"HINDI ko inaasahan na magagawa ni Anya ang bagay na iyon." Sabi ni Ruri hahang nakaupo sa kama. Natapos na ang time namin para mag-ikot at ngayo'y nakakulong na ulit kami sa kaniya-kaniya naming cell.
Ibinaba ni Marco panandalian ang librong binabasa niya. "Probably, she took advantage na kinakaawaan natin siya at binibigyan ng space. Noong panahong hinahayaan natin siyang magkulong sa cell nila ay kumikilos na pala siya nang palihim." Hula niya at napailing. "What a bitch."
"Hindi nga talaga natin kilala ang isa't isa." Sabi ko sa kanilang dalawa habang kumukuha nang bagong damit para maligo. "Sinong mag-aakala na kayang gawin ni Anya ang bagay na iyon?"
Sa harap namin, she showed how fragile and weak she is. Inalala pa naming lahat ang kalagayan niya.
"Maiintindihan ko if she accidentally killed Cholo. But to think that she also killed Haku? Ibig sabihin no'n ay plano na niya talagang ubusin tayo sa larong ito." Sabi naman ni Marco at bumaling muli ang tingin niya sa librong binabasa niya.
"Kumusta kaya ang lagay ni Kennard? Kasama niya sa cell 1 si Anya. Sana ay ligtas lang siya." Nag-aalalang sabi ni Ruri at sumilip sa cell area. Imposibleng makita niya ang cell 1 dahil magka-row ang cell 1 at cell 4 na nasa magkabilang dulo pa.
"Mukhang wala namang plano si Anya na patayin agad si Kennard," isinampay ko sa balikat ko ang tuwalya. "Ilang beses siyang tinulungan ni Kennard at kung balak niya man itong patayin ay ginawa na niya ito kagabi pa lang. He will be okay." I assured to her.
Naputol ang usapan namin noong marinig namin ang sigaw ni Benjo na nasa kabilang cell. "Hoy, Anya!" Tawag niya rito at nakahawak siya sa mga rehas. "Tanginamo! Alam mo bang ilang beses akong pinaghinalaan ng mga bobong 'to na ako ang gumagawa nang pagpatay tapos ikaw pala? Akalain mo nga naman, pabebeng mahina ka pa noong una pero dalawang tao na pala ang napatay mo sa laro!"
"Benjo! Tumigil ka nga! Hanggang dito na nakakulong ulit tayo ay bunganga mo pa rin ang naririnig naming lahat!" Thea shouted at him.
Bumaling ang tingin ni Benjo kay Thea. "Hoy daldalita! Isa ka pa! Wala kang karapatan na pumalag ngayon, you owe me an apology dahil ilang beses mo akong idiniin dito! Tapos ngayon ipinagtatanggol mo si Anya? Enabler? Tino-tolerate mo ang ginawa niyang pagpatay? Kasabwat ka nga yata niya, eh!"
Hinatak ni Jia ang damit ni Benjo para mapaupo ito. "You know what, kung ano ang ikinalaki ng katawan mo ay siya rin kinalaki ng bunganga mo sa panunumbat." Inirapan niya si Benjo. "At maligo-ligo ka lang Benjo! Nangangamoy ka na! Hindi ko matiis na kasama kita sa isang cell sa ganiyang amoy mo!"
"Arte mo." Ganti ni Benjo sa kaniya.
Hinayaan ko na ang kanilang pagtatalo at dumiretso na ako sa banyo para maligo. Hinayaan kong dumampi sa balat ko ang malamig na tubig.
Huminga ako nang malalim at ikinalma ang aking sarili. This is just our third day here in the game pero pitong tao na ang nawawala sa laro. "Ayos din na nalaman namin na si Anya ang gumagawa ng pagpatay pero hindi dapat kami mawala sa pinaka-objective ng larong ito. Nasa pinakamababang level pa rin kami ng laro."
"Kailangan kong pag-igihan ang paghahanap mamaya. I should think outside the box." Monologo ko. Mabilis kong tinapos ang aking pagligo at isinuot ang malinis na orange na tracksuit.
Paglabas ko ng banyo ay si Ruri naman ang naligo. Naiwan kaming dalawa ni Marco, he didn't mind my presence dahil mas focus siya sa librong binabasa niya.
Nagdalawang isip pa ako kung kakausapin ko siya o hindi. But I decided to be the bigger person. "Marco." Tawag ko sa kaniya.
Bumaling ang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Prisoner Game
HorrorOne prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the prison. Jude, a student who is financially struggling to pay his rent and school tuition was invited...