CHAPTER 42

95 1 0
                                    

FLASHBACK.

So iyon pala ang bar na pupuntahan nila?

Tumaas ang gilid ng labi ko sabay ayos ng aking summer hat at walang lingon-lingon na umalis ng restuarant na kung saan ay andon pa rin si Xan at ang mga kasama nya.

Pagdating ko ng hotel ay natulog muna ako para may lakas ako mamaya sa bar. Mahina pa naman ako sa ganitong bagay. Pero hindi naman ako iinom ng alak, papanuorin ko lang si Xan kung paano makipaglandian sa iba.

Pero grabe no?

Nakalimutan nya na pala ako. Kunsabagay ay  tatlong taon rin ako nawala kaya siguro ay naka move forward na sya. At bakit? Hindi naman naging kami. Allergic nga sya sa akin mula pa noon.

Umasim ang sikmura ko ng maalala  kung paano ako umiyak  sa harap nya para lang mahalin ako, ibinaba ko ang aking pride at panty sa kanya pero olats.

Never talaga sya nagkagusto sa akin.

Pero teka, sila pa ba ni Joana?

Tumikwas ang gilid ng aking labi. Siguro naman ay oo, hindi imposible iyon dahil patay na patay rin ang gaga kay Xan. At bukod pa doon ay patola rin sya?

Pero hindi na iyon mahalaga ngayon, hindi ko na ipipilit ang sarili ko kahit na hindi nawala sa puso ko si Xan. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin sya.

Tama ng nasaktan ako ng ilang beses sa simula at ayaw ko ng maulit iyon sa bandang huli. Baka may inilaan rin si Lord na para sa akin at higit pa kay Xan at baka sa pagkakataong ito ay mahal na mahal ako.

Kaya siguro ang gagawin ko nalang ay mag-aral at magtrabaho para mabuhay ako at matugunan ang aking mga pangangailangan dahil wala naman akong aasahan kundi ang sarili ko lang din.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang aking mini dress para pumunta na sa bar na binanggit ni Xan kanina. Naglagay ako ng red lipstick at tinali ang buhok ng missy bun para ma-expose ang backless ko sa likod.

Sayang naman kung matatakpan lang ng long, straight at black hair ko.

Pumara kaagad ako ng taksi at nagpahatid sa lugar na pakay ko at tamang-tama, alas nueve na ako nang makarating. Umupo ako sa medyo tago pero habang nakaupo ako ay dumako ang aking paningin  sa second floor.

May taas pa pala dahil sa ground floor ay mga nagsasayaw at magulo. Wala akong nakitang Xan sa ground floor kaya dalawa lang ang ibig sabihin. Wala pa sya or nasa second floor na sya ngayon?

Nahihilo ako sa ingay at sa iba't-ibang kulay ng ilaw.

Pag akyat ko ay may humarang sa akin na matangkad, kalbo at malaking tao na lalaki. Hinuha ko ay guard yata at ayaw akong papasukin.

"Miss, hindi po pwede na pumasok ka hangga't wala kang vip pass" medyo naiinis na ang guard sa kaka-hindi sa akin.

Pero makulit ako at determinado na makaakyat dahil andito na ako at baka nakikipaglandian na si Xan ng hindi ko nakikita.

Sayang naman...nag effort pa naman ako at mahal rin ang bayad sa taxi.

"Kuya, baka naman po at may kilala po rin po ako dyan sa loob" medyo palandi na sabi ko at baka madala sa ka cheapan ng ginagawa ko.

"Miss, sa tingin ko ay baguhan ka rito. Hindi mo yata alam ang patakaran sa ganitong klase ng bar" sabay sipat nya pa sa akin.

"At baka nga ay minor de edad ka pa"

Namilog ang aking mga mata at pinandilatan sya.

"Gusto mo ay ipakita ko sayo ang id ko" sabi ko at inilabas ang school id ko from Turkiye.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now