CHAPTER 09

126 5 2
                                    

“teka, narinig nyo yun?“ Tanong ko.

Napatango naman si lucinda tsaka nagtaka ang mga kasama naming iba pang bampira.

“Ano ngayon kung may lobo?“ Sagot nung baguhang bampira.

Napansin naming biglang kinabahan si lucida.

“Hindi nyo kasi alam.“ Sabi niya.

“Edi ipaalam nyo samin.“ Pag pipilosopo pa nung lalaki sabay tawa.

Bigla namang nagbago ang anyo ni lucinda tsaka naging kulay pula ang mga mata niya at humaba ang kanyang mga kuku.

“Humanda kayo sa parating na labanan!“ Sigaw ni lucinda na ipinagtaka ng lahat.

“H-ha? Labanan?“ Sagot ng isang lalaki.

“Kailan naman?“ Dagdag pa nung iba na nagtataka.

Tumingin si lucinda sa bintana at dito namin nakita ang buwan na kulay pula tsaka may mga anino ng mga lobo ang nag sitalunan.

Dahil dun ay bigla akong kinabahan, anong koneksyon ni lucinda sa mga lobo? Tsaka bakit kami aatakehin ng mga lobo?

“May nagawa ka bang kasalanan lucinda!?“ Kaba kong tanong.

Umiling lang si lucinda at nagsalita.

“Mortal na magkaaway ang mga bampira at lobo, yan ang isa sa dahilan kung bakit tayo nagtatago ngayon.“ Sagot niya.

Agad namang sumagot ang lalaki.

“Akala ko ba nagtatago tayo para hindi mahuli ng mga pulis?“ Tanong niya.

Agad na naghanda si lucinda tsaka siya sumagot.

“Ang totoo talagang dahilan kung bakit tayo nag tatago ay para hindi tayo ma-hunting ng mga lobo.“ Sagot niya.

Dahil dun au bigla kaming kinabahahan.

“H-hunting? Ibig sabihin, isa tayong prey?“ Sabi nung lalaki.

Umiling lang si lucinda.

“Hindi naman, minsan sila ang prey, depende kung sino ang mas malakas. Normal lang sa kanila na huntingin tayong mga bampira dahil tayo ang mortal nilang kaaway. Inuubos nila ang mga kalahi ko kaya ako nagtatago.“ Sagot ni lucinda.

“K-kung ganon… w-wala pala tayong laban sa mga lobo?“ Tanong nung lalaki.

Sumagot naman si lucinda.

“Siguro si lazarus wala dahil tao naman siya, maghanda na kayo dahil papasok na ang mga lobo.“ Sagot ni lucinda at dito nga ay pumasok na nga ang mga lobo sa abandonadong bahay.

“AWWWOOOOOHH!!“ Sigaw nung kulay brown na lobo.

Nang makita ko sila ay agad akong nagulat, bakit sobrang laki naman yata nila?

“Teka! Mas malaki pa yan sa'tin ah!?“ Kabang sabi nung lalaki.

Napatango naman si lucinda at dito nga ay nagsipasukan na ang mga lobo at deriktang nakaharap saming lahat, pero ang ipinagtataka ko lang ay nakatingin ang mga lobo sa mga bampira. Pero sakin ay hindi.

Dahil dun ay agad akong umatras at tama nga ako, hindi nila ako pinansin. Siguro dahil ito sa isa akong tao.

Sa pagkakaalam ko ay marunong nang gumamit ang mga baguhang bampira ng speed at sense, tsaka may experience na ang yan sa labanan.

Aakmang magsasalita sana ang founder ng gang pero bigla siyang inatake ng isang lobo.

Agad naman siyang nakailag tsaka niya sinuntok yung umatake sa kanya at tumilapon naman ito palayo.

Gangsta VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon