"JUDE, tutulong ka ba sa akin sa pagre-ready ng late lunch?" Tanong ni Kennard sa akin habang naglalakad sa hallway. May tatlong oras kami para mag-ikot at maghanap ng susi sa oras na ito."Pass muna ako, gusto kong mag-focus muna sa paghahanap ng susi." Sagot ko kay Kennard na hindi naman din niya minasama dahil ilang beses na rin naman ako tumulong sa kaniya. "Ikaw, kumusta ka? Kasama mo si Anya ng dalawang oras sa cell, hindi ka ba niya sinaktan?"
Sumandal panandalian si Kennard sa pader at napatigil kaming dalawa sa paglalakad. "Well, iyon din ang inaakala ko. Akala ko nga ay mawawala na ako sa laro pero sinabi ni Anya na wala daw siyang balak na patayin ako... because I treated her nicely." Pilit na ngumiti si Kennard. "Mukhang may maganda rin naidudulot ang pagiging mabait."
Tinapik ko ang kaniyang balikat. "Glad you are okay. Hindi puwedeng mawala ang resident cook namin sa laro." Biro ko.
"Pero alam mo, she's also a victim. Ikinuwento niya lang sa akin ito kanina, may isang Prisoner Guard na nagbigay ng sulat sa kaniya na galing daw sa viewers ng laro." Paliwanag sa akin ni Kennard. "Binigyan siya ng task nito na sa oras na makapatay ito ng limang tao sa laro ay ituturo nito kung saan nakatago ang susi papaakyat sa susunod na floor level."
Napatigil ako. Anya just followed the viewer's order.
"Ang mali niya ay hindi niya sinabi ang tungkol dito. Oo, biktima lang din siya ng laro pero hindi pa rin maaalis na pinatay niya si Cholo at Haku." Sagot ko naman kay Kennard. "At nakita mo naman si Anya, parang nawawala na siya sa sarili niya dahil muntik niya nang saksakin si Benjo."
Naputol ang usapan namin noong nagsalita si Marco.
"Jude." Tawag niya at napatingin ako sa kaniya. "Makikipagkuwentuhan ka na lang ba diyan? Wala kang balak kumilos para maghanap?" Tanong niya.
"Sige na," sabi ni Kennard. "Sabihan ko na lang si Thea na kailangan ko ng kasama sa pagluluto ngayon."
Pumasok na sa cafeteria si Kennard at naglakad ako papalapit kay Marco.
"Hindi mo man lang ako sinabihan na may mini talkshow pala kayo ni Kennard. E 'di sana kumuha ako ng snacks sa cafeteria habang pinanonood kayo." Nakapamulsa niyang sabi at sa lounge area kami nakatoka na maghanap ni Marco.
"Kinumusta ko lang siya? Kasama niya sa cell ang killer." Sagot ko. "Hindi naman ako mamamatay kung magkaroon ako ng malasakit sa mga kasama natin dito."
Napailing si Marco. "Galing mo mag-joke. Malasakit? Hindi nga natin ganoon kakilala lahat ang isa't isa para magkaroon ng pakialam."
"Pakikisama ang tawag doon, Marco. Ilang araw tayong magkakasama rito sa Prisoner Game." Paliwanag ko at naghanap sa bawat sulok ng couch dito.
Si Marco naman ay naghahanap sa likod at bawat sulok ng mga nakahilerang vending machine. "Kung may bagay man akong sasang-ayunan kay Benjo ay iyon ay ang bawasan ang pakialam sa bawat isa't isa para hindi ganoon kasakit kung may mawala man sa laro. Sarili ko ang priority ko sa larong ito. It just happened that we are all stuck here together."
Napakamot ako ng ulo. "Ang nonsense ng pinagtatalunan natin. Huwag mo akong pakialamanan dahil pinalaki ako ng nanay ko na marunong makisa sa ibang tao. We have one goal here at iyon ay ang mahanap ang susi." Paliwanag ko,
"Ang dami mong sinabi." Reklamo niya sa akin.
"At the end of the day, tayo-tayo lang din naman ang magtutungan para makaalis sa impyernong ito." Sabi ko sa kaniya.
Napatingin sa akin si Marco. "At the end of the day, sarili mo lang ang kakampi mo sa larong ito. Betrayal is more likely to happen in this game."
Nagpatuloy ang paghahanap naming dalawa at bawat sulok ay hinalughog. Maging ang mga paso na may fake plants ay pinakialamanan ko na ngunit wala talaga kahit anino ng susi.
BINABASA MO ANG
Prisoner Game
HorrorOne prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the prison. Jude, a student who is financially struggling to pay his rent and school tuition was invited...