KATAHIMIKAN ang nananaig sa buong paligid at lahat kami ay halos mabato sa kaniya-kaniya naming kinatatayuan dahil sa nakita namin. Who would thought na mawawala si Haku sa larong ito? At sino ring mag-aakala na may isang mamamatay sa amin ngayong umaga?
"G-Guys, kumain na tayo. Naka-ready na 'yong pagkain." Si Kennard ang bumasag ng katahimikan at napatingin ang lahat sa kaniya.
"Sakto, gutom na ako." Sabi ni Benjo at siya ang unang lumabas ng storage room. How can he act so calm and chill, ilang minuto pa lang ang nakalilipas simula noong mamatay si Haku.
"Wala talagang puso." Bulong ko sa sarili ko.
Pare-parehas kaming nabigla noong galit siyang sinundan ni Thea. Malalaki ang paghakbang nito para makahabol kay Benjo. Mabilis na sumunod sa kaniya si Awi at Gabbi para mapigilan.
Lahat kami ay lumabas ng storage room at mula sa hallway ay nakita namin ang pagtatalo nung dalawa. Hinigit ni Thea ang braso ni Benjo at pinaharap sa kaniya. Malakas na sampal muli ang dumampi sa pisngi ni Benjo na maririnig sa buong lugar.
"Boom. Deserved." Narinig kong sabi ni Jia.
"Benjo, hindi ka ba titigil sa ginagawa mong pagpatay? Noong una ay si Cholo, Sunod ay si Paco, ngayon pati si Haku ay hindi mo pinalampas? Ilang buhay pa ba ang papatayin mo?!" Thea shouted.
Puno ng galit ang kaniyang mata. Hindi naman din siya magawang pigilan dahil malaki naman talaga ang kasalanan ni Benjo. He act like a total jerk in this game.
Napailing at napabuga ng hangin si Benjo. Malakas niyang tinulak si Thea dahilan para matumba ito sa sahig. "Tangina... ilang araw na akong nagtitimpi diyan sa pagbubunganga at pag-asta mo bilang lider ng lahat,"
Tinulungan ni Awi at Gabbi na makatayo si Thea. "Tatlong buhay, Benjo... tatlong buhay ang kinuha mo!" Thea shouted.
Nakatahimik lang kaming lahat habang pinagmamasdan ang kanilang sagutan. Tangina! Kahit ako ay hindi ko naman ginusto na mapunta sa ganitong sitwasyon.
Kung papipiliin ako kung mananatili sa bulok kong buhay o mag-register sa larong ito. Mas pipiliin ko na lang na tiisin na mabaon sa utang at maghirap sa pangbayad ng upa at tuition. Kaysa naman ganito, nalagay ko ang sarili ko sa nakaka-putangina at nakababaliw na sitwasyon.
Maayos na tumindig si Benjo at humarap kay Thea. "Tamang sisi ka lang, daldalita. Wala kang pruweba na ako ang pumatay kay Cholo at Haku." May galit at inis na sa mata ni Benjo. "Oo, nagawa kong ialay ang buhay ni Paco para mabuhay ako sa laro. Pero ginawa ko iyon kasi kailangan. Hindi ako papatay ng walang dahilan."
"Itigil ninyo na 'yan!" Malakas na sigaw ni Irene ang narinig sa paligid. She rolled her eyes. "Nauubos ang oras natin sa walang kuwenta ninyong pagtatalo. Araw-araw na lang kayong nagbabangayan, hindi ba kayo nagsasawa?"
"Lumalamig ang pagkain," sabi ni Ruri. "Ilang minuto na lang bago tayo ulit bumalik sa kaniya-kaniya nating cell. Kailangan natin kumain para may energy tayo mamaya sa paghahanap." Napatango ako sa sinabi ni Ruri.
Natahimik ang lahat at naglakad na papunta sa cafeteria.
Umupo kami sa kaniya-kaniya naming puwesto, ang awkward sa paligid dahil tanging tunog lang ng mga kutsara't tinidor ang nananaig sa paligid. Napatingin ako kay Marco.
"Why are you staring at me again? Pinaghihinalaan mo na naman na ako ang gumawa nang pagpatay kay Haku?" He asked sa boses na kaming dalawa lang ang makaririnig.
"Wala na akong lakas para makipag-argumento sa 'yo, Marco. Ipapaabot ko lang sana sa 'yo 'yong kanin." Sabi ko sa kaniya. Napailing siya at iniabot naman ito.
BINABASA MO ANG
Prisoner Game
HorrorOne prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the prison. Jude, a student who is financially struggling to pay his rent and school tuition was invited...