CHAPTER 01

615 11 8
                                    

Taong 1574, buwan ng marso bente sinco nang maganap ang isang labanan sa pagitan ng lobo at bampira.

Dalawang uri ng tao na may kalahating hayop ang nag aagawan ng teritoryo habang nagsilbing ilaw ang liwanag ng buwan sa kalangitan, nagkalat ang mga dugo, pangil, at mga katawan ng mga nasawing sundalo sa pagitan ng dalawang hanay.

Itim na lobo laban sa purong dugo…

Puting lobo laban sa umisipsip ng dugo…

At Lycan laban sa alphang bampira…

Lahat sila ay may kanya kanyang posisyon at hinaharap ang bawat kaparehas ng lakas.

Matinding digmaan ang naganap sa lupain ng albrenica, matira matibay at ito ay labanan hanggang sa mamatay.

Umabot ng siyam napu't anim na araw bago natapos ang labanan at halos lahat ng kauri ng bampira ay nagkalat sa lupang sinilangan.

Ang ibang bampira ay nagsimula nang tumakbo para hindi mahuli at mapatay, yung ibang bampira naman ay nagpaiwan para mabigyan ng ilang oras ang mga pinatakas na kalahi.

Pero hindi nagtagal ay nasawi rin ang mga naiwan at hinanap ng mga lobo ang bampirang tumakas.

Sa puntong ito, nag hihingalo na sa kakatakbo si lucinda at ka-felix dahil bilang nalang sa kamay ang mga buhay pang bampira at isa na silang dalawa.

“Lucinda tumakas kana, tumakbo ka ng palihim papunta sa syudad dahil maraming tao doon.“ Sabi ni ka-felix.

Napatingin naman si lucinda sa mga mata ng asawa at sumagot.

“Pero paano kana felix? Ayokong iwan ka.“ Sagot niya at hinawakan ang magkabilang pesnge ni ka-felix.

Agad namang tinakwil ni ka-felix ang mga kamay ni lucinda at galit itong nagsasalita.

“Tumakbo kana sabi! Iligtas mo ang lahi natin! Mamuhay ka ng patago at magparami, buhayin mo ulit ang angkan natin.“ Sabi niya at tinulak niya si Lucinda palayo sa kanya.

Sasagot sana si lucinda pero malapit na sa kanila ang mga lobo kaya nagsalita si ka-felix sa huli niyang habilin.

“Lucinda, tandaan mo. Kahit ano pang mangyari sakin ay huwag mong kakalimutan na minahal kitang tunay, tumakbo ka ng mabilis at ililigaw ko sila sa ibang direksyon.“ Sabi ni ka-felix at lumayo, sumigaw siya para makuha ang atensyon ng mga lobo tsaka siya tumungo sa kabilang direksyon at sa ganun ay malayang makatakbo si lucinda papuntang syudad.

Ayaw mang tanggapin ni lucinda pero kung hindi niya susundin si ka-felix ay paano nalang ang lahi niya? kaya masakit man sa dibdib ang malayo sa kanyang teritoryo ay mas pinili niyang mamuhay nalang ng palihim sa syudad at doon ay nanahimik.

Lumipas ang mga araw ay nabalitaan nalang ni lucinda sa radyo na may nakitang mga bangkay ng bampira ang nagkalat sa daan at kung bibilangin ay aabot ito sa Dalawang daan at walumpu't lima na bangkay at hindi pa alam kung ilan ba talaga ang dami dahil sa mga katawang nahahati sa dalawa.

Labis na pighati ang nadarama ni lucinda sa mga oras na'to, nagdadalamhati siya sa pagkaubos ng kanyang mga kasama.

Samantalang binalita rin sa radyo na may nakita rin silang mga lobo na pugot ang mga ulo at nakatambak ito sa gilid ng daan. Kung bibilangin ay aabot ito sa Dalawang daan at animnapu't tatlong lobo.

Sa mga oras na ito ay nakatira si lucinda sa isang kubo na gawa sa mga pinagsamang dahon ng niyog. Walang kwarto at kasing liit lang ito ng isang tao, sakto lang na magkasya siya sa loob at makahiga ng maayos.

Para matugunan ang kanyang pagkauhaw ay aalis siya tuwing gabi para mag hanap ng mga ligaw na hayop,  mga asong gala, daga, manok, baboy ramo, ibon, o kahit ano pang may dugo, maliban sa tao.

*450 YEARS ANG NAKAKALIPAS…*

“Hoy lazarus! (Sabay sapak sa ulo ko) Magbayad ka ng utang mo!“ Sigaw ni liam.

Agad ko naman siyang sinapak pabalik tsaka ako nagsalita.

“Baliw ka! (Sabay sapak sa ulo niya) Oo! Hindi ko naman nakalimutan yun!“ Sagot ko.

Sino ba naman ang hindi magagalit e'nasa gitna kami ng mall namimili ng mga de'lata, tapos ipagsisigawan pa niya sa lahat ng tao na may utang ako sa kanya.

“Mag iisang buwan na yun laz, maawa ka naman sakin.“ Sabi niya.

Agad akong natawa, humiram nga pala ako ng pera sa kanya para ibigay ko sa grupo ng gangster doon sa kalye. Bubugbugin daw kasi nila ako pag hindi ko ibigay ang gusto nila.

“Oo na liam, di ko naman nakalimutan yun eh. Tsaka diba magkaibigan naman tayo? Dapat hindi mo pinabayara—”

Naputol ang pagsasalita ko dahil pinasukan niya ng de'lata ng sardinas ang bibig ko.

“Abnga! Galiw kha!“ Sabi ko at agad naman siyang tumakbo.

“HAHAHA! Ang laki talaga ng bunganga mong hayop ka kahit nagsasalita kalang!“ Natatawa niyang sabi.

Agad ko naman siyang hinabol palabas ng mall.

Lumipas ang mga oras at maghapon na, palubog na ang sikat ng araw kaya nagpaalam na si liam na umalis dahil hinahanap na ng kanyang mama ang mga de'lata para e display sa sari-sari store nilang tindahan.

“Bukas ulit laz, yung utang mo ha.“ Pagpaalam niya sakin.

Sumagot naman ako.

“Oo wag kang mag alala, hindi ko yun makakalimutang hindi bayaran.“ Sagot ko at dito na kami nag kanya-kanya ng daan na tinahak pauwi.

Masaya akong naglalakad sa daan dahil nakakatuwa talagang kasama ang lalaking yun, tsaka siya lang naman rin ang nag iisa kong kaibigan. Kaya siya lang ang palagi kong kasama.

Habang naglalakad ako ay biglang may bumangga sa likuran ko na ipinagtaka ko, kaya napalingon ako.

“Oy! Oy! Sino kaya ang lalaking to?“ nakangiting sabi ng isang lalaki.

Dahil dun ay naiba ang ekspresyon ng aking mukha.

“Ikaw nanaman? (sabay kuha sa pitaka ko at hinarap ko sa kanya) kita mo? Wala pa akong pera ngayon kaya wala akong maibibigay sa iny—”

Naputol ang pagsasalita ko dahil may isang kamao ang tumama sa tyan ko.

“Ano nga ulit yung sasabihin mo? Wala kang pera? Diba isang buwan na ang nakalipas noong huling singil ko sayo diba?“ Tanong niya at hinawakan ang ulo ko tsaka niya ako pinaharap sa mukha niya.

“Ah… eh… k-kase juls, wala pa talaga akong pera ngayon eh. Pero wag kang mag alala dahil ibibigay ko naman sayo agad pag nagkapera ak—”

Hindi nanaman ako nakatapos sa pagsasalita dahil bigla niya akong sinuntok sa mukha ng napakalakas dahilan para makagat ko ang dila ko at nagsilabasan yung mga dugo.

“Ano nga ulit? Wala kang pera ngayon?“ Tanong niya at pinagsusuntok niya ang mukha ko.

Dahil dun ay nagsiliparan ang mga dugo ko sa bibig at napunta yung iba sa malaking basurahan. Hindi pa dito nakuntento si juls at aakmang sisipain na sana niya ang mukha ko nang biglang gumalaw yung malaking basurahan.

“Teka? Nakita nyo yun?“ Tanong ng isa sa kasama niya na nasa likod niya.

Napatigil naman si juls sa kakabubug sakin at ako naman ay nadapa sa lupa dahil sa mga suntok na natamo.

Sa sobrang lakas ng mga suntok na binitawan ni juls ay sobrang dami ng dugo ang lumabas sa bibig ko kaya napunta yun lahat sa lupa. Tsaka napansin ko nalang ang mga paa nila na umaatras kaya napatingin ako sa basurahan.

Nang makatingin na ako ay dito na ako nagulat, dahil may isang babae ang biglang lumabas sa basurahan tsaka niya dinilaan yung mga dugo.

“Teka, baliw ba ang isang yan?“ Tanong ni juls.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon