HANGGANG ngayon ay hindi ako makapaniwala na nagawa na namin makaalis sa Underground prison. It really took us three days bago namin magawang makaalis doon. Iyon nga lang, walo sa aming mga kasama ay bigo nang makaakyat sa Basement Prison at nawala na sa laro.Iginala ko ang mata ko sa paligid at kumpara sa Underground prison na maayos ang mga selda at may maayos na ventilation... medyo mainit dito sa Basement Prison.
"As a reward for successfully moving at the next stage of the game, we will not have any dare or games tonight. You will have time to enjoy and celebrate for the rest of the day. The game will provide you a dinner as a reward for making this far." Paliwanag noong Game Master at napabuntong hininga ako bilang ginhawa.
Atleast, we are safe... for now.
"Simple lang ang rules ng laro sa Basement Prison. As you can see ay naka-lock din ang pinto papataas sa Ground Prison na huling bahagi ng ating Prisoner Game. Kumpara sa Underground Prison na isang susi lang ang hinahanap ninyo. This time, you need to find the four digit combination ng lock para magawa ninyong mabuksan ang pinto." Tahimik lang nakikinig ang lahat sa Game master. Napakuyom ako ng kamao dahil sa kaba.
Isang susi pa nga lang ay walong buhay na ang naging kapalit sa amin, paano pa kaya ang apat na numero na magiging kombinasyon papaakyat? Bakit kaya hindi na lang nila pasabugin 'tong buong floor na ito para isang patayan na lang kaming lahat? Hindi 'yong pahihirapan pa kami.
Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang Game Master
"To increase the level of our game, every day between 3-4 ay magkakaroon ng total blackout sa Basement Prison. Papatayin ang lahat ng ilaw para mas maging mahirap para sa inyo ang paghahanap sa mga numero papaakyat sa Ground Prison." Dugtong nito.
"Also, As you can see there are five prison cells in this room. Isha-shuffle natin ang mga cellmates ninyo mamayang gabi para naman mas magkaroon ng thrill ang laro natin." Lumaki ang ngisi sa mukha noong Game Master. "Please prepare for your dinner later and be presentable para naman suklian ang mga viewers natin na nag-chi-cheer sa inyo."
Nabigla kami noong may mga pumasok na Prison Guard sa loob ng silid na may hila-hilamg clothe rack. May mga mamahaling suit at dress ang mga nakasabit dito. Nagkatinginan kaming lahat.
"Ayos 'to, ah. Ngayon lang ako makapagsusuot ng ganito kamahal na damit." Manghang-mangha na sabi ni Benjo at pinagmamasdan ang mga damit.
Hindi ako makagalaw dahil masyado akong nao-overwhelm sa mga nangyayari. Tangina! Kanina lang ay kaaalis namin sa Underground Prison tapos ngayon ay may isang selebrasyon na magaganap dahil nagawa naming mabuhay.
"Once again, congratulation players and enjoy the game." Namatay ang TV at napalitan ito ng timer para sa nalalapit naming Dinner. Nagkaroon nang panandaliang katahimikan sa cell area.
Napatingin ako sa direksyon ni Kennard at nakaluhod siya habang naluluha. Si Kennard ay isa sa pinakamababait na player na nakilala ko kung kaya't alam kong labag din sa loob niya ang nagawa niya kay Anya.
Lumapit ako at umupo. Napatingin siya sa akin. "Hindi mali ang ginawa mo, Kennard." Paninigurado ko sa kaniya.
Napatingin siya sa kamay niyang may dugo pa galing kay Anya. "P-Pero ako ang sumaksak kay Anya. Alam ko naman na marami akong buhay na nailigtas pero 'yong fact na ako mismo ang pumatay sa kaniya. Ramdam ko 'yong ginawa kong pagbaon ng kutsilyo... mahirap pa rin para sa akin, Jude."
"Walang mali sa ginawa mo, Boy Labo." Biglang nagsalita si Benjo at napatingin ang lahat sa kaniya. "Magkakasama lang tayo sa larong 'to pero hindi tayo magkakakampi. Kung kinakailangan ko mangtapak ng ibang tao para lang mabuhay... gagawin ko. Sana kayo rin."
BINABASA MO ANG
Prisoner Game
HorrorOne prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the prison. Jude, a student who is financially struggling to pay his rent and school tuition was invited...