Chapter 15: Aftermath

506 34 9
                                    

KINAUMAGAHAN, nakaupo lang ako sa aking kama habang inaalala ang nangyarung pagkamatay ni Paco, we barely knew each other pero isa lang ang sigurado ko... hindi niya deserved ang pagkawala niya sa laro.

Namatay siya dahil sa kadayaan ni Benjo. Si  Benjo ang siyang dapat nawala sa laro.

"Iniisip mo pa rin ang game na nangyari kagabi?" Naputol ang malalim kong pag-iisip noong marinig na magsalita si Marco. Tumayo siya at pinagmasdan ang timer. Tinitingnan niya kung malapit na ang oras nang paglabas namin. "Are you not happy that you survived the game?"

"Magiging masaya ba ako ngayong alam kong isang buhay ang nawala sa laro?" Seryosong balik ko sa kaniya.

He just chuckled. "That is part of the game. May mga buhay na mawawala para magpatuloy ang iba." Tumingin siya sa akin. "Dalawampu't apat nating sinimulan ang larong ito pero bilang lang sa kamay ang makakalabas dito."

Alam ko naman ang bagay na iyon.

Napakuyom ako ng kamao. "Pero hindi dapat si Paco ang mamamatay kagabi. Kung patas ang naging laro, si Benjo dapat ang mawawala!"

"The game is fair, ang sinabi ng game master ay kung sino ang makakatumba sa lamesa sa game na iyon ay siyang ma-e-eliminate. Paco had a physical contact with the table at siya ang nakabagsak kung kaya't siya ang namatay." Paliwanag sa akin ni Marco. "Kung ako din ang nasa kalagayan ni Benjo ay isasalba ko rin ang sarili kong buhay. Handa akong apakan ang kung sino mang maaapakan para lang magpatuloy ako sa laro."

"Kagaguhan." Mahina kong bulong.

"Kagaguhan?" Balik na tanong ni Marco sa akin. Ngumisi si Marco at humakbang papalapit sa akin. "Kung ilalagay mo amg sarili mo sa sitwasyon ni Benjo na turn mo na at alam mong babagsak na 'yong plate. Hindi mo ba gagawin ang ginawa niya?"

Napatahimik ako sa sinabi ni Marco. "Wala ka naman din pinagkaiba kay Benjo, una mong nalaman na magkakaiba ang bigat ng figurine pero wala kang pinagsabihan puwera na lang noong nagtaka na sila. Kahit sino sa atin... if there is a way to save ourself first, gagawin natin." Mahabang litana ni Marco sa akin.

Pumagitna sa amin si Ruri. "Tumigil na kayong dalawa. Umagang-umaga ay nagsasagutan na naman kayo. I-save ninyo 'yong energy ninyo sa paghahanap natin ng susi. This is our third day pero hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo nakakaalis sa underground prison.

Isa pa 'yang ikinatatakot ko. Labing limang araw lang ang mayroon kami para magawang makaalis pero hanggang ngayon... ni-anino ng susi ay wala kaming nakikita. Pakiramdam ko naman ay lahat kami ay nag-e-effort na mahanap ang susi.

Umupo ako sa ibabaw ng kama at ilang beses na huminga para mapakalma ang sarili ko. Hindi ko na alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko.

Mabilis na umandar ang oras at saktong alas-dies ay kusang bumukas ang pinto ng bawat prison cell.

Palabas na ako noong makita kong si Thea na dire-diretsong naglalakad tungo sa direksyon ng cell 6 kung saan nandoon si Benjo. Bago pa man din makapagsalita si Benjo ay malakas na sampal na ni Thea ang dumampi sa kaniyang pisngi.

"Mamamatay tao ka!" Malakas na sigaw ni Thea at mariing itinutulak si Benjo.

"Thea! Tama na!" Pilit na hinahatak ni Awi si Thea papalayo kay Benjo.

Puno ng galit ang mata ni Thea kay Benjo at dinuro ito. "Ikaw... paano mo maaatim na gumising sa umaga na parang wala lang? Benjo, you killed somebody!"

"Umagang-umaga ay ang daldal mo, daldalita." Napakamot sa ulo niya si Benjo. "I fucking saved my own ass. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko sa inyong lahat dahil priority ko ang sarili kong buhay."

Prisoner GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon