CHAPTER 07

251 13 8
                                    

Ilang minuto lang ay nagiging bampira na nga siya at dalawa na silang may laban sa kanilang grupo.

Agad na sumugod yung founder nila at pinag kakagat nilang dalawa ang mga kalaban, pero base sa kagat nila ay para itong tinaggalan ng leeg ang kalaban kaya kampante ako. Buti nalang at hindi nila alam paano palabasin ang vemon, dahil pag nagkataong magiging bampira ang kalaban nila ay malamang malaking kaguluhan yan.

Unti unting nauubos ang mga close range fighters ng kalaban at ganun rin sa hanay nila, pero may mga long range pa din sa kalaban kaya hindi nila maiwasang mapaatras sa tuwing mababaril sila ng kalaban.

Base sa kalagayan nila ay parang hindi nila kaya ang kalaban at nakita ko yung commander nila na may tama sa magkabilang hita at napa luhod ito sa lupa.

Aakmang tatayo na sana ang commander nang biglang may isang ice spike ang tumaob galing sa likod niya at lumagpas ito sa dibdib. Agad siyang nadapa at namatay.

Dahil dun ay nilagay ko muna si lazarus sa lupa tsaka ako gumamit ng super human speed at lumapit ako sa commander nila. Kinagat ko siya sa leeg at pinasukan ko ng vemon ang ugat.

Kahit na patay na ang puso niya ay hindi ibig sabihin nun na patay na rin ang ibang parte ng organs niya. Kaya may pagkakataon pang magiging bampira si commander.

Ilang minuto lang ay nagising siya na pula ang mata tsaka siya tumayo at tumingin sakin.

"Sge na, iligtas mo ang natirang buhay sa hanay nyo." Sabi ko.

Nabigla siya sa ginawa ko at ngumiti.

"Salamat." Kunti niyang sabi at agad na umalis at tinulungan ang dalawang bampira.

Di ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, pero bukod kay lazarus ay sila din kasi yung pangalawang naingkwentro ko.

Tiningnan ko ang mga grupo nila at base sa iba pa niyang kasamahan ay mga buhay pa ito, kaso hindi ko alam kung ilang minuto nalang ang natitirang oras nila dahil sobrang lala ng kalagayan.

Napansin ko ring unti unting tumatakbo yung mga natitirang long range na kalaban na may takot sa mukha tsaka sila nakita ng iba pa nilang kasamahan kaya tumakbo nalang rin sila.

Sumakay sila sa kanilang mga motor at umandar, sinubukan nilang habulin pero hindi nila kayang gamitin ang above normal na kapangyarihan namin. Kaya sa huli ay wala silang magawa kundi ang tumigil.

Natapos ang kaguluhan na may maraming mga patay sa harapan ko tsaka nila nilapitan ang mga kasamahan nila at hinanap nila yung mga pwede pang mailigtas.

Tumawag ng ambulansya ang commander nila at yung mga nasawi sa hanay nila ay nilapit nila sakin tsaka nagsalita yung founder nila.

"Pwede pa ba sila mabuhay ulit?" malungkot niyang sabi.

Base sa hitsura nila ay namatay na sila, pero kakamatay palang, ang pinakatagal na oras bago mamatay ng tuluyan ang isang tao ay 18 hours. Kaya nagsalita ako.

"Gusto mong gawin ko silang bampira?" Tanong ko.

Tumango lang yung founder at hindi nagsalita.

"Hindi ko gagawin yun." Dagdag ko pa.

Agad namang nagulat ang founder at nagsalita.

"Pakiusap, kailangan pa sila ng mga pamilya nila." Sabi niya.

Dahil dun ay nalungkot ako.

"Pero hindi mo pag mamay ari ang mga buhay nila, kailangan kong marinig mismo sa mga bibig nila na gusto nilang maging bampira. Dahil maraming mga bampira na kalahi ko noon ang nag rebelde dahil mas gusto pa nilang mawala at manahimik ng mapayapa keysa mabuhay pa na hindi mawala-wala ang problema." Sagot ko.

Dahil dun ay may isang familiar sa akin ang nagsalita sa likod ko.

"Sila pa? E'araw araw naman yan naghahanap ng problema, kaya buhayin mo na sila ulit. Mas mahaba ang buhay mas masaya para sa kanila." Sabi niya.

Agad akong napalingon sa likod at dito ko nakita si lazarus na nakaupo sa lupa, gising na pala sila.

"Tsaka mga gangster ang mga yan, at lahat sila ay nangangarap na maging Immortal para malaya silang makalaban ang mga kinakatakutang mga high class gangsters." Dagdag pa niya.

"Kaya pagbigyan mo na." Ika pa niya.

Dahil dun ay agad akong ngumiti, buti at okay lang sa kanya na gawin kong bampira ang mga kalaban niya sa kabila ng ginawa nila sa kanya.

"Sge, sabi mo eh." Sagot ko tsaka ko pinalapit ang tatlong bampirang lalaki.

"Bago ko gawin yun, ipapangako nyo muna sakin na hindi nyo na aawayin si lazarus." Sabi ko.

Natawa naman yung founder tsaka tumango, humingi rin siya ng tawad dahil siya ang bumugbog kay lazarus. Napansin kong medyo napayuko yung lalaki. Tsaka humingi rin siya ng tawad sakin dahil sa pag aakalang isa akong baliw.

Tumango nalang rin ako tsaka ko sila tinuruan kung paano palabasin ang mga vemon namin para sila na ang kakagat sa mga kasamahan nila.

Pagkatapos kung maturo sa kanila ay agad naman nilang ginawa sa mga nasawi nilang kasama at simula nun ay dumami na ang bilang naming mga bampira.

Naging matiwasay na ang buhay ni lazarus, tsaka hindi rin nagtagal ay sumali kami ni laz sa gang nila at binago nung founder ang name dahil mga bampira na kaming lahat maliban kay laz, From DOUGLAS GANGSTER to GANGSTA VAMPIRE.

At ito ang kwento kung paano nagbago ang buhay ni lazarus at kung paano nabuo ang GANGSTA VAMPIRE.

To Be Continue...

Sa loob ng 450 years na pananahimik, sino kaya ang mananalo sa kanila ngayong may karanasan na sa labanan ang mga bagong bampira?

May laban na kaya sila sa mga lobo?

Abangan...


Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon