CHAPTER 04

248 13 6
                                    

Nakakahiya mang aminin pero nainlove ako sa bampirang to, pano ba kasi ang ganda niya.

“H-hindi ah! Bakit naman ako maiinlove sayo e'kakilala palang natin!“ Kinakabahan kong sabi.

Ngumiti lang siya at inasar ako, nagtagal ang usapan na iyon ng ilang oras tsaka lang namin napansin na malalim na ang gabi kaya kailangan ko nang matulog.

Kinabukasan…

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na dumapo sa mukha ko, pagtingin ko sa gilid ko ay biglang nawala si lucinda kahit saang lupalok ako ng bahay titingin.

I wonder kung nasaan ang babaeng yun.

Agad akong humikab at tumingin sa orasan, bumangon ako at aakmang tatayo na sana pero pag tapak ko sa sahig ay may natapakan akong malambot kaya dahan dahan ko iyong tiningnan.

Nang makatingin na ako ay dito ko nakita si lucinda, nakahiga siya sa ilalim ng kama na ipinagtaka ko tsaka ko lang aalala na bampira nga pala siya at natutunaw sila sa sikat ng araw.

Napahawak nalang ako ng noo, kahapon lang ay nag iisa lang ako sa apartment pero ngayon ay may kasama na akong bampira.

Agad kong hinarang ang kurtina sa bintana tsaka ko siya ginising, sa pagkakaalam ko ay gising ang mga bampira sa gabi. Pero bakit natutulog ang babaeng to?

“Hoy gising!“ Natatawa kong sabi.

Agad naman siyang nagising at nagtaka.

“Bakit ba?“ Sabi niya.

“Anong bakit ba? Diba nga dapat natutulog ka sa umaga at gising ka sa gabi? Ano na ang gagawin mo ngayon eh'ang init na ng sikat ng araw?“ Tanong ko.

Imbes na sumagot siya ay tumingin tingin siya sa paligid na para bang may hinahanap at nagsalita.

“Asan na ang breakfast ko?“ Taka niyang sabi.

Dahil dun ay napakunot ako ng noo.

“Ay wow! Nahiya naman ako sayo, parang obligasyon ko pa yatang pakainin ka?“ Sagot ko.

Agad naman siyang bumalik sa kakapikit at nagsalita.

“Laki-laki mo na tapos naniniwala ka parin sa mga kwentong pambata, e'ano ngayon kung tulog ako sa gabi? Inaantok ako eh.“ Sabi niya.

Parang naguguluhan ako sa babaeng to, nakaramdam pala sila ng antok?

“Grabe ka, hindi ganyang kase ng bampira ang nababasa ko sa mga comic books.“ Sagot ko.

Tinawanan lang niya ako tsaka siya nag puppy eyes at naka sad face habang nagpapaawa ng hitsura.

“Pakagat.“ Palambing niyang sabi.

Biglang namula ang magkabila kong pesnge.

“Luh? nag pa kyut ba ang pambihirang to?“ Sabi ko sa isip.

“Sge na laz, kunti lang.“ Dagdag pa niya at nakasimangot.

Ang kyut niya tingnan, tsaka namula-mula rin ang pesnge niya. Kakaiba talaga ang bampirang to, sa pagkakaalam ko ay matagal na silang patay. Pero bakit namula? Wala naman silang dugo. Napaka mysteryo talaga ng babaeng to.

“S-sge… p-pero kunti lang ha.“ Nahihiya kong sabi.

Agad naman siyang ngumiti tsaka niya kinuha ang kamay ko at kinagat.

“U-ugh!! S-shit!“ Sabi ko at nakapagat ng labi.

“Ugmm!! Uugghhm! Ugmm!!“ Sabi niya habang sinipsip niya ang kamay ko.

Sauna lang masakit, pero patagal ng patagal ay pasarap ng pasarap.

Yan ang sabi ni lucinda nang matapos na siyang uminom ng dugo ko, grabe! Ang akala ko ay masakit, pero parang kinuhaan ka lang pala ng dugo pag nagpa medical test.

“Ano? Akala mo nanaman masakit kagaya ng nababasa mo sa mga comics?“ Sabi niya.

Tumango lang ako ng tumago, kasi yung mga taong nakagat ng bampira na nababasa ko ay sigaw kasi ng sigaw.

“Busog kana? Kasi nagugutom na ako eh. Bibili lang ako ng ulam sa labas.“ Sabi ko.

Agad naman siyang bumangon at tumayo.

“Tara.“ Sabi niya.

Dahil dun ay nagtataka nanaman ako.

“Anong tara? Ako lang ang lalabas dahil masusunog ka pag nasikatan ng araw.“ Sabi ko.

Bigla naman siyang tumakbo at binuksan ang pintuan, dahil dun ay agad siyang nasikatan ng araw at agad naman siyang nasaktan.

“A-aahh! A-ang sakit!!“ Sabi niya.

Dahil dun ay dali dali ko siyang nilapitan at binuhat, aakmang ilalayo ko sana siya sa pintuan pero bigla siyang natawa.

“Hahaha! Ang dali mong utuin!“ Sabi niya.

Agad ko naman siyang binitawan tsaka ako nagsalita.

“Umamin ka nga, bampira ka ba talaga o aswang?“ Sabi ko.

Tawa siya ng tawa tsaka nagsalita.

“Ang bampira ay hindi nakakalakad pag may sikat ng araw, ibig sabihin ay totoo. Pero may hindi kayo alam tungkol samin.“ Sabi niya.

“Ano naman yun?“ Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at nagpaliwanag.

“May ibang bampira na nakakalakad kahit may sikat ng araw. Kagaya ko, pero may kondisyon iyon, hindi ko magagamit ang mga abilities ko dahil nanghihina nga kami pag nasikatan ng araw.“ Sabi niya.

“So, ibig sabihin hindi totoo yung mga nababasa ko sa mga novels?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Depende sa author haha, pero hayaan mo na yun. Bumili nalang tayo ng pang umagahan mo.“ Sagot niya.

Grabe! Nakakaloka ang babaeng to, siguro new generation yan ng mga vampire kaya nakakalakad siya sa sikat ng araw.

Pagkatapos ng pag uusap na iyon ay agad na kaming lumabas.

Nang makalabas na kami ay agad niyang hinawakan ang kamay ko na ikinabigla ko, tsaka napansin ko ring ang ginaw niya.

Lumapit kami sa tindahan na magkahawak ng kamay, pinagtitinginan kami ng mga tambay at yung iba ay natawa.

Bumili ako ng noodles at agad rin kaming bumalik sa loob ng apartment ko, niluto ko yung noodles at kinain. Pagkatapos nun ay malapit nang mag alas nuwebe ng umaga, ibig sabihin kailangan ko nang pumasok sa trabaho.

Naligo ako at nagbihis tsaka ako lumabas ng bahay at nagpunta sa work, lumipas ang mga oras ay naghapon na at kailangan ko nang umuwi.

Habang naglalakad ako pauwi ay biglang may humila sa kwelyo ko at dinala ako sa gilid ng mall.

“Ito ba?“ Sabi nung lalaki.

Agad ko siyang tiningnan at dito na ako kinabahan, dahil ang founder ng Douglas Gangster yung nakahawak sa kwelyo ko.

“Ito ba ang pumatay kay juls?“ Tanong niya ulit.

Tumingin ako sa dalawang lalaki at dito na lumaki ang mga mata ko, dahil yung dalawang lalaki na yun ay ang kasama ni juls kahapon.

“Oo, nagkunwari siyang mahina pero may kakaibang plano pala. May alaga siyang baliw na babae at pinagkakagat si juls sa leeg.“ Sagot ng lalaki.

“Kung ganon, dapat lang na magbayad ang lalaking ito. Buhay kapalit sa buhay, yan ang patakaran natin.“ Sabi nung founder at kinuha ang brass knuckle.

Nang makita ko yun ay agad akong natakot, dahil isa iyong iron fist na sandata na ginagamit sa hand-to-hand combat.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon