Chapter 14: Second Dare

497 34 4
                                    

UMAANDAR ang oras, nakatayo kaming lima at pinagmamasdan ang malaking plate na nakabalanse sa isang pole. Kung tutuusin ay madali lang ang laro ngayong gabi dahil ang goal lang naman ay huwag matumba ang plate. It is easy, pero ang nagpapakaba sa aming lahat ay sa oras na magkamali ay buhay namin ang kapalit dito.

"Sinong mauuna?" Tanong sa amin ni Haku.

"Let us go with the arrangement kung paano tayo tinawag kanina." Suhestiyon ni Paco at napatango-tango ako. Less conflict kapag ganoon na lang ang ginawa namin.

"Magandang ideya, dahil diyan ay ako ang mauuna." Nabigla kami noong kumuha na si Benjo ng isang figurine at pinagmasdan ang plate sa kung saan niya maaari itong ilagay.

Inis kaming apat na tumingin kay Benjo. "Ganyan ka ba talaga, Benjo, lahat na lang bagay na napag-uusapan ay sisirain mo?!" Galit na sigaw ni Sandra sa kaniya.

"Pakialam ko sa inyong lahat." Sagot ni Benjo sa kaniya. "Kung susundin natin 'yong arrangement kanina ay ibig sabihin ay ako ang mahuhuli, mahirap na magbalanse kung ganoon." Depensa niya.

Lahat naman kami ay gustong mabuhay sa larong ito. Sino bang gustong mamatay? Pero iba itong si Benjo, sobrang self centric ng mga desisyon niya. Ipakikita niya talaga na wala siyang pakialam sa aming lahat. Handa niyang tapakan ang lahat ng tao mabuhay lang siya.

Ipinuwesto ni Benjo ang figurine malapit sa gitna upang hindi gaano gumalaw ang plate. Nanginginig na pinagmasdan ito ni Benjo hanggang sa mabalanse ang figurine na inilagay niya.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang plate. Namumuo rin ang butil ng pawis na gumagapang mula sa aking noo. Everybody is cheering for all of us.

Sunod na kumuha ng figurine si Sandra.

"It will be best if ilalagay mo 'yang figurine sa katapat nang inilagay ni Benjo. In that way ay mababalanse ulit ang pole. Maka-counter ang bigat sa kabilang side." Haku advised to Sandra habang pinagmamasdan man ang plate.

One thing that I noticed to Haku is that he is just really going with the flow. He really does not mind dying and just playing the game. Pero kahit ganoon ang mindset niya, he is really acing every game. Magaling si Haku pagdating sa mga laro.

"Alam ko, okay? Huwag mo akong pinagmumukhang tanga." Sandra said pero sinunod niya pa rin naman ang sinabi ni Haku.

Turn na ni Paco.

I am pretty sure na sa bandang gitna rin ito ilalagay ni Paco dahil iyon ang mas malapit sa pole. Mas madaling mababalanse ang plate kung doon niya ito ipupuwesto.

Tahimik lang akong nag-oobserba sa mga nangyayari. Pinagmasdan ko ang kamay ko na walang tigil sa pagnginig. "Tangina naman, Jude, hindi ito ang tamang oras para mabaliw ang katawan mo." Hinampas-hampas ko ang kanang kamay ko.

"Jude, kaya mo 'yan!" Malakas na sigaw ni Ruri ang narinig ko at napatingin ako sa kaniya. Pilit akong ngumiti. Wala naman akong choice. It's either kayanin ko o mamamatay ako rito. Iyon lang naman ang dalawang pamimilian dito.

"Focus." Simple naman na sabi ni Marco. Isang word lang pero ramdam kong sinusuportahan niya rin ako. He really wants us to survive pero at the same time, hindi pa rin nawawala ang hinala ko na siya ang pumatay kay

Ipinuwesto ni Paco ang figurine sa bandang gitna man. Bahagya itong gumalaw at kinabahan kaming lahat. Ironic how we all want to survive pero ayaw namin may mamatay sa amin (puwera kay Benjo na sarili niya lang ang iniisip niya).

"Kinabahan ako doon, ah." Kabadong napatawa si Paco.

Turn ko na at kumuha ng figurine. Bago ako mag-proceed ay binuhat ko rin ang ibang figurine at may napansin ako— magkakaiba sila ng bigat.

Prisoner GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon