CHAPTER 08

216 7 0
                                    

Dawalang linggo na ang nakalipas simula nong aksidente kong nagawang bampira yung mga nang bu-bully kay lazarus, at ito kami ngayon nag tatago sa isang abandonadong bahay maliban kay laz, nandoon pa rin siya sa apartment niyang maliit.

Sa gang namin ay ako at si lazarus lang ang pwedeng makalabas, kailangang mahasa muna ang mga baguhan bago nila makamtan ang immunity sunskin kagaya ko.

Tsaka nalaman na rin nila kung paano gamitin ang super human strength at speed, hindi ko muna tinuro ang smell at sense baka maninibago sila.

*LAZARUS's POV*

Nandito ako ngayon sa bahay nila liam, tinawagan nya kasi ako upang mamalengke kami. Tsaka kakatapos lang ng contract ko sa GAISANO kaya wala na akong trabaho.

"Liam! Hindi ka pa ba tapos mag bihis dyan!? Para ka namang babae!" Sigaw ko.

Nasa labas kasi ako ng kwarto nya, hindi niya ako pinapapasok dahil nag bibihis daw sya.

"Malapit na akong matapos, reklamador!" Sigaw niya.

Natawa lang ako tsaka nag hintay pa ng kunti, ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na siya sa pag bibihis kaya lumabas na kami ng bahay at nag punta sa palengke.

"Nga'pala, wala ka bang plano mag college?" Tanong ni liam.

Ngumiti lang ako at sumagot.

"Alam mo liam, wala na akong pamilya. Kahit trabaho nga wala eh tapos gusto mo mag college ako?" Tanong ko.

Sumagot naman si liam.

"Pero maganda naman kasi kung may course kang matatapos, nang sa ganun ay ma-"

Naputol ang pagsasalita niya dahil biglang may isang magandang babae ang biglang dumating at tinawag ang pangalan ko.

"Laz! Nandito ka lang pala!" Sabi niya at tumakbo papunta sakin.

"Pinuntahan kita sa apartment mo pero wala ka'ron." Dagdag pa ni lucinda.

Nang makita ni liam si lucinda ay agad na lumaki ang kanyang mata tsaka siya napanganga.

"W-wow!" Sabi niya at naka O pa yung bibig.

"S-sino ang babaeng yan!?" Gulat niyang sabi.

Ngumiti lang ako sabay pikit ng mata at nilagay ko sa balikat ang dalawa kong kamay tsaka ako nag mamayabang sa harap ni liam.

"Heh! (Sabay buga ng hininga) Liam, let me introduce you... Lucinda, my one and only pet-"

Bigla akong natigilan nang bigla niyang ginamit ang super human speed tsaka niya ako sinapak sa ulo.

Dahil dun ay agad akong nagalit.

"H-hoy! Ang sakit nun!" Sigaw kong sabi.

Agad namang nagsalita si lucinda.

"Uhmm... hi, mapagbiro tagala itong kaibigan mo no? Hehehe. Ako nga pala si lucinda, im his girlfriend." Sabay turo sakin.

Nang marinig ni liam ang sinabi ni lucinda ay agad siyang nagulat.

"S-seryoso? Itong mukhang to? (Sabay turo sakin) Mag kaka girlfriend ng hot chick? Napaka imposible!!" Sigaw niya at nagsalita pa.

"Ginayuma ka niya! Maniwala ka sakin." sabi ni liam.

Tinawanan ko lang silang dalawa, palagi ko kasing sinasabi kay liam na magiging binata na ako hanggang sa pagtanda.

"Tumahimik na nga kayong dalawa, tara na't mamalengke na tayo." Sabi ko at sumama naman samin si lucinda na ngayon ay girlfriend ko na.

Bago pa kami namalengke ay pumasok muna kami sa mga mall, hindi para bumili kundi para magpa aircon. Kunwari tumitingin sa mga damit at mag susukat pero ang totoo ay pinicture-an lang talaga namin ang sarili namin para merong pang myday sa facebook.

Pagkatapos nun at tsaka na kami lumabas hanggang sa lumipas ang tanghalian at syempre doon kami kakain sa karenderya, kaso kulang ang pera namin dahil biglang sumipot itong si lucinda. Hindi naman talaga kumakain ang mga bampira ng mga kakanin, pero kailangan niyang magpanggap bilang tao.

Pagkatapos nun ay pumasok ulit kami sa mga mall na para bang namamasyal sa loob, hanggang sa lumipas ang ilang oras at mag alas kuwatro na ng hapon kaya namalengke na kami.

Bumili kami ng mga gulay at pagkatapos nun ay tsaka na namin naisipang mag hiwalay ni liam.

"Sa susunod ulit laz, mag ingat kayong dalawa sa daan." Pagpaalam pa ni liam sabay lakad sa kabilang daan.

Magkaiba kasi ng daan ang mga bahay namin kaya ngumiti lang ako tsaka ako naglakad papunta sa apartment ko.

"Ano na ang gagawin mo ngayon lucinda?" Tanong ko habang naglalakad.

"Syempre tuturuan ko ang mga bago kong kalahi kung paano maka amoy kahit nasa malayo." Sagot niya.

Oo nga pala, palubog na ang araw. Ibig sabihin oras na para makalabas ang mga gangster na bampira.

"Ganun ba, hindi ka ba maghahanap ng mga bibiktimahin?" Tanong ko ulit.

Umiling lang siya.

"Alam mo kasi laz, hindi pwedeng kusa nalang kaming pumatay ng tao. Kasi pag nalaman yun ng batas ay mga pulis ang makakalaban namin." Sabi niya at nagsalita pa.

"Hindi rin pwedeng kahit sino nalang ang gagawin naming bampira, baka magalit edi meron na kaming kalabang bampira. Parang kinalaban lang namin ang mga lahi namin imbes na magparami." Dagdag pa niya.

Well, make sense naman.

Wala na akong masabi kaya imbes na maglakad kami papunta sa apartment ko ay dumiretso nalang kami doon sa abandonadong bahay para e check ang mga baguhang bampira.

Pagkarating namin dun ay nakita kong napakarami nilang namumutla na parang patay o multo, hindi sila kagaya ni lucinda na kulay puti pero tao naman tingnan at hindi nakakatakot ang hitsura.

"Ganyan ba talaga ang mga hitsura ng mga bagong bampira?" Tanong ko.

Umiling lang si lucinda.

"Hindi naman, hindi pa kasi sila nakainom ng dugo kaya ganyan." Sagot niya.

"So nakainom ka ngayon ng dugo?" Tanong ko.

Tumango naman siya at tinuro ang isang patay na manok.

"Kunin mo yun, lutuin mo para may panghapunan ka haha." Natatawa niyang sabi.

Napataray ako ng kilay, Oo nga pala. May manokan nga pala itong si lucinda, doon siya kukuha ng mga iinuming dugo araw-araw.

Sasagot sana ako pero may isang lalaki ang lumapit samin.

"Laz, what if ibenta mo ang mga manok na natapos na naming kunan ng dugo para may source of income ka kahit papano?" Tanong niya.

Ngumiti naman si lucinda at sumagot.

"Oo nga, para naman makakainom rin ako ng dugo ng tao ng hindi pumapatay." Pagbibiro pa niya.

Sinimangutan ko lang silang dalawa, ginawa pa akong seller sa mga tira-tira nila.

"Heh! Ano bang tingin ninyo sakin? Ganon ganon la-"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil biglang may isang alululong kaming narinig mula sa malayo.

To be continue...

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon