MATAPOS kong mag-register online ay wala naman nang kakaibang nangyari sa buhay ko. Mukhang ini-i-scam lang ako no'ng lalaking iyon, pero at the same time, wala naman din nawala sa akin. Nagkaroon pa nga ako ng sampung libo kung kaya't sino ba ako para magreklamo?"Hoy Jude!" Tawag sa akin ng treasurer naming si May. "Ambag mo sa visual aids! Hindi ko na tatanggapin 'yang bukas-bukas mo!"
"Kasigaw agad, eh." Reklamo ko dahil kakapasok ko pa lang sa pinto ay bunganga agad ni May ang sumalubong sa akin.
"Eh pa'no, ang hirap-hirap mong singilin!" Kumamot siya sa kaniyang ulo. "Jude, magbigay ka na. Tatanggalin ko talaga 'yang pangalan mo sa groupings kapag ako nainis mo."
Inis kong iniharap ang bag ko at bumunot ng dalawang daan. "Oh ayan, keep the change." Sagot ko sa kaniya at diretso nang naglakad patungo sa upuan ko. Mabuti na lang talaga at may natira pang pera doon sa binigay na sampung libo noong lalaki.
"Daming pera, ah, nagbenta ka ng katawan 'no?" Asar sa akin ni May.
"Bakit, bibili ka ba?"
"Kadiri ka!" Reklamo niya at dumiretso na sa paniningil sa iba naming ka-group.
"Arte-arte." Mahina kong bulong at nakipagkuwentuhan na sa mga barkada ko habang hinihintay ang sunod naming professor.
Natapos ang araw na ito na sumakit lang ang ulo ko sa Math. Mabuti na lang din at early dismissal dahil may meeting ang mga teachers. Nagliligpit na ako ng gamit ko noong marinig kong tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko sa pagtataka.
From: Morning Star Company
Be ready. The game will about to start."Hanep ah, 'di man lang uso emoji o smiley man lang sa chat para mukhang approachable." Naiiling kong wika sa sarili ko
Saka, paano ba ang mangyayari kung magsisimula na ang laro? Susunduin ba nila ako sa bahay namin? Sa bagay, nilagay ko rin sa details ang apartment kung saan ako nakatira ngayon.
"Jude." Tawag sa akin ng barkada ko kung kaya't napatingin ako sa kaniya. "Sama ka sa amin? Billiards?"
"Pass muna ako. Maglalaba pa ako." Sagot ko sa kanila.
"Sus! Ganiyan ka na, hindi ka na sumasama." Pangongonsensiya nila.
"Gaslighter ampota. Lagi naman kayong talo sa akin. Pass ako ngayon. Kapag hindi ako naglaba wala na akong susuoting brief next week gago ka." Sabi ko at isinukbit ang bag sa balikat ko. Mabilis akong naglakad palabas ng Campus.
Dumadaan ako sa eskinita malapit sa apartment. Paborito kong dumadaan dito dahil una, shortcut. Pangalawa, hindi ganoon matao. Makakaiwas sa ingay ng paligid. Sinisipa-sipa ko lang ang maliit na bato habang naglalakad. Paraan ko 'to para malibang na din sa pag-uwi.
"May tira pang isang daan sa pera ko, parang masarap mag-proben." Wika ko at agad akong nakaramdam ng pagkagutom. Pag-uwi ko kasi ay paniguradong gawaing bahay na naman ang sasalubong sa akin.
Idagdag pa ang tambak kong labahin dahil hindi ako nakapaglaba noong nakaraang araw dahil sa lakas ng ulan.
Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng prisensya na animo'y sumusunod sa akin. Noong una ay iniisip ko ay baka naliligaw lang itong sasakyan sa eskinita kung kaya't mabagal ang andar ngunit habang tumatagal ay napapansin ko nang halos sumasabay ang takbo nito sa paglalakad.
Noong una ay inisip ko na baka guni-guni ko lang ito pero habang tumatagal ay until-unting umaangat ang kaba sa aking katawan.
Napalagok at napahinga ako ng malalim. Ang kanina kong kalmadong lakad ay until-unting lumaki ang hakbang ko papalayo sa kanila. Iba na rin ang ruta na dinaanan ko para takasan sila kung kaya't napalayo ako sa bahay.
BINABASA MO ANG
Prisoner Game
HorrorOne prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the prison. Jude, a student who is financially struggling to pay his rent and school tuition was invited...