KINAGABIHAN, tahimik lang akong nakaupo sa kama at pinagmamasdan ang pagbabago ng oras sa digital clock. It's already 7:48PM at ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang dare. Bawat segundo na pumapatak ay kasabay nito ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Parang nag-flashback sa isip ko 'yong nangyari sa dalawang prisoners kanina. They instantly died by just trying to violate the game rules, ano kaya ang maaaring consequence sa hindi paggawa ng dare?
"Kahit anong mangyari ay gawin natin ang dare, maliwanag ba?" Sabi ko kay Marco and Ruri. I just want the three of us to survive.
"What if the dare is to kill one of us?" Tanong ni Marco habang nagbabasa ng libro. He is well compose na para bang ready siya sa larong ito, he hide his fear so great.
"Huwag kang magsalita ng ganyan!" Suway ni Ruri sa kaniya.
"That is only what if's, kung ako ang mapipili sa dare at iyon ang dare. I would not hesitate to kill one of you. Lalo ka na, Jude," Nabigla ako sa sinabi ni Marco. "You are stronger than Ruri, you can possibly eliminate me sa mga susunod na dare. I might eliminate other strong players first." He honestly said.
7:55PM. Limang minuto bago ang pagsisimula ng unang dare ngayong gabi. Hindi ako mapakali at ramdam ko ang panginginig ng aking kamay. "Sa dami namin dito, sana naman ay hindi ako ang mapili." Bulong ko sa sarili ko.
Hindi ako puwedeng sumuko, may pangarap ako sa labas ng kulungang ito. At isa pa, sa oras na matapos ko ang larong ito ay kapalit nito ay sampung milyong piso. Mapapagamot ko na si Kuya, mapapatigil ko na sa pagtatrabaho si Mama't Papa, hindi ko na poproblemahin kung saan ako kukuhang pera pangbayad ng renta at tuition.
Tanggapin ko man o hindi, pera ang nagpapatakbo sa mundong ito. Mamatay na ang nagsasabing money can't buy happiness. Money can buy my happiness, my comfort, my wants, my needs, my future.
Pagpatak ng alas-otso ay may ilang segundong matinis na ingay ang narinig sa buong paligid. Napatakip ako ng tainga at nabuhay ang screen ng TV. Muling lumabas ang lalaking naka-half mask sa screen at ngumiti sa amin.
"Good evening, players! I hope you are having a great stay here in our Underground prison! Sa nakalipas na ilang oras ninyong pananatili rito ay dalawang prisoner na agad ang na-eliminate sa laro. You are much better than our previous batch na apat na players agad ang na-eliminate sa kanila bago magsimula ang dare." Paliwanag nitong lalaking nakamaskara at sumeryoso ang mukha niyang muli. "Pero gaano nga ba kayo tatagal sa Prisoner Game?"
"Our first dare night will now begin. Again, the rule of our game night is very simple. Five random prisoners will be chosen to do a dare, if the prisoner successfully finish the dare, the prisoner will receive 50,000 pesos. If the player fail to do the dare... the prisoner will receive a punishment." Paliwanag niya sa aming lahat.
Huminga akong malalim. At the back of my mind, I just hope na hindi ako ang mapipili ngayong gabi.
"We will now choose five random prisoners that will do the dare." Sabi nito at nabago ang naka-flash sa screen at tanging listahan na lamang ng mga pangalan ng prisoners ang nakalagay.
The random picker started to choose players from the listed names. Grabe ang kaba ko kapag natatapat sa Prisoner 11 ang pulang kulay. Kung kanino kasi ito huminto ay siya ang lalaro sa gabing ito.
Huminto ang pulang kulay, napatingin kami lahat sa screen and it stopped to Prisoner 14. Ito 'yong lalaking may puting highlights sa buhok— si Haku. He just smiled and nakipag-apir sa mga kasama niya sa cell. "Kapag ako na-dedz kayo na bahala bumili ng dog food sa mga aso ko." Pabiro niyang sabi.
Kinabahan ako dahil akala ko ay tatapat ito sa Prisoner 11 at mabuti na lamang ay lumagpas ito. Na-weird-uhan nga ako dahil parang tinanggap lang ni Haku na isa siya sa lalaro ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Prisoner Game
HorrorOne prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the prison. Jude, a student who is financially struggling to pay his rent and school tuition was invited...