After weeks....
Tamara's POV
''WAG MO AKONG TITIGAN!BAKA HINUHUBARAN MO NA AKO SA ISIP MO!LETCHE!'' Sigaw ko kay Hunter.
Nakama-inis!Di pa nga natatapos yung morning sickness ko dumadagdag na yan!Pasalamat sya di ko sya natiis...
''Ang sungit mo.Tinitignan ka lang eh."
''Bwiset!Aalis na kami!Bahala ka sa buhay mo!''
Lumabas na ako para puntahan sina Trevor at Skyler sa labas.Bilog na rin yung tyan ko,kaya nahihirapan akong tumayo o mag-lakad ng matagal.....
''Mommy....'' lumapit sakin si Trevor para alalayan papasok ng kotse.
''Ano pong bibilhin natin sa mall mommy?'' Tanong ni Skyler.
''Maternity dress,Shoes, branded bags para sakin.Tsaka baby stuff para sa twins. May bibilhin ba kayo?'' Sagot at tanong ko
''Bibili lang po ako ng bagong Xbox.Nasira ko kasi yung Xbox ni kuya Skyler eh.Kaya papalitan ko....'' -Trevor
''Ahh.Ikaw Skyler?'' Tanong ko.
''Bibili lang ng cappuccino sa Starbucks.....''
At tumahimik na ang buong byahe!
=_______=
''Mommy....'' pambabasag ni Trevor sa katahimikan.
''Oh?''
''T-tumawag po si Lolo....pinapapunta po tayo sa Mansion bukas....k-kasama sina kuya Skyler at dad....''
Akala ko patay na yun!?Tss,Pano ko naman malalaman eh nasa Korea pala yun!At akala ko dun na sya titira?!Pambihira!
''Edi pupunta bukas....'' bored kong sagot.
''M-mommy....'' tawag ni Skyler.
''O?''
''M-may nag-text po sakin.Hindi ko po kilala...pero kayo po yung hinahanap.'' Sabi nya.
Napa-kunot ang noo ko.Kung hinahanap ako...bakit hindi sa number ko nag-text?
''Sino raw?anong sabi?'' Diretsong tanong ko.
''Kinakamusta po kayo tapos tinatanong kung masaya ka daw ba sa napangasawa mo.Unknown po yung number pero nag-pakilala naman po.Sya daw si Trist Valera.''