Chapter 1: Stranger in Rain

1.8K 96 18
                                    


NAGLALAKAD ako pauwi ng bahay galing school. Punyetang school project 'yan na nakaasa sa Facebook likes at comments para pumasa. Paano kaming hindi mahilig gumamit ng Social media? Hindi ko nga alam bakit naging criteria ang likes at share para pumasa, eh.

"Naku, Jude!" Nagmamadaling lumapit sa akin si Andrew na siyang kaibigan ko sa Apartment na tinutuluyan ko. "Huwag ka munang umuwi, si Aling Dina..." hinabol niya ang kaniyang paghinga dahil sa pagod. "Nasa tapat ng apartment mo, hindi ka pa raw nakakabayad ng upa."

"Sumabay pa talaga siya?" Inis kong sabi, ihing-ihi pa naman ako galing sa school. "Lintek naman, oh, sinabing babayaran ko sa katapusan, eh." Reklamo ko.

"Tanga, ilang beses mo nang sinabi 'yang katapusan na 'yan. Baka nga isang araw ay umuwi ka na lang na nakahagis sa labas ng apartment lahat ng gamit mo." Paliwanag sa akin ni Andrew.

Totoo naman ang sinabi niya na ilang buwan na akong humihingi ng palugid kay Aling Dina. Paano ba naman kasi, naaksidente ang kapatid kong mayabang last month sa motor kung kaya't kailangan operahan ang binti niya. Hindi tuloy nakapagpadala sila Mama sa akin dahil sa sobrang gipit.

'Yong pera ko naman sa scholarship na dapat ipambabayad ko ay sa katapusan pa ibibigay. Wala na ngang natira sa akin, eh! Lintek kasi 'yong mga group projects at activities na 'yan sa school na puro ambagan.

Napatigil ang usapan naming dalawa ni Andrew noong makarinig kami ng ingay mula sa hagdan— pababa na si Aling Dina mula sa second floor.

Mabilis akong pinatalikod ni Andrew. "Tumakbo ka na, tumakbo ka na." Mahina niyang bulong.

"Gago saan ako pupunta?" Ganti kong tanong.

"Bahala ka. Sa impyerno kung gusto mo." Sagot niya.

"Hoy! Jude! Nandiyan ka lang pala!" Isang malakas na sigaw ni Aling Dina ang umalingawngaw sa buong apartment. "Nasaan na ang bayad mo sa upa mo! Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang Nanay mo ay matagal na kitang pinaalis!"

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko at nagmamadaling tumakbo papalabas ng apartment. "Sa katapusan po!"

Tumakbo ako ng mabilis hanggang mawala na ako sa paningin ni Aling Dina. Nakarating ako sa parke ng Baranggay namin at umupo sa pagkatigas-tigas na bleacher. Maggagabi na at heto ako, hindi ko man lang nagawang makauwi para makapagpalit ng damit o makakain man lang ng Pancit Canton.

Tumingala ako sa langit. "Lord, bunot mo ba ako sa buhay? Bakit ganito? Puwede mo naman akong ilagay sana sa maliit na populasyon ng mayayaman sa Pilipinas pero bakit sa ganito pa?" Pagmo-monologue ko at napabuntong hininga ako. "Sorry, Lord. Sa 'yo ko naibuntong 'tong inis ko. Pero okay lang naman maging mahirap... kung sa ibang bansa. Pero mahirap na nga tapos nasa Pilipinas pa? Wow lucky winner sa life."

Napatigil ako noong unti-unting may tubig na pumapatak sa kalangitan— umaambon. "Hindi ko alam kung nakikisimpatya ka, Lord or way mo 'to para pagalitan ako sa mga rant ko sa buhay."

Ang ambon ay until-unting lumakas kung kaya't naghanap ako ng saradong tindahan na maaaring silungan. Tinext ko si Andrew.

To: Andrew gagu
Nandiyan pa si Aling Dina?

From: Andrew gagu
Oo boi, tibay din. Anong oras na inaantay ka pa. Naol may naghihintay pauwi

To: Andrew gagu
Pakyu. Chat mo ko kapag nakaalis na

From: Andrew gagu
Gegege.

"Tsk. Walang balak tumila." Reklamo ko habang pinagmamasdan ang ulan at maririnig sa paligid ang malakas na kulog at kidlat. "Ihing-ihi na talaga ako."

Sumilip-silip ako sa paligud at mukhang wala namang tao sa daan. Medyo mahirap na rin makakita dahil sa lakas at laki ng patak ng ulan.

Pumuwesto ako sa gilid ng tindahan at tumalikod. Binuksan ko ang zipper ko at doon na ako umihi. "Tabi-tabi po."

Prisoner GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon