11 (Tears)

4.7K 108 6
                                    


ALESSA GRACE LOPEZ

"Sa tingin mo ba ay magpapasalamat kami sayo dahil hindi kami nasesanteng lahat?" Mataray na sabi ni Jane. Isa sya sa mga kasamahan ko noong receptionist pa ako.

"Isa ka lang naman gold digger. Tingin mo ba nakakaangat ka sa amin dahil naakit mo si Sir." Mapait na wika ni Lea. Pinipigilan kong wag umiyak sa mga sinasabi nila.

"Hindi naman sa ganoon. Wala akong intensyong masama. Gusto ko lamang na maayos ang misunderstanding." muntikan silang tanggalin ni Sir Shawn sa trabaho dahil nalaman nya na hindi ko sila kasundo and I was isolated nung unang araw ko sa trabaho.

"Whatever, hindi mo kami madadaan sa mga paawa effect mo. Anong misunderstanding? You are the one who misunderstood us. Sa tingin mo ba pinag-initan ka namin? Masyado ka namang sensitive." I really don't understand why they are so mean to me. Palaging sinasabi ng magulang ko na napakabait kong tao at sana lagi kong piliin ang maging mabait sa kapwa. I really want to be friends with them but they really seem to hate me.

" Don't tell me iiyak ka na naman? Spare us from your drama. Sana talaga natanggal ka na lang nung naperwisyo mo si Ma'am Chantal." Matabang na wika nila bago ako iwan. Mag-isa na lamang ako sa locker room at hindi ko mapigilang maiyak. I know it naman, sobrang sensitive kong tao. Napakadali kong umiyak and I really hate it. I'm like this ever since I was a child kaya siguro hindi ako gusto ng mga tao.

Agad kong inayos ang itsura ko dahil tinatawag na ako ni Sir sa office. Ayaw kong ipakita na umiyak ako.

"Where have you been, Alessa? Kanina pa tapos ang break mo?"

"Pasensya na Sir, may inasikaso lang po ako." ibinaba nya ang hawak nyang papeles at humarap sakin.

"Is there a problem?" I don't know why he's acting like this to me. Sabi nya ay gusto nya ako at nais nya na mas mapalapit ang loob namin sa isa't isa. Tinanggihan ko naman iyon dahil hindi nararapat ngunit hindi sya tumitigil. Palagi nyang ipinaparamdam na espesyal ako.

" Wala po, Sir." Lumapit naman sya at pinaupo ako sa sofa katabi nya.

"Hindi ba at sabi ko na Shawn na lang ang itawag mo sa akin kapag tayong dalawa lamang?" Palagi nya itong ipinipilit ngunit hindi ako sanay.

"Pero hindi po iyon angkop. Nasa trabaho tayo." He just touched my hair.

"Yes and I am your boss. Call me Shawn." I just did what he said because he won't stop until I did.

"I really like you, Alessa." Ilang ulit nya na itong nasabi sa akin. Hindi ko lamang maintindihan kung ano ang nagustuhan nya sa akin gayong napakaganda at napakasikat ni Ma'am Chantal habang ako ay ang kabaliktaran nya.

"Hindi po ito tama, Sir. May nobya po kayo." Kumunot naman ang noo nya at bumuntong hininga.

"How many times do I need to tell you? Wala kaming relasyon ni Chantal. What we had is casual and it's long over."

"Pero mas mainam po kung magkaroon kayo ng relasyon. You really look good together." Ma'am Chantal is really gorgeous. Noong una ko syang makita ay halos matulala ako sa kanya. Kung hindi ko lamang sya naperwisyo ay hihingi ako ng autograph. Idol din kasi sya ng kapatid kong babae at gustong gusto nya itong makita ng personal.

"Stop. I'll be the one to decide kung sino ang magiging girlfriend ko. Besides you don't fully know that woman. Didn't she just throw coffee at you. You are so forgiving and kind kaya iniisip mo na lahat ng nangyari ay kasalanan mo. It's not, so you need to stay away from her."
Muli syang bumalik sa mesa at itinuloy ang ginagawa nya. Mukhang hindi nya nagustuhan ang nangyari.

Sumunod na linggo ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawan ni Ma'am Chantal. Inakusahan nya ako ng masasakit na bagay. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon, naiiyak na ako sa nangyayari at dahil umiiwas ako ay natapilok ako. Muling nagalit si Sir Shawn kay Ma'am Chantal at umabot ito sa termination of contract and I know na it's my fault. Gusto ko sanang maayos ang nangyari, na makapag-usap sila ng masinsinan dahil biglaan ang nangyari ngunit ipinamukha lamang ni Ma'am Chantal kung gaano ako kahina. I'm really lost.
I don't know what to do anymore. Mainam sana kung makaalis na lang ako dito para makaiwas na ako gulo pero malaki ang sweldo at kailangang kailangan ako ng pamilya ko.
---------------------------

"Nice meeting you again, Mr. Montero." Sir Shawn continued to greet other people habang nasa tabi nya ako. Dumalo kami sa runway show na sinasalihan ni Ma'am Chantal. Nakasuot sya ng itim na tuxedo habang ako naman ay naka sleeveless-long dress na pink. Kanina lamang kami nagsukat at bumili ng gagamitin sa event. Gusto ko itong tanggihan dahil lagpas pa sa sinasahod ko ang presyo ng damit ngunit hindi sya pumayag.

"Who are you with, Mr. Montero? Is she your girlfriend?" It seems like he is a reporter.

"I am his assistant." Inunahan ko ng sumagot si Sir. I interviewhin pa sana sya nito ng hinila na ako ni Shawn paalis.

"You don't need to say a word to them." Magpapaliwanag na sana ako ng may lumapit sa amin at igiya kami sa aming uupuan dahil magsisimula na ang show. Everything is just different. The guests are all classy and they all look like socialites. Natural na natural ang kanilang kilos habang hirap na hirap akong dalhin ang aking sarili.

Lalo akong namangha ng magsimulang rumampa ang mga model. I never felt this low but when I saw Chantal walking, I feel like I'm just a bug. Sobrang ganda nya at bagay na bagay ang suot nya. Lahat ng mga tao ay nakatutok sa kanya and when I look at Shawn he's also looking at her. Hindi nya inalis ang titig dito hanggang sa mawala na sya sa stage. Napayuko naman ako dahil nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

Nang matapos ang programa ay tumayo kami dahil kumuha sya ng inumin. I also took a few glass at nag simulang uminom. Shawn is about to stop me but I did not let him. Hinayaan nya na lamang ako at nagsimula na din syang sumimsim habang nakamasid sa entrance na nilalabasan ng mga model.

Maya maya pa ay lumabas na si Ma'am Chantal kasama ang mga kaibigan nya. Napakaraming gustong lumapit sa kanya ngunit naunahan sila ng reporter. Pinapanood lamang ito ni Shawn, ni hindi nya namamalayan na madami na akong nauubos na baso ng alak. Dati naman ay di nalilingat ang tingin nya sa akin. Magpapaalam na sana ako para umuwi ng bigla syang umalis sa harapan ko ng walang paalam. Sinundan ko sya ng tingin and there he is. Pinuntahan nya si Ma'am Chantal, he is looking at her throughout the time and she is smiling at him.

I clutch my chest dahil muling bumabalik ang kakaibang sakit dito. Pakiramdam ko ay maiiyak ako pag pinanood ko pa sila kung kaya ay tumalikod na ako para lumabas. I can't walk straight dahil napadami siguro ang nainom ko ng may bumangga sa akin. Before I know it, glass are shattered everywhere and I am soak with alcoholic drinks. I can't help it anymore. I am so pathetic. I don't wanna cry but I can't stop my tears from flowing.

**********
Hi! Thank you for reading my story. Honestly, I-uunpublish ko na sana ito dahil nagstart lang naman ako out of boredom. I don't even know if I can finish this hehez.

Twisted Reincarnation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon