CHAPTER 15

342 6 0
                                    

BLACK CARD.

Nakarating na kami sa parking ng office nila. Anyway, first time ko dito at first time rin nila na makita ako. Parang akong kinakabahan na iwan at napansin iyon ni Xan.

"Are you ok?" tanong nya sa akin.

"Uh-um" tumango ako ng nakangiti.

Sabay na kami na bumaba ng car, wala naman akong dala maliban sa phone at card na bigay nya.

"Come" sabi nya sabay na hinawakan ang kamay ko at napatingin ako doon bago sa mukha nya.

Plain expression again, pero ok lang. Pinagsalikop nya ang mga kamay namin at pumasok na sa building.

"Good morning Sir" bati kaagad ng guard sa kanya at  tinapik naman ni Xan ang balikat ng guard.

Pagpasok namin sa loob ay nagtinginan sa amin ang lahat ng empleyado at isa-isang binati si Xan ng 'good morning sir'.

Hhmmm, highly respected sya dito a.

Ang lahat ng mata ay nakatuon sa amin, especially sa akin. Siguro dahil first time ako dito tapos ay magka-holding hands pa kami na para bang ibinabalandra pa ito ni Xan sa mga mata nila.

Medyo nahihiya tuloy ako sa kanila kase nagbubulungan pa ang iba.

Ang aga naman ng chismisan nila dito. Pero may lumapit kaagad na babae kay Xan na naka corporate attire at may naka-kwentas sa leeg na id na may black lanyard at naka white roman font na El Farma Empire.

"Sir, Xan. Andyan na po si Miss Joana sa conference room"

Tumaas ang isa kong kilay sa narinig at nilingon ko si Xan na tinanguan ang babae. At bakit andito ang Joana na iyan? "Dito ba nagtatrabaho si Joana?" kase karapatan ko yata na malaman na gayong muntikan ng may mangyari sa atin kagabi. At hindi pwede na hahayaan ko nalang na harap-harapan nyo ipakita sa akin ang landian nyo.

"No, Cameia. May meeting kami kaya andito sya?" oh really?

"Meeting with?" taas kilay na tanong ko.

"You'd better come to my office first" oh really?! Itinataboy nya na ako ngayon dahil andito si Joana?

"No, hihintayin nalang kita dito sa lobby, Xan" sabi ko pa.

Sinusuri nya ako ng mga mata nya at marahan binitawan ang kamay ko. "Are you sure?" Oo naman no! Basta pagdating kay Joana ay sure pa ako sa sigurado.

"Ok, babalik ako kaagad after" nagulat na naman ako ng halikan nya ako sa noo bago umalis, nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil tinitingnan pa rin ako ng mga tao sa paligid.

Hindi manlang ba nila ako tratuhin na katulad ng trato nila kay Xan? Nakita naman nila na magkaholding hands kami kaya sigurado ako na iniisip na nila ngayon na Girlfriend na ako ni Xan.

But what are we really now?

Pagkatapos ng mga nangyari sa amin kagabi ay dapat meron na kaming level. Kahit level one nalang muna dahil nakita na nya ang lahat-lahat sa akin. Sng unfair naman yata kung hindi pa namin papangalanan ang kung ano ang score sa pagitan naming dalawa.

Pero paano kami magkaka-level gayong wala ngang pagtingin si Xan sa akin. Oo we kissed, nahahawakan ko sya and vice versa pero malinaw na ang nararamdaman nya sa akin ay 20/200. Masakit ang part na ito para sa akin kase mahal ko na sya at ipinapaubaya ko na ang sarili ko sa kanya. Pero walang kasiguraduhan ang damdamin ko para sa kanya kase never...never nagpakita sya interest sa akin.

Minsan ang tingin nya sa akin ay bata kaya madalas ay tinatrato nya ako ng bata rin.

I love Xan. I loved him badly!

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now