TAHIMIK lang akong nakaupo sa kama, hindi mawala sa isip ko na isa sa amin ang gumawa ng pagpatay kay Cholo. Nasa iisang lugar lang kami ng killer! Puwedeng-puwede siyang pumatay ng ibang prisoners ano mang oras.
Isa pang pinoproblema ko ay ang nalalapit na dare. Malaki ang tiyansa na isa ako sa mga lalaro ngayong gabi. Ayokong mamatay.
Ayoko man sabihin ngunit nagkakaroon ako ng hinala na posibleng si Marco ang gumawa nang pagpatay kay Cholo. Bakit may dugo ang tracksuit niya?!
"Ayos ka lang, Jude?" Nabalik ako sa huwisyo noong bigla akong tanungin ni Ruri. Inabutan niya ako ng tubig at gamot para mabawasan ang sakit ng aking ulo. Napalitan niya na rin ng henda ang aking ulo. I feel a lot of better now.
"M-Mas ayos na kumpara kanina. Salamat dito." Tinanggap ko ang gamot at tubig. Mabilisan ko itong ininom.
Napatingin ako muli kay Marco na maayos na nakaupo sa kaniyang kama at tahimik na nagbabasa.
"Saan ka galing kanina, Marco?" Tanong ko sa kaniya.
Inilipat niya sa sunod na pahina ang librong binabasa niya bago ako tingnan. "Nakinig ka ba sa sinabi ko kanina? Kumuha ako ng bagong libro na mababasa." Ipinakita niya sa akin ang cover at bagong libro nga ito.
Kumuyom ang kamao ko para maayos na masabi sa kaniya ang naiisip ko. "Ang timing naman. Kung kailan umalis ka ay saka namatay si Cholo." Pagsabi ko nang naiisip ko.
Isinara niya ang librong binabasa niya at natawa siya na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko. "If I will recall clearly. Hindi lang ako ang nag-iikot noong oras na 'yon. Maraming Prisoners ang gumagala sa buong Underground Prison. Maging si Ruri nga ay lumabas at iniwan ka mag-isa. Hindi ba?"
"Dahil alam kong hindi iyon magagawa ni Ruri." Napatayo ako at galit siyang tiningnan. "Samantalang ikaw, ilang beses mong bunanggit na handa kang pumatay para lang maka-survive sa larong ito?"
"Mag-isip ka nga. Why would I kill somebody at that moment? Nalagay ba sa alanganing sitwasyon ang buhay ko?" Depensa niya. "As a detective wannabe that is trying to solve Cholo's death. Ang selective mo sa mga taong ini-interrogate mo. You are pinning that I killed him pero wala ka namang ebidensya. What a dumb move."
Naputol ang pagtatalo naming dalawa noong isang matinis na ingay ang maririnig sa cell area. Napatakip ako ng tainga dahil ang sakit nito pakinggan.
Nag-flash muli ang screen ng TV at muling lumabas ang Game Master. He is smiling widely na parang natutuwa siya sa nangyayari ngayon sa Underground Prison. The viewers probably enjoy the game right now, limang tao na ang namamatay sa laro.
"Good evening players! I hope you are getting used and enjoying the game at the moment. First of all, I want to congratulate everybody for surviving the first day of the game... pero hanggang kailan kayo tatagal sa Prisoner Game?" Lumaki ang ngisi sa labi ng game master. Napahawak ako sa rehas at mahigpit na napakapit dito.
Ang dali sa kanila para paglaruan ang mga buhay namin para lang sa entertainment nila.
"Again, simple lang ang rule ng dare natin ngayong gabi. Five random prisoners will be chosen to do the dare. Each prisoners that will successfully finish the dare will receive 50,000 pesos cash at may tiyansa pang maging isa sa mga prisoners na makatatakas dito sa Underground Prison." Paliwanag niya sa amin.
Tinutumbasan lang nila ng pera ang mga buhay namin.
Naramdaman ko na naman ang kaba kagaya noong unang gabi na ginawa ito. Ayokong lumaro. Ayokong malagay sa alanganin ang buhay ko para maka-survive.
"We will now choose the fuve lucky players that will play tonight and have a chance to win 50,000 pesos!" The game master laughed at nabago ang naka-flash sa screen— listahan muli ito ng mga pangalan namin.
BINABASA MO ANG
Prisoner Game
HorrorOne prison area with three different levels. Twenty four participating players. A Ten million cash prize at stake when they successfully escape the prison. Jude, a student who is financially struggling to pay his rent and school tuition was invited...