CHAPTER 8

340 3 0
                                    

WHO'S THE BOSS?

Magdidilim na nang dumating kami sa bahay, wala akong imik na nilisan ang sasakyan at dumiritso sa hardin. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit at bigat na nakadagan sa aking dibdib.

'I hate him, i hate him for breaking my heart!

But why would i be hurt? Gayong hindi nya naman ako pinaasa in the very first place.

Tumulo ang mga luha ko sa notepad na kung saan ay doon ko isinulat ang nasa puso ko ng mga oras na iyon, alam ko naman e. Alam ko na wala syang pagtingin sa akin, kase marami syang kinakalantari tapos harap-harapan pa.

Kung alam ko lang na ganito pala ang magmahal? Ay sana sinikap ko na huwag maramdaman ito sa kanya.

Hinahalikan nya ako dahil gusto ko. Inaaya ko sya. I gave him free access on my lips. Lahat gusto ko ito ng kusa. Kase mahal ko na sya.

Ayaw ko lang aminin kase hindi sya ang type ko pero, sya ang mahal ko.

Sana one day ay makalimutan ko sya at sana sa maging masaya ako na katulad ng dati, noong hindi ko pa sya nakikilala para pagdating ng kinabukasan ay...

Nakita ko si Papa sa dining area, maaga akong nagising, nagulat pa sya sa akin nang sabayan ko sya sa breakfast.

"Sigurado ka na sasama ka sa akin?" paniniguradong tanong ni Papa.

"Opo" matamlay na sagot ko sa kanya habang ang mga mata ko ay nasa kutsara na pinapaikot-ikot ko lang sa food ko.

"Nice earing, hindi ko naalala na binilhan kita nyan" puna sa akin ni Papa ng makita nya ang hikaw na binili kahapon ni Xan.

Umismid ako nang maalala ko sya, nakatali kase ang mahaba kong buhok kaya kitang-kita ang hikaw sa tenga ko.

Binilhan ako ng driver mo kahapon, bumili kase sya ng singsing, iwan ko, magpo-propose na yata sa isa sa mga babae nya?.

Nakasimangot kong sabi.

"I see, pero parang wala naman girlfriend si Xan?"

"Anong wala?" biglang kambyo ko kay Papa na parang kinakampihan nya pa ang breaker na 'yon.

"How about Helen at Joana?" nilalandi nya ang mga 'yon" hindi na naitago ang pait sa aking tono.

Sinipat lang ako ni Papa at tumawa ng may panunudyo pero hindi na nagsalita pa at tinapos nalang ang breakfast ng tahimik.

Gaya nga sa sinabi ko ay sasama ako sa kanya sa pagawaan ng alak kaya sobra akong namangha sa winery namin, ang lawak pala dito at first time kong makapunta dito. Ang daming mga buko na syang ginagamit sa paggawa ng mga alak, merong laboratory sa loob. Moderno ang mga kagamitan tanda na maunlad ang negosyo.

Nakahawak ako sa braso ni Papa habang inililibot ko ang aking paningin sa paligid, nagulat pa ako nang makita ko ang taong iniiwasan ko na.

Ang taong nanakit sa aking puso, ang taong, first kiss and first love ko. Pero ganoon pa man ay galit na ang nararamdaman ko sa kanya at hindi na pagmamahal na lihim.

'Bakit kaya andito 'tong hinayupak na'to?" inis na bulong ko.

Nakita nya rin kami ni Papa ng mapadako ang tingin nya sa gawi namin.

Pero imbis na tapunan ko sya ng tingin ay nilagpasan ko lang sya na para syang hangin na hindi ko nakikita. 'Yan ang gusto nya diba? Ibibigay ko lang sa kanya, hindi naman ako madamot e.

Pweee!

Sa dulo ng winery ay ang malawak na taniman ng mga niyog at mga tubo na syang ginagawang asukal,  sa lawak ng lupain ni Papa ay halos hindi na maabot ng aking mga paningin. Abala ang lahat sa kanila-kanilang designated area, samantala kami ni Papa ay naglibot-libot lang, itino-tour nya ako sa buong pagawaan.

MAKE ME A SLAVE: EL FARMA 2  (COMPLETED)Where stories live. Discover now