CHAPTER 11

127 7 2
                                    

Nandito ako ngayon sa loob ng kotseng sira-sira, di ko alam na ang hideout pala ng mga gangster na'to ay dito sa ilalim ng tulay. Mga sirang kotse ang ginawa nilang mga kwarto.

Kaya no choice ako kundi dito na matutulog, gusto ko sanang umuwi sa maliit kong apartment pero pinigilan ako ni lucinda.

Kinabukasan…

Nagising ako habang rinig na rinig ko ang mga tiktilaok ng mga manok.

“Arrggh!“ Sabi ko sabay hikab, hinimas-himas ko ang mata ko.

Tumingin ako sa gilid at dito ko nakita si lucinda na ginigilitan niya ng ulo ang mga manok tsaka niya nilagay ang mga dugo sa mga baso.

“Magandang umaga.“ Sabi niya.

Napansin kong mainit na ang sinag ng araw, kaya hindi na ako nagtataka kung bakit siya lang mag isa.

Tumingin tingin ako sa gilid at nakita ko ang mga gangster na parang pugita na nagtatago sa loob ng mga kotse, yung iba nasa ilalim pa ng kotse.

“Magandang umaga rin lucinda (sabay tingin kay founder na nakadapa sa ilalim ng kotse) bat di mo nalang sila turuan kung paano maging immume sa araw?“ Tanong ko.

Lumapit ako sa kanya tsaka ako tumulong sa pag hawak ng manok na kinukunan niya ng mga dugo.

“Kagaya ng sinabi ko laz, aabutin pa ng ilang araw bago nila ito matutunan. Kailangan lang kasi dito ay sanayin ang balat nila sa araw, kaso sa kalagayan nila ay malamang masusunog lang agad at kung tumagal ay magiging abo ang mga yan.“ Sagot niya.

Well, make sense naman. Pero ang inaalala ko lang ay baka ma-encounter nanaman namin ulit ang mga lobo pero hindi pa nila alam kung paano gagamitin ang vampire abilities ng mga baguhang bampira.

“Kung ganun, kailangan na nating makahanap ng ibang bahay na lilipatan, paano mo sila matuturuan kung paano gagamitin ang iba pang kapangyarihan ng bampira e'ang init dito tsaka napakaraming dumadaan na tao sa itaas.“ Sabi ko.

Natawa lang siya at hindi sumagot, tiningnan ko ang mga bampirang nasa ilalim ng kotse at para silang mga daga haha.

Nagpaalam akong umuwi na muna sa apartment ko at pinayagan naman ako ni lucinda, kaya umuwi ako at doon ay nakita ko si liam na nasa loob at paalis na.

“Hoy! Ginawa mo jan?“ Tanong ko.

Sinimangutan niya ako tsaka siya sumagot.

“Nasaan kaba? Almost 1 hour akong nag aantay sayo dito.“ Sabi niya.

“Ako dapat ang mag tanong sayo eh, anong ginawa mo dito sa apartment ko?“ Tanong ko ulit.

Napahawak naman siya sa balikat niya at sumagot.

“Syempre hinahanap ka, ilang linggo na ang nakalipas at hindi kana ginugulo ng mga gangster na yun. Ibig sabihin nakakaipon kana ng pera.“ Sabi niya.

Umagang umaga paniningil agad ang una kong naririnig sa bibig ni liam kaya sinimangutan ko siya.

“Oo na, alam mo namang wala akong trabaho eh. Siguro sa susunod na araw nalang liam pag nagkatrabaho na ako.“ Sagot ko.

Huminga siya ng malalim at sumagot.

“Ayan kananaman (sabay tapik sa noo ko) kahit na bugbugin pa kita mag damag, basta wala kang pera ay wala ka talagang maiibigay.“ Sabi niya at nagsalita pa.

“Nga'pala, hindi naman talaga yan ang totoo kong pakay.“ Sabi niya.

Sinapak ko ang noo niya at sumagot.

“Yan naman pala eh, bat inuna mo ang paniningil?“ Sabi ko at nagdabog.

Natawa lang siya at sumagot.

“Binibiro lang kita baliw, pumunta ka mamayang gabi sa bahay namin dahil birthday ni mama.“ Sabi niya.

Nang marinig ko iyon ay parang napapagastos nanaman ako nito, napakayaman pa naman nila. Im sure na bunggang bungga ang party na yan, nakakahiya naman pag hindi ako bibili ng magandang damit.

“O'sge, paki sabi sa mama mo na binabati ko siya ng happy 58th birthday pag uwi mo.“ Sabi ko.

Bigla niya akong sinapak.

“Baliw ayoko, ikaw mismo ang mag sabi sa kanya pagdating mo dun.“ Ika pa niya at natawa.

Natawa lang rin ako tsaka nagsalita pa siya.

“Pwede mo rin isama si yolanda.“ Sabi niya.

Dahil dun ay bigla akong nagtaka.

“Yolanda?“ Sabi ko.

“Oo, yung magandang babae na kasama natin kahapon.“ Sagot niya.

Agad ko siyang sinapak sa ulo.

“Baliw, si lucinda yun.“ Ika ko pa.

Natawa lang siya at nagtawanan kami, pinapapasok ko muna siya sa apartment tsaka nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto.

Pag uwi niya ay sinamahan ko na siya papunta sa sakayan ng jeep dahil bibili din naman ako ng noodles sa tindahan pang umagahan.

Pag balik ko sa apartment ko ay aakmang magluluto na sana ako pero pag bukas ko ng pinto ay nakita ko si lucinda na nakaupo na sa kama ko.

“Ginagawa mo dito?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Wala, di ko rin alam kung ano ang gagawin ko. Nababagot na kasi ako dun.“ Sabi niya.

Well, ganun talaga. Siya lang kasi ang immune sa sikat ng araw.

Nagkwentuhan muna kami habang nag luluto ako ng makakain ko, pagkatapos nun ay dinala ko si lucinda sa mall at bumili kami ng damit namin. Sinabi ko na rin sa kanya kung saan kami pupunta mamaya at pumayag naman siya.

Lumipas ang ilang oras at gumabi na, sakto at handang handa na kami ni lucinda.

Nakasout ako ng pang easthetic na damit habang si lucinda ay naka easthetic rin pero nakakaakit lang siya tingnan dahil naka sleeveless siya na parang daster, which is bagay na bagay sa kanya.

Sexy tapos malaki pa yung dibdib, maputi yung balat niya kaya mapapatitig talaga sa kanya ang mga lalaking titingin sa kanya.

Agad na kaming nagtungo sa bahay nila laim, pagdating namin dun ay si liam ang sumalubong samin.

“Aga natin ah.“ Sabi niya.

Ngumiti lang ako at sa likod niya ay nandoon si tita.

“Happy 58th birthday tita.“ Bati ko sa kanya.

Ngumiti naman si tita at tumingin kay lucinda.

“Nagkaka girlfriend kana pala, akala ko magiging matandang binata ka nalang haha.“ Natatawa niyang sabi.

Natawa nalang rin ako, yan din kasi ang pag kakaalam ni liam na girlfriend ko si lucinda.

Nag usap-usap muna kami ng ilang minuto, at dahil napaaga nga kami ng kunti ay kumain na muna kami ni lucinda.

*LIAM's POV*

Dahil napaaga sila sa pag punta dito sa bahay namin ay napag isip-isip kong lumabas na muna at naglakad-lakad, kumakain pa kasi sila. Ang pangit naman kung nasa harap nila ako nakatingin.

Habang nag lalakad ako ay may napansin akong isang babaeng nakaputi, nilapitan ko siya at kakaiba siya tingnan dahil napakarumi ng dalawa niyang kamay at marumi din yung dalawa niyang paa.

Pero malinis naman ang mukha niya at katawan kaya nagtataka ako.

“Hello, okay ka lang ba?“ Tanong ko na nag aalala.

Tumingin naman siya sakin na parang nagdadalamhati at napansin kong may dugo sa tyan niya.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon