CHAPTER 4

405 6 0
                                    

CAMEIA and X-XAN

Since na hawak ko na ang phone nya at ipinagamit nya sa akin ay hindi na ako nag-inarte pa para kalikutin.

Tamang tingin sa mga apps at baka may pornhub. So far ay wala akong nakita. Pero hindi ako sure, baka diritso sa chrome para kunyari ay hindi halata...masyado.

Ang mga lalaki ngayon ay ayos lang na walang mga girlfriend ang mga iyan. Mas takot sila na mawala ang pornhub kesa mawalan ng girlfriend.

Kung may youtube ang mga girls for...'how to make up for begginers?' Syempre, merong porn hub ang mga lalaki.

Tiningnan ko ang mga apps para mag log in, para ma chat ko ang mga kaibigan ko sa Canada dahil sobrang na miss ko na silang lahat, kaya lang walang mga social media ang phone nya.

Well, hindi naman na nakakapagtaka. Ang boring nya nga kaya.

Ang consolation nya nalang yata sa buhay ay masarap syang humalik. MASARAP?!

"Ahhhhmmm" tikhim ko.

Kase hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Mas madali kase sa akin na tinatarayan ko sya kesa sa ganito na parang ang formal.

After ng kiss namin ay parang nagkaroon bigla ng pagitan sa aming dalawa. Like, ilang? O baka ako lang ang nag-iisip ng ganoon since na first kiss ko sya.

Pero nabitin ako, so, hindi ko masyado na feel na kiss talaga iyon kase saglit lang naman tapos patak-patak pa.

He's not bad at all but not good at the same time.

"Kuya, Xan." Yon ang mga kataga na lumabas sa bibig ko.

Ano ba kase ang pwede ko'ng itawag sa kanya? Xan lang? Parang wala naman akong manners kung ganoon ang mangyari.

Binalingan nya ako at pumintig ang mga bagang nya, hindi ko alam kung para saan 'yon? Kung sa pagtawag ko ba sa kanya or sa pagtawag ko na kuya?

Baka both?

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi, kaya kahit hindi ako tumingin sa salamin ay alam kong pinamumulahan ako sa......Inis!

"Bakit walang social media ang phone mo?" banayad na tanong ko.

Ang mga mata ko ay nanatili sa telepono dahil iniiwasan ko na magtama ulit ang mga paningin namin at baka hindi ko maitago na sa pamamagitan ng mga mata ko ay may nakakubling damdamin na maaaring makita nya.

This is not the right time, at isa pa, hindi ko sya type! Ayaw ko sa mga boring ang buhay. Isang tingin ko palang sa kanya e, hindi na nag e-exist sa buhay nya ang kasabihan na 'No Man Is An Island' mabubuhay sya kahit sya lang mag,-isa.

Kakapanood nya siguro ng Lagoon, kaya siguro ay sinasabuhay nya. Pero may kasama na babae iyong lalaki.

Tumingin sya sa akin habang nakaluhod sa harap ng  kambing nya.

"I'm not into social media" he said, it was colder than the snow.

Hindi na ako nagtanong pa sa kanya kase one question, one answer portion kaming dalawa.

Patuloy ko na kinakalikot ang phone nya hanggang sa mapunta ako sa photos. May mga pictures naman na ando'n pero mga landscape lang, mga animals, katulad ng kabayo na pinaliguan nya noong nakaraan, puro mga ganoon.

Ang ang boring ng social media status nya.

So paano nya nadali si Hellen kung ganoon? Kunsabagay, parang si Hellen ang patay na patay sa kanya kaya kahit hindi sya magtanong kay Hellen ay  , yes, kaagad ang isasagot nito.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now