CHAPTER 39

86 0 0
                                    

BASKETBALL

Dahil alam ko naman na uuwi dito si Xan ay nagluto ako ng maaga for our dinner. Binigyan ako ni Tatay Mario ng mga huli nyang isda at iyon nalang ang lulutuin ko, pritohin ko nalang at chicken adobo na rin at hindi pa nga ako tapos magluto ay dumating na sya.

Hinanap nya kaagad si Ela.

"Andon kay Ninang nya, nilalaro sya doon sa baybayin" sagot ko.

"I'm hungry baby" sabi nya at.

Lumapit sya sa akin habang naghuhugas ako ng bigas, medyo naasiwa lang ako dahil niyayakap nya  ako mula sa likuran tapos hinahalikan nya ako sa pisngi. Eh, wala pa kase akong ligo kaya sigurado ako na amoy pawis pa ako.

Napansin nya ang pag-ilag ko sa kanya.

"It's ok baby. I like your natural scent, i'm addicted to it" sabi nya sabay halik ulit sa pisngi ko.

"Nagluluto pa ako, you want something to ease your hunger?" tanong ko ng may biglang bumibili.

"Pabili po!"

"Ako na baby" presinta nya kaya hinayaan ko na sya ang magbantay sa tindahan muna.

Maya-maya lang ay nasa pintuan na sya ng kusina.

"Baby, ano daw iyong...ano?...whisper with wings daw."

Nakangiti akong nilingon sya.

"Napkin 'yon" sabi ko.

Bumalik sya sa tindahan at ilang saglit lang ay bumalik na naman sya sa akin.

"Saan ba 'yon nakalagay?"

Huminga ako ng malalim at iniwan muna saglit ang ginagawa ko. Sumunod sya sa akin sa tindahan.

"Ito o" ipinakita ko sa kanya ang napkin at binalingan ang costumer.

"Ilan po?" tanong ko.

"Isang pack po Ate, magkano,?" sabi ng costumer.

"75..." sabi ko sabay abot ng napkin sa kanya.

Nakatingin lang si Xan sa akin habang nagsusukli ako sa bumibili.

"What?..." nang mapansin ko na masyado syang titig.

"Nothing" sabi nya sabay tawa ng mahina.

"Kung ikaw ang bantay dito ay lalayasan ka ng customer kase puro ka tanong" sabi ko pa sa kanya at sumunod na naman sya sa akin patungong kusina.

"Alam ko naman iyong whisper at ayaw ko lang magbenta dahil babae ang costumer at isa pa noon ay ako ang taga bili mo ng ganyan so hindi bago sa akin" depensa nya.

At ano naman kung babae? Normal lang kase naman babae e. Nireregla talaga iyan.

"Kaya pabalik-balik ka dito sa akin?"

Ngumisi sya at marahang tumango. God, bakit ang cute nya at pinamulahan pa sya ng mukha.

"Hindi ka pa maliligo?" pag-iiba ko sa usapan namin.

Bitbit nya pala ang maleta nya dito at talagang tinotoo nya ang sinabi nya na dito na sya uuwi sa amin. Mabuti nalang at pumayag naman sina Tatay Mario at Nanay Maria.

At talagang naniniwala sila sa sinasabi ni Xan a, na asawa ko sya.

"Bakit? Gusto mo na maligo na ako? Mukhang maaga pa Cameia at mag a-alas sais palang" sabi nya na may tono ng panunodyo.

Umikot ang mga mata ko sa kanya. "Pinagsasabi mo dyan?"

"Mukhang excited ka kase na makatabi ako kaya pinapaligo mo na ako"

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now