CHAPTER 9

338 5 0
                                    

BAKLA.

Business Ad ang kinuha kong course, kase sa pagnenegosyo lang din naman ako babagsak kaya 'yon nalang.

Kagaya nga ng napag-usapan ay titira ako sa bahay ng driver namin dito sa Manila, at hindi naman pala talaga sya driver. Aba, malay ko diba? Sya pala ang nagmamanage sa lahat ng negosyo ni Papa dito sa Pilipinas.

Malaki ang bahay nya, bachelor's pad kung tawagin kase bachelor naman talaga sya e. May tatlong kwarto at ang isa ay ang magiging silid ko na. Kung tutuusin nga kaya ko naman na mamuhay mag-isa na walang kasama, hindi ko alam kong bakit takot na takot si Papa na maging independent ako sa buhay.

Ang lagi nya kase sinasabi sa akin ay kapag tapos na ako mag-aral ay bahala na daw ako sa mga gusto ko, pero hangga't nag-aaral pa daw ako ay susundin ko lahat ng gusto nya. Well, sinusunod ko naman e. Gusto ko lang kase na umiwas na kay Xan, pero parang pilit na pinaglalapit pa kaming dalawa ng tadhana.

"'Yon ang magiging silid mo sa kaliwa" turo nya sa akin.

Sinundan ko ang itinuro nya habang hila-hila ang maleta ko, hindi ko sya pinapansin. Para ano pa diba?

Pagkatapos nya ako saktan ay wala syang rights na makatanggap sa akin ng full atensyon katulad dati. Ibang Kammee El Farma na ang makikita nya sa akin, simula ngayon!

Inilagay ko na kaagad sa kabinet ang mga damit ko, kunti lang naman ang dala kong damit kase sigurado naman ako na bantay sarado ako dito, lalo na may spy.

Since, nanglalagkit na ako sa byahe ay kinuha ko na ang towel ko at pumasok sa bathroom.

Malapit sa sink ang bathroom at madadaan ko si Xan na nagluluto ng dinner namin. Dalawa naman ang CR, andun nga lang sa kwarto nya ang isa. So no choice tayo kung hindi ang magtiis dahil nakikitira lang ako sa lungga nya.

Kaya lang ay walang mga toiletries sa banyong ito. So, paano ako makakaligo?

Syempre, ay ayaw ko nga syang pansinin kaya naligo ako ng walang shampoo at ang meron lang ay shower gel na panlalaki at iyon nalang ang ginamit ko.

Putik!

Nanglalagkit pa rin ako kahit na tapos na ako maligo. Bibili talaga ako bukas ng maraming toiletries.

After one hour na paliligo ay natapos rin ako, inilagay ko sa basket ang pinaghubaran ko at lumabas ng nakatapis lang.

Alam kong may pagka conservative pa naman ang kasama ko. Well, hindi ko na problema, sya ang mag adjust sa sarili nyang bahay.

Nang lumabas ako ng banyo ay nakatayo sya na nakahilig sa ref habang binabantayan ang niluluto nya, nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya nang makita ang ayos ko. Tuloy-tuloy lang ako na dumaan sa harap nya, hindi ko sya binigyan ng kahit kaunting segundo para tapunan ng tingin.

Ganito ang may kasama na babae sa loob ng isang bahay, tapos ay dalawa lang kayo. Marami ka pang madidiscover, Xan, katagalan.

Nagsuot na ako ng pantulog ko at ginagawa ko ang kung ano man ang ginagawa ko sa bahay. No bra matulog? Of course, just like what i said....sya ang mag adjust sa sarili nyang bahay.

Hindi ko sya inaakit, at wala na akong interest sa kanya kahit magpakasal na sila ni Joana sa lahat ng simbahan sa buong mundo, i let him be! Ihatid ko pa sya sa simbahan.

Makakahanap rin naman ako ng mas hihigit pa sa kanya.

Makalipas ang ilang sandali ay kinatok na nya ako para magdinner, hindi ako sumagot pero lumabas ako at tumungo sa mesa. Humalimuyak ang amoy ng kanyang niluluto kaya binuksan nya ang kurtina ng kanyang sliding glass wall.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now