CHAPTER 12

141 8 4
                                    

“Hello, okay ka lang ba?“ Tanong ko na nag aalala.

Tumingin naman siya sakin na parang nagdadalamhati at napansin kong may dugo sa tyan niya.

“O-oo! Okay lang… a-ako.“ Nauutal niyang sabi.

Sumimangot ako at sumagot.

“Sinungaling, nasasaktan ka nga eh.“ Sabi ko at lumapit pa ako sa kanya ng kunti, umupo ako tsaka ko tiningnan ang sugat niya.

“Napakalala nyan at malalim, pag naubos ang dugo mo ay mamamatay ka panigurado.“ Sabi ko.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa mukha ko, kaya tinitigan ko rin siya.

Dahil sa ginawa ko ay parang namumula bigla ang magkabila niyang pesnge tsaka siya tumingin sa kabilang direksyon.

Medyo nahiya ako sa part na yun, pero hindi ko yun ininda.

“Sumama ka sakin.“ Sabi ko at binuhat ko siya. Para kasing hindi siya makakalakad dahil sa sakit.

“S-saan mo'ko dadalhin?“ Tanong niya.

Ngumiti lang ako at sumagot.

“Sa clinic, may malapit lang na clinic dito.“ Sabi ko.

Hindi na siya sumagot pa kaya dali dali ko siyang dinala doon at agad naman siyang ginamot nung doktor.

“Kahapon pa'to ah, bakit ngayon nyo lang siya dinala sa clinic?“ Tanong nung doktor.

Dahil sa sinabi niya ay agad akong nabigla.

“Ngayon ko lang siya nakita.“ Katwiran ko, di ko alam na isang araw na pala niyang tiniis yun.

Nilinisan nung dotkor ang sugat tsaka niya ginamot, lumipas ang ilang minuto ay tsaka lang natapos at nagulat nalang ako dahil gusto na niyang umalis kahit hindi pa siya makakalakad ng maayos.

Imbes na pumunta ako sa bahay dahil birthday ni mama ay naisip ko nalang na samahan siya dito sa clinic para may kasama naman siya at hindi mababagot.

Kinabukasan…

Nagising akong nakaupo sa tabi nung babae, habang yung babae naman ay nakahiga sa kama tsaka nakatanggap ako ng text mula kay lazarus.

Lazarus: Hoy! Nasaan ka ba ha!? Di kita nakita kagabi, sa mismong birthday ng mama mo e'wala ka.

Ngumiti lang ako at sumagot sa text.

Me: May importante lang akong ginawa. Nga'pala, kamusta ang party kagabi?

Lazarus: yung mama mo nagiging hip-hop diancer haha, nakakatuwa siya pag lasing.

Me: *Sinapak ka* baliw, ganun talaga si mama pag nakainom.

Lazarus: ano yan? Nag ro-roleplay kaba? Hahaha.

Hindi ko na siya sinagot pa tsaka napansin kong nagising na yung babae.

*LAZARUS's POV*

Nandito ako ngayon sa isang mansyon, sobrang lumang mansyon. Nahanap daw kasi ito kagabi ng mga gangster na bampira, dito daw sila pansamantalang magtatago.

“Ang yaman na natin!“ Natatawang sabi nung lalaki.

Natawa rin ako sa kanya, dapat kasi may mayaman kahit isa lang sa gang nila eh nang sa ganun ay hindi sila mamumorblema pagdating sa hideout.

“Oo nga, lubos lubosin mo na'to baka mahanap nanaman tayo ng mga lobo.“ Sabi ko.

Ngumiti lang siya at lumapit.

“Ako nga pala si jake.“ Pagpakilala pa niya.

“Lazarus.“ Kunti kong sabi.

“Ikagagalak kong makilala ka, lazarus.“ Sagot niya.

Gangsta VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon