“Kung ganon, dapat lang na magbayad ang lalaking ito.“ Sabi nung founder at kinuha ang brass knuckle.
Nang makita ko yun ay agad akong natakot, dahil isa iyong iron fist na sandata at ginagamit yun sa hand-to-hand combat.
“T-teka, nagkam—”
Napatigil ako sa pag sasalita dahil may isang malakas na kamao na may bakal sa harap ang dumapo sa mukha ko.
“Aahh!!“ Sigaw ko at sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ay biglang umikot ang paningin ko.
“Ano? Ilalabas mo ba yung babae o bubugbugin muna kita bago namin yun hanapin sa apartment no?“ Tanong niya.
Hindi ako makasagot sa sinabi niya dahil biglang nanlabo ang paningin ko.
“Ano na laz? Ilalabas mo ba?“ Dagdag pa niya.
Ilang segundo lang ay bumalik na sa normal ang paningin ko tsaka ko naramdamang napakasakit ng panga ko.
“T-teka… n-nag kakamal—”
Naputol nanaman ang pag sasalita ko dahil ina-upper cut-an ako ng founder nila.
“Isang tanong isang sagot! Kung ano yung tanong ko ay yun lang ang sasagutin mo!“ Sabi niya at niyugyug ang buo kong katawan.
Dahil sa lakas ng upper cut ay dumilim ang paningin ko at pakiramdam ko ay mamamatay ako sa lakas ng upper cut na pinakawalan niya.
“N-nandoon.“ Sabi ko habang nawalan ng lakas.
“Nasaan?“ Sagot nung founder.
“N-nasa… a-apartment.. k-ko.“ Huli kong sabi at dito na ako nawalan ng malay.
*LUCINDA's POV*
Lumipas ang ilang oras at nakahiga lang ako sa kama ni lazarus. Gusto ko mang lumabas para makipag kaibigan sa mga kapit bahay pero nahihiya ako.
Habang hinihintay ko si lazarus na makauwi ay bigla akong nakaamoy ng dugo, at base sa amoy ay parang nasa malayo ito. May super human smell din kasi kaming mga bampira at isa yan sa abilities namin.
Agad akong lumabas sa bahay dahil familiar sakin ang amoy na iyon, kung hindi ako nagkakamali ay amoy yun ni lazarus.
Nang makalabas na ako ay biglang nawala ang pang-amoy ko, kaya tumingin ako sa langit ngunit palubog palang ang sikat ng araw. Ibig sabihin hindi ko magagamit ang super human smell at super human speed ko. Kaya wala akong pagpipilian kundi ang tumakbo ng mahina.
Lumipas ang mga minuto at saktong naharangan na ng mga building ang sikat ng araw, kaya pansamantalang bumalik ulit ang pang amoy ko. Pero hindi ko parin magamit ang super human speed dahil may ibang parte ng daan na nasisikatan pa rin ng araw.
“Sana makaabot ako.“ Sabi ko sa isip.
Lumipas pa ang mga minuto ay saktong lumubog na nga ang sikat ng araw at bumalik na ang pang amoy ko at nakagamit na rin ako ng super human speed.
Agad akong tumakbo ng mabilis habang sinundan ko yung amoy at nakaabot ako sa isang bakanteng lote na may napakaraming mga lalaki ang nag tipon-tipon.
Dahil dun ay nagtitinginan sila sakin pero hindi ko sila pinansin, hinanap ko si lazarus at nakita ko siyang nakalambitin sa sanga ng puno.
Agad akong lumapit na galit na galit tsaka ako sumigaw.
“Pakawalan nyo si lazarus!“ Sigaw ko.
Agad naman silang nagtaka.
“Teka, sino ka ba?“ Tanong ng lalaking malaki ang katawan.
“Lucinda, ako si lucinda. Ang kaibigan ni Lazarus!“ Sigaw ko.
Agad namang natuwa yung lalaking nasa gitna at nagsalita.
“May maganda rin palang kaibigan tong mahinang to.“ Sabi niya at nagsalita pa.
“Pero wala akong paki, ilabas mo yung baliw na alaga ni Lazarus miss.“ Sabi niya.
Dahil dun ay bigla akong nagtaka, di ko alam na may alaga palang baliw si lazarus.
“H-ha? D-di ko alam kung sino yan.“ Sabi ko ng mahinahon.
“Kung ganon, umalis kana lang dito. Dahil yung baliw ang gusto naming makita.“ Sabi niya.
Bigla naman akong nagtaka, kaya naglakad ako papunta sa gilid at naupo. Nakikihintay rin ako dahil curious ako kung sino yung baliw na alaga ni lazarus.
Lumipas ang mga minuto at gumabi na, pero wala pa rin kaming nakitang baliw na papunta rito.
Dahil dun ay nagsalita yung lalaki na nasa gitna na may hawak pang isang bakal na parang kamao rin.
“Sigurado ka bang darating yun dito?“ Sabi niya sa dalawang lalaki.
Nang makita ko ang dalawang lalaki ay agad akong nagalit, dahil sila yung kaaway ni lazarus kahapon.
“Oo boss, darating yung babaeng baliw na kumagat sa leeg ni juls.“ Sabi nung isang lalaki.
Nang marinig ko iyon ay bigla akong nagtaka, parang ako yung tinutukoy niya tsaka napansin kong may isang lalaki ang papalapit sa bakanteng lote at kaparehas lang sila ng suot.
Nang makarating na yung lalaki ay agad din siyang nagsalita.
“Boss, walang tao doon sa apartment ni lazarus.“ Sabi niya.
Agad akong napanguso, papanong magkakatao doon eh'nandito nga kami ni lazarus sa bakanteng lote kasama nila.
Dahil dun ay agad na lumapit sakin yung sinasabi nilang boss at nagsalita.
“Hoy babae, sigurado kabang wala kang alam tungkol sa baliw na pumatay kay juls?“ Tanong niya.
Tumango lang ako, dahil bukod sa hindi ko kilala ang juls na sinasabi niya ay wala rin akong nakitang baliw sa apartment ni laz kagabi.
“Sinungaling! Kitang kita ng mga mata namin na kinagat si Juls nung babaeng baliw sa leeg at sinipsip pa nga niya ang mga dugong nagsilabasan sa leeg ni juls!“ Sabi nung isang lalaki.
“Oo nga! Tsaka pati yung mga dugong nagsilabasan sa bibig ni lazarus ay dinilaan rin niya!“ Sagot pa ng isa.
Dahil dun ay parang alam ko na kung sino ang tinutukoy nilang baliw.
“So, ganun…“ Sabi ko at biglang nag iba ang awra ko.
“Sinasabi nyo bang baliw ako?“ Dagdag ko pa.
Bigla naman silang nagtaka.
“H-hindi naman ikaw… yung babaeng baliw ang tinutukoy namin.“ sagot niya.
Biglang humaba ang mga kuku ko sa kamay tsaka ko pinapagana ang super human sense at tumakbo ako palapit sa kanya at tinabas ko ang dila niya gamit ang kuko ko.
“Aaahhh!!!“ Sigaw nung lalaki habang tinakpan niya ng kamay ang kanyang bibig.
“I-ikaw!!“ Sabi nung isa pang lalaki na kasama niya.
Ngumiti lang ako at nagsalita.
“Oo ako, ako yung pumatay sa kasamahan ninyo.“ Sabi ko.
Agad naman silang nagulat at nagsalita yung boss nila.
“Kung ganun, maghanda kana para mag mamakaawa. Kumbinsihin mo akong hindi kita papatayin.“ Babala ng boss nila at lumapit sakin.
To be continue…
Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!
BINABASA MO ANG
Gangsta Vampire
VampireAng kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng mga gangster sa daan dahil gusto ng mga gangster na bigyan sila ng pera buwan-buwan. Ngunit walang maibigay ang binata dahil naghihirap din i...