayaw ko sa matanda sa akin at laging seryuso. Gusto ko 'yong kaidaran ko lang din tapos fun lang, iyong parehas kami ng vibe.

But when it comes to you...lahat ng criteria ko in the name of love ay binabali mo ng hindi mo nalalaman and without doing anything.

I don't know if this is what they called, love?

Basta naiinis ako pag nasa iba ang atensyon mo tapos sila ang dahilan ng mga ngiti mo. Mas lalong malinaw sa akin na hindi ko pa pala talaga na explore ang mundo ng pag-ibig dahil hindi ko alam...kung paano ang mahalin ka ng hindi nasasaktan?

Seeing you with Joana or Hellen, pakiramdam ko ay wala talaga akong kwenta dahil sa kanila ka masaya tapos pag ako na ang kaharap mo ay parang puro problema yata ang dala ko sayo.

It's really hurt to feel this...one..sided..love?

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namamalayan na malayo na pala ang tinatakbo ko at andito na ako sa labas ng hacienda, naglilibot sa mga karatig na rancho gamit ang bike na hindi ko alam kung kanino?  Nakita ko lang doon sa kwadra ng mansion.

Pumasok ako sa bukas na gate, maraming puno ng mangga ang nakapalibot at may mga maliliit na kalamansi ang hitik na hitik sa mga bunga.

Ini-enjoy ko ang magandang tanawin sa paligid.

Nasa kalagitnaan ako ng pagba-bike nang may isang aso ang mabilis na tumatakbo papalapit sa akin at huli na para makaiwas ako, ipinikit ko ang aking mga mata at tinanggap nalang na lalapain  ng malalaking aso.

Pagminamalas ka nga naman. Mabuti pa ang aso ay hinahabol ako, pero ang driver namin? Tsk! Inaaway ako.

How unfair my life to fall this unworthy driver.

Pero bago pa man na tuluyan ako ng aso ay may biglang humila sa akin dahilan para malaglag ako sa bike at tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay at ang sumunod na ay ang..........

"Miss, miss?"

Isang unfamiliar na boses ang naririnig ko, dahan-dahan na iminulat ko ang aking mga mata.

Pagkakita ko ng liwanag ay biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako at napapikit dahil sa tindi ng sakit at ang sumunod na nangyari ay blocked out ulit.

I hope my heart is just like this, that when Xan hurts, it will suddenly hurt so much and then I won't feel love for him anymore. Katulad ng pananakit ng ulo ko at paggising ko ulit ay wala na akong maalala.


AFTER ONE MONTH

"May tendency na magkakaroon sya ng memory gap, at iwasan na tumama ulit ang ulo nya sa mga matitigas na bagay kase malaki ang posibilidad na tuluyan syang magkakaroon ng amnesia"

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now