13 (Fate)

4.6K 131 1
                                    

"I died?" Siguro ay hindi malayong namatay ako dahil sobrang dami ng nawalang dugo sa akin noon.

"Yes, my child."

"Pero anong kaugnayan noon kung bakit ako naririto sa istoryang ito." Ibig sabihin ba lahat ng effort ko na sundin ang plot ay balewala lamang.

"Because the real Chantal died too." She casually said.

"What does that have to do with me? Hindi ba at istorya lamang ito. "

"Diyan ka nagkakamali, ang mundong pinanggalingan mo at ang mundong ito ay totoo. Walang fantasy." She doesn't make any sense.

"What do you mean? Nabasa ko lamang ang istoryang ito bago ako mamatay." I'm getting hysterical.

"Madaming planeta ang pinaninirahan ng tao. Sa dami ng planeta ay iniisip mo ba na sa inyo lamang ang may huhay?" natahimik ako sa kanyang sinabi.

"Ang mundo na pinanggalingan mo at ang mundong ito ay ang pinakamagkatulad sa lahat maging sa topograpiya. Ang naiiba lamang ay ang naninirahan dito." what? Is that possible? Sabagay, nasa katawan nga ako ng ibang tao e.

"Pero ano ang ibig sabihin ng libro na nabasa ko? Bakit nadoon ang mga tao sa mundong ito?"

"Ang binasa mong kwento ay isa lamang sa mga maaaring maging landas ng mga tao dito." Ha? Does that make any sense?

"I told you, I am the goddess of fate. Ang fate ng isang tao ay hindi kongkreto mula pagkapanganak. Kayo ang bumubuo ng landas nyo. May mga desisyon na walang epekto sa iyong kasalukuyan ngunit madaming desisyon o kaganapan ang maaaring makapagbago ng iyong kinakubakasan. " What does that mean? Mukhang nababasa nya ang aking isipan. Kinagat nya ang isang cookie bago muling nagsalita.

" Like I said. Ang libro na binasa mo ay isa lamang sa maaaring kahinatnan ng mga tao sa mundong ito. There are thousands of different fate that awaits them depending on their decision."

"What does that have to do with me? Bakit kailangang mapunta ako sa katawan ni Chantal?"

" I want to heal her soul at dahil ang pinili mong landas ay nagdulot ng iba pang kamatayan." natigilan ako sa kanyang sinabi.

"What do you mean by that? Who else died?" tumayo sya at lumapit sa aking tabi.

"I think it's better for you to see it on your own." nilapat nya ang kanyang kamay sa aking ulo.

Nakita ko ang kaganapan nung namatay ako. Sinisisi ng aking ama ang kanyang sarili dahil sa nangyari. Hindi napagbayad sa batas ang bumaril sa akin dahil binaril din nya ang sarili nya sa ulo matapos ang pangyayari. Nagsimula syang maging lango sa alak habang ang ina ko naman ay nakaranas ng matinding depression. Ang kapatid ko namang si Gio ay sinisisi din ang kanyang sarili kung bakit wala sya nung nangyari ang lahat. Dahil sa matinding kalungkutan at sa sitwasyon ay naging addict sya. Nagsimulang tumulo ang aking luha. Hindi dapat ganito ang nangyari sa kanila. Dapat ay pinagpatuloy nila ang kanilang buhay at mas dinamayan nila ang isa't isa. Napasigaw ako sa sumunod na naganap. Nabangga ang tatay ko dahil sa sobrang kalasingan. Nang maisugod sya sa hospital ay huli na ang lahat. Lalo namang tumindi ang kalagayan ng aking ina at nagsimula syang magkasakit. Nakita ko kung panong itinataguyod ni Gio si Mama ngunit makalipas ang isang taon ay pumanaw din sya. Dala ng kalungkutan ay kinitil na din ni Gio ang kanyang sarili. Patuloy lamang ako sa paghagulhol. Hindi ko alam na ganito ang nangyari sa kanila. Hinaplos lamang ng goddess ang aking buhok habang umiiyak ako.

"Are they really dead? Then why am I alive here?" mapait kong wika. If they died because of my death, then I shouldn't be alive.

"Because I change all of your fate." Natigilan ako sa sinabi nya.

"What do you mean by that?" muli syang bumalik sa kanyang upuan at muling uminom ng tsaa.

"I exchange your soul with Chantal." ano ang ibig nyang sabihin? Na buhay pa ang katawan ko?

"I am not allowed to change any fate but I disobey that. I saw all of your possible fate and what you chose is the worst of all." Mali pala na isinakripisyo ko ang aking sarili?

"I am not saying that you are wrong for sacrificing yourself but the outcome of it, is what worst." She smiled at me.

"You are a good child. Kung kaya't alam ko na kung papipiliin ka ay pipiliin mong maging masaya ang pamilya mo." Hindi ko alam ang aking sasabihin. I am bombarded with many information.

"I interfered because you met the condition and because all of you deserve it. Sabay kayong namatay ni Chantal kung kaya ay pinagpalit ko ang inyong kaluluwa."

"Bakit hindi nyo na lamang ako binuhay muli? I can still change the fate with that?"

"I can't do that. That is not in my authority. You're body already rejected your soul at tanging god of Death ang kayang magbalik nito."

"Then does that mean, Chantal is living in my body and my family is still alive and well?" Tumango sya and I cry from relief. If living as Chantal is the price I have to pay then I will gladly do so.

"Why did you choose Chantal then?" I am very curious madami namang magkakasabay na namamatay but why us?

"Because her soul is broken. I told you I can see all of your possible fate, right?" tumango naman ako.

"She died in all of her fate. She always kill herself." Napatutop ako sa aking bibig. She always died?

"Is that why I can't kill her body?" I tried it multiple times before but nothing is working. Tumango naman sya habang lumilikha ulit ng bagong type of dessert.

"Yes, I can't allow you to hurt this child."

"Kung ganon, bakit sya ay nasa katawan ko bago ako mamatay habang ako ay malayo pa sa panahon ng kanyang kamatayan?" Nalungkot naman sya at tumingin palayo.

"Because I am also once a goddess of time. I risked it all to save all of you. You are a good child. Hindi patas kung ibibigay ko sa iyo ang buhay ni Chantal sa panahong iyon. I already showed it in your dreams." She's really a goddess. No, she's a saint. She did all of that?

" Chantal will do well kahit saang timeline ko sya dalhin because you have a loving family and that's what she need to heal her soul. "

" Maraming salamat for giving all of us another chance." Truth be told I don't care about me but as long as buhay ang pamilya ko, I am more than okay.

" You are a strong child. Live your new life with confidence. I can't meet you again because I am currently in probation. It'll prolly be lifted after a thousand year." She sadly said. I am really thankful at her.

"Thank you so much." She smiled at me.

"You're welcome, my child. Now, go back. Live as Chantal and be happy."
She gave me a very sincere smile and with that I woke up.




Twisted Reincarnation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon