CHAPTER 13

314 6 0
                                    

❗WARNING: FOR ADULTS ONLY❗

FINGERS

Pagdating ko sa bahay ay wala pa si Xan, sigurado ako na pumunta yon ng school. Bahala sya sa buhay nya, malaki na sya at alam na nya umuwi.

Agad ko na tinapos ang mga homeworks ko at naligo, nagbihis at sinuot ko ang binili namin ni Vince na damit kanina sa mall.

Isang Brown tube na hapit sa katawan ko na below the knee at may kaunting slit pa bandang gilid. First time ko ang magsuot ng ganito, pero syempre ay naka-cycling ako. Naglagay ako ng light make up at pink lipstick na pinatungan ko ng lip gloss, inilugay ko lang ang tuwid at mahaba kung buhok. Mabuti nalang at lagi kong dala ang itim ko na shoulder bag at inilagay ko doon ang mga pang retouch ko at ang card ni Papa, para kung sakali ay may gagastusin ako.

Tamang-tama pagbaba ko ng building ay nakita ko na ang sasakyan ni Vince, kumaway sya sa akin at nakangiti akong kumaway sa kanya pabalik at mabilis ko syang nilapitan at pinasakay na nya kaagad ako sa kanyang sasakyan.

"Nagpaalam ka ba kay Papa, X?" tanong nya.

Umismid ako. "I told you na diba?"

"Na hindi mo sya papansinin?" agaw na dugtong ni Vince sa sasabihin ko sana.

"Yeah" kaswal na sabi ko. "At teka nga...Bakit sya ang pag-uusapan natin Vince? We are going to party right? And to have fun!" nakairap na sabi ko.

"Relax, bhe. Yeah, we're having fun. Nag-aalala lang ako at baka ayaw ni Papa X na sumama ka sa mga ganitong bagay"

"Ahhh! Hindi ko sya tatay kaya gagawin ko ang gusto ko at..." nilingon ko sya at nginisihan. "Hindi mo naman ako pababayaan diba?"

Sya naman ang nagpatirik ng kanyang mga mata. "Of course, not!" sabay halakhak naming dalawa.

Napatingin ako sa labas ng bintana at pumasok sa isang subdivision ang sinasakyan namin. Hindi naman nakakapagtaka kung doon nakatira si Lance dahil ang school na pinapasukan ko ay school ng mga mayayaman. Mga anak ng mga businessman, pulitiko at kung sino-sinong kilala at may kapangyarihan sa lipunan.

Sa harap ng labas ng bahay nila ay madaming mga nakahelirang mga kumikinang na mga sasakyan. Tanda ng kasaganaang at karangyaan na tinatamasa ng may-ari nito sa buhay.

Ganito ang buhay ng mga Anak ng mga mayayaman. Party here, party there and party...everywhere!

Personally, ay hindi ako naiimpress sa mga Anak ng mayayaman na masyadong grandious ang life style. Lalo na pag pini-flex na nila ang mga expensive and flashy stuffs nila, it looks tacky and cheap in my eyes.

Most of them become relevant only because of their parents' names. There is nothing wrong with this and it is not their fault that they became the children of their parents and grew up with things being easy for them. And it is certain that they are reaping the hard work of their parents. But we also cannot deny the fact that this kind of thing results unfairly for others who are really suffering.


Pagdating namin ay nagsisimula na ang party, kaagad naman kami nilapitan ni Lance nang makita nya kami.

Ang daming tao at parang mahihilo ako sa ingay, lakas ng sound sytem at iba't-ibang amoy na humahalo sa mga sigarilyo at alak. Dagdagan pa ng iba't-ibang kulay ng ilaw na sobrang masakit sa mga mata. Lalo na pag blinker.

"You look so exra hot tonight Kami" nakangiting sabi ni Lance habang tinitingnan ang suot ko.

Bahagya ako nakaramdam ng pagkaasiwa kaya nahila ko pababa ng wala sa oras ang laylayan ng mini dress ko.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now