Chapter 7: System and Plan

601 36 2
                                    

NAGTIPON-TIPON kaming lahat sa cafeteria upang pag-usapan ang magiging plano namin. Prisoner 5 is leading everyone, hindi sang-ayon ang lahat sa meeting na ito pero ito ang gusto nang nakararami kaysa kunilos mag-isa para maghanap ng susi.

"Okay, let start with introducing ourselves first. Ang pangit naman din kung ia-address natin ang isa't isa as Prisoner then the number in our shirt like we are sort of lab rats in this area." Panimula ni Prisoner 5. "Simulan natin sa cell 1 hanggang cell 6." Dugtong niya pa.

Prisoner 1- Gela (F)
Prisoner 2- Anya (F)
Prisoner 3- Kennard (M)
Prisoner 4- Awi (F)
Prisoner 5- Thea (F)
Prisoner 6- Cholo (M)
Prisoner 7- Renz (M)
Prisoner 9-  Gabbi (F)
Prisoner 10- Marco (M)
Prisoner 11- Jude (M)
Prisoner 12- Ruri (F)
Prisoner 13- Sandra (F)
Prisoner 14 - Haku (M)
Prisoner 15 - Drake (M)
Prisoner 17- Jia (F)
Prisoner 18- Benjo (M)
Prisoner 19- Irene (F)
Prisoner 20- Duke (M)
Prisoner 21- Paco (M)
Prisoner 22- Dale (M)
Prisoner 23- Sam (F)
Prisoner 24-Fendi (F)

Matapos namin makilala lahat ay nagkaroon kami ng familiarity sa isa't isa, although, hindi ko naman din natandaan ang pangalan nilang lahat. "Ngayong kilala mo na kami lahat? Ano nang plano mo? Lider ka ba rito? Sino naman ang nagluklok sa'yo para gawin mo kaming tuta lahat?" Inis na tanong ni Benjo na prenteng nakaupo sa isang bench.

Inis siyang tinitigan ni Thea. "Did I say na maging lider ninyo ako? Kung ano ang ikinalaki ng katawan mo ay ikinaliit ng utak mo! Puro muscle? Walang substance?" Balik ni Thea sa kaniya.

Inis na napatayo si Benjo. "Anong sinabi mo?! Anong gusto mong ipunto dito?"

"Bobo ka." Matapang at direktang sagot ni Thea sa kaniya.

"Can you stop? We are not here to watch you argue all day." Sabi ni Jia. "Anong plano mo, Thea?"

"We need to have a systematic plan para hindi magulo ang paghahanap natin. Huwag nating hayaan na may mawala pa sa atin sa larong ito. We must all survive." She explained at tahimik kaming nakikinig sa kaniya. "Una, karamihan sa atin ay hindi nakakain kaninang tanghali dahil sa pagiging busy natin sa paghahanap ng susi. Is there any player who wants to volunteer para magluto ngayon?"

Prisoner 3 raised his hand— Kennard. "Culinary student ako. Puwedeng ako na ang bahala sa pagluluto. Gela and Anya can give me a hand. Kami ng cell 1 ang bahala sa kakainin natin sa araw-araw."

"Magluluto lang kayo tapos kami ay magpapakahirap maghanap ng susi? Isn't that unfair?" Sabi ni Prisoner 13– si Sandra.

"Hindi naman namin sinabi na hindi kami tutulong sa paghahanap ng susi. After we cook ay puwede na kaming tumulong, kaysa naman magutom tayong lahat dito?" Kennard has a point. Kailangan namin kumain ng mga masusustansyang pagkain kaysa puro tinapay ang kainin namin.

"May tututol pa ba?" Tanong ni Thea. "Again, if you don't want na puro cell 1 lang ang magluluto ay puwede ring magluto ang ibang prisoner na maalam sa kusina, we can have rotation na lang kung sakali." Paliwanag niya at wala nang umangal pa.

"Matagal pa ba 'tong walang kuwenta ninyong meeting?" Bigla muling nagsalita si Benjo. "Nasasayang ang oras, oh. Bukas na ulit tayo makakalabas neto." Bagot na bagot niyang reklamo.

Thea sighed at halatang naiinis na sa mga inaakto ni Benjo. Iba-iba naman din kami ng personality at hindi lahat ay mapasusunod niya. "Next one, there is a lot of rooms here in Underground Prison. Ang naiisip kong gawin natin ay kung sino ang magkakasama sa isang cell ay sila ang magkakasama sa isang room." She explained.

"For example, the whole cell 2 Prisoners will find the key in Infirmary while the cell 3 Prisoners will find the key in the Gym area. Bago matapos ang open hours ay sasabihin natin sa isa't isa ang mga ginawa nating paghahanap o kung nakita na ang susi. Para lang hindi magulo at hindi na maulit ang mangyari sa library area na nakasabog ang lahat ng libro." She explained.

Prisoner GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon