Aakmang mag ce-celebrate sana sila pero biglang mag isang lobo ang umalulong sa itaas, isa itong lobo na nakatayo at parang tao kung titingnan.
"Teka, ano yan?" Sabi ko.
Nang makita ni lucinda ang anino nung lobong parang tao ay agad silang nanginig at sumigaw.
"Takbo! Mauubos tayo nyan!" Sigaw niya.
Agad namang nagtaka ang lalaking nasa gilid namin.
"Bakit? Magkaiba bayan ng lakas?" Tanong niya.
Tumango lang si lucinda at nagsalita.
"Isa iyang lycan, malabong mananalo kayo jan!" Sabi niya.
Dahil dun ay agad nang nagsipasukan ang ibang mga lycan.
"Huli na para tumakbo." Sabi nung founder.
"Oo nga, mauubos lang tayo kung tatakbo tayo." Sabi nung commander.
"Kahit na! Mauubos lang din naman tayo kung hindi tayo tatakbo!" Kinabahang sabi ni lucinda.
Agad namang sumagot yung lakaki.
"Alam mo kasi lu, wala sa ugali ng gang namin ang tumakbo. Patayan na kung yan ang gusto nila." Sabi nung lalaki.
"Pero..." kaunting sabi ni lucinda.
Agad namang ngumiti yung commander tsaka nagsalita.
"Ipapakita ko sayo kung ano ang ipinagkaiba ng lakas laban sa strategy." Sabi niya.
Agad nang tumigil sa pag alulong yung mga lycan tsaka nila hinarap ang mga bampira.
Nang makita ko ng malinaw ang mga mukha nila ay dito na ako nagulat, dahil mukha silang lobo pero ang katawan ay sa tao, yung braso nila ay sa lobo at paa, pero yung balikat at leeg ay sa tao. Yan pala ang totoong hitsura ng mga lycanthropy.
Agad na nagharap ang bampira at lobo at dito nga ay unang umatake ang mga lobo pero sinangga ng mga bampira ang kanilang mga atake sa pamamagitan ng pagtutulungan. Isang lycan laban sa lima, walang umaatake na nag iisa sa hanay ng bampira since kunti lang ang mga lycan.
Ganyan lang ang mga statregy nila hanggang sa lumipas ang ilang minuto pero wala pang nasawi sa mga bampira, tanging depensa lang ang ginawa nila dahil kung aatake sila ay magigiba ang formation at alam naman nilang kahit aatake pa ang mga bampira ay hindi nila matatamaan ang mga lycan.
Dahil dun ay mas lalong hindi sila tinantanan ng mga lycan at umatake pa ito ng umatake pero hindi nila magawang sugatan ang mga bampira, labis na kaba ang naramdaman ko sa mga oras na ito. Sana nga hindi sila maubos dahil parang hindi titigil ang mga lycan hangga't hindi sila mamamatay.
"Ano na!? Dedepensa nalang ba tayo? Kailangan nating gumawa ng paraan upang mapaatras sila!" Sabi nung lalaki.
"Oo, alam namin!" Sagot ng commander na kanina pa nag iisip, dahil hindi nila magawang makatama at kung aatake naman sila ay pagkakataon naman iyon ng lycan para patayin ang aatake dahil walang depensa.
Napakahirap ng sitwasyon nila, buti nalang talaga at hindi ako bampira.
Lumipas pa ang ilang minuto ay napansin kong may sugat na sa kamay ang mga bampira, pero ang mga lycan ay hindi manlang napapagod. Kung patuloy silang ganyan ay malamang palalim ng palalim ang mga sugat nila sa kakadepensa.
At dahil panig naman ako sa hanay ng bampira ay syempre kailangan ko ring gumawa ng paraan upang makatulong. Dahil napansin kong wala talaga silang naisip na statregy.
Agad kong kinuha ang celpon ko tsaka ako tumawag ng pulis, alam kong babarilin sila ng mga pulis pag nakita sila dahil sa hitsura nilang parang bangkay.

BINABASA MO ANG
Gangsta Vampire
VampireAng kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng mga gangster sa daan dahil gusto ng mga gangster na bigyan sila ng pera buwan-buwan. Ngunit walang maibigay ang binata dahil naghihirap din i...