CHAPTER 37

79 0 0
                                    

SINIGANG.

Nagluto ako ng favorite food ko...ang sinigang na hipon. Ito ang pinaka favorite ko sa lahat at before ay hindi ako marunong magluto nito but with the help of my best friend Karen ay natuto ako.

Pagbukas ko palang ng takip ay umalagwa kaagad ang maasim na usok at inamoy ko ito. Hhhmmm....amoy palang ay ulam na.

I  cut the ingredients like onion, tomato and chili then the kangkong. First, i boiled water with onion, chili and tomato and salt.

After boiling, i put the medium size shrimp. But first i removed the hairs from the shrimp's snout to make it look clean and when it boiled, i put in the kangkong.

To make it even tastier, i added Magic sarap, Ajinomoto, Iodized salt and Knorr cubes. And of course. The star of all spices...Knorr sinigang mix.

Siguro noong nakaalala pa ako ay ito ang favorite food ko, kase noong matagpuan ako ni Tatay Mario sa baybayin ang una ko raw na binanggit  na pagkain ay sinigang na hipon. Kaya ito rin ang niluto ko ngayon. Sana lang ay walang allergy ang mga kakain nito ngayong gabi.

Pero nagluto naman si Karen ng iba pang putahe para kung sakali na ayaw nila ng isa ay may makakain pa rin sila. Sabi ko nga sa kanya na huwag masyadong galingan sa pagluluto at baka masarapan sila at araw-araw na makikikain sa amin.

Ubos ang budget.

Pagkatapos namin magluto ay tiningnan ko ang cellphone ko kung may message pero wala.

Nakaramdam tuloy ako ng disappointment.

Matamlay ko na binitawan ang phone ko at pumasok na ng banyo para makaligo na at malapit na mag alas sais ng gabi.

Nag-aalala tuloy ako sa Anak ko. Pero sabi ni Nanay Maria ay pumunta raw sila Xan dito para sa dede ni Ela. Napangiti tuloy ako for some reason.

Wala lang.

Ang cute lang na nag e-effort sya kahit hindi naman talaga kailangan dahil hindi naman nya iyon obligasyon. Mabuti nalang din at marami akong gatas na nilalagay ko sa reff at iyon ang kinuha ni Nanay Maria at ibinigay kay Xan para may makadede si Ella.

After 30 minutes ay nakatapos na rin ako maligo. Napasulyap ako kay Karen sa labas na kausap si Welson.Naunahan nya pa ako makatapos maligo.

Mabilis kase gumalaw ang babaing ito.

Nagsuot lang ako ng blue jeans at white chiffon sleeveless top. Para madali lang ang pagpadede ko kay Ela kung sakali na gutomin sya mamaya. Sana hindi magtagal ang mga boysitor namin para maaga kami na makapagpahinga dahil napagod rin ako sa pagluluto namin kanina.

Naglagay lang ako ng face powder, lip gloss at kunting blush on para naman magkakulay ang mukha ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang tuwid at mahaba kong buhok dahil basa pa naman.

At saktong alas-sais ay dumating na ang mga inimbitahan ni Karen.

Mula sa labas ay naririnig ko na nag-aasaran sina Mark at ang kasama nila na mas bata sa kanila na may dimple sa pisngi.

Tanaw ko sila sa gate na pinapapasok na ni Karen.

Mabilis na dumako ang mga mata ni Xan sa akin habang karga-karga nya sa kanyang kaliwang braso si Ela na tahimik lang din. Pero hindi ko rin maiwasan na magtaka kung paano nya naalagaan ang Anak ko gayong may trabaho din sya?

Baka sanay dahil may sarili ng Anak.

Hinagod nya ang kabuan ko kaya nakaramdam ako ng ilang at pang-iinit ng mukha na baka pangit ang suot ko at baka hindi nya nagustuhan.

Pero teka...at bakit naging aware ako sa suot ko ngayon? Gayong wala naman ako paki kahit noon pa. But now...

"Magandang gabi Miss Cameia" si Mark.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now