Chapter 20: Glass of Fate

897 41 21
                                    


NAKARATING kami sa dining area ng Basement prison. Agad kong iginala ang mata ko sa paligid at kapansin-pansin ang mahabang center table na nasa gitna ng silid na may labing-anim na upuan. Mas maliit ang dining area na ito kumpara sa cafeteria na mayroon kami sa Underground prison pero maayos pa rin namang nakagagalaw ang lahat.

"Nakatatakot ang vibes dito sa Basement Prison." Dinig kong bulong ni Ruri at napakapit siya sa laylayan ng coat na suot ko. Pakundap-kundap din ang ilaw sa paligid.

Nabuhay ang TV at napatigil kaming lahat sa paglalakad, ngumiti sa amin ang Game Master. "Welcome Prisoners sa isang celebratory dinner na inihanda ng mga minamahal nating viewers para sa inyo. Did you guys know how they are amazed noong nakatakas kayo sa Underground Prison? Especially sa 'yo, Jude."

"Kung na-amaze talaga sila sa akin ay palabasin na nila ako sa larong 'to." Pasigaw kong balik sa kaniya.

"You know the rules, Jude, they can make your life here easier pero hindi ka namin puwedeng pakawalan. Especially now, you are climbing up as one of the favorite Prisoner in the game." He explained. Tangina na lang talaga ang masasabi ko sa mayayamang ito.

"I know you guys are hungry dahil naantala rin namin ang late lunch ninyo kanina. As you can see sa right side ng dining area ay may hilera ng mga pagkain na nakalagay sa pinggan at katabi nito ang juice. You can get your food for the meantime but make sure na wala munang kakain sa inyo. I have a good news to announce na ikatutuwa ninyo at mas magiging eager kayo na tapusin ang laro natin." The Game Master mind ay maging siya ay may mga pagkain na nasa harap niya.

Nag-aalangan pa akong kumilos at nagkatinginan pa kami nila Kennard. Samantalang si Benjo ay nangunguna pang kumuha ng pinggan.

"Sus ang aarte ninyo, mas gusto ninyo pa 'yong mga itlog at hotdog na niluluto ni Boy labo." Monologo niya at kumuha na siya ng pagkaing nakalagay sa pinggan at isang baso ng juice.

"Nag-a-adobo ako." Depensa naman ni Kennard at pumila na rin para kumuha ng pagkain.

"Sus. Adobo mong mas marami pang mantika kaysa sa sabaw." Balik ulit ni Benjo sa kaniya at napapailing na lang ako dahil walang araw na hindi nagreklamo o nagbunganga si Benjo.

Nakapila kaming kumuha ng pagkain isa-isa. Pinagmasdan ko ang pinggan dahil ito ang mga pagkain bihira ko lang makain: Carbonara, Steak na hindi ko alam ang doneness, mushroom soup, manok, at kung ano-ano pang beef na hindi ko na alam ang tawag.

Kung normal na araw lang ito na nasa labas kami ay baka tuwang-tuwa na ako. Pero iba sa sitwasyon ngayon, maraming buhay ang nawala sa likod ng maliit na selebrasyon na ito.

Pumuwesto ako sa isang upuaan sa lamesa. Akmang susubo na si Duke ng pagkain ngunit mabilis na tinabing ni Irene ang kamay niya.

"Nakikinig ka ba, Duke? Mamaya pa puwede kumain. Gusto mo bang sumabog ang ulo mo ng wala sa oras?" Inirapan siya ni Irene na prenteng nakaupo sa kaniyang puwesto.

"Sus. Tikim lang." bulong ni Duke sa kaniya.

"Gawin mo nga. Nang mabawasan naman ang pamparami lang sa larong 'to." Sagot ulit ni Irene sa kaniya.

Habang tumatagal ay nasasanay na kami sa ugali ng isa't isa. Ganoon nga talaga siguro, mas nagiging close ang mga tao sa oras na nalalagay sa panganib na ang kanilang buhay. Pero kagaya ng sabi ni Benjo... magkakasama lang kami, pero hindi kami magkakakampi.

Prisoner GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon