Maglalakad na sana ako paalis pero nagulat nalang ako nang bigla nalang nakarating yung isang lycan sa harap ko tsaka niya ako tinusok ng mga mahahaba niyang kuku sa tyan.
Dahil sa takot ay agad akong nawalan ng balanse tsaka ako napahiga sa lupa.
“Laz! Okay ka lang!?“ Sigaw ni lucinda.
“Paano ka nakarating dito!?“ Taka kong sabi tsaka napansin ko ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa tyan ko, sinangga pala niya ang mga kuku nung lycan.
“Muntik kana.“ Sagot niya tsaka siya napahinga ng maluwag.
Agad namang lumayo ang lycan dahil may dalawang bampira ang umatake sa kanya.
“Okay ka lang laz!?“ Sigaw ni founder.
Tumango lang ako tsaka ngumiti si lucas nang malaman niyang okay lang ako.
“Buti at nakaabot pa si lucinda.“ Sabi ni lucas.
Sumagot naman si lucinda sa tanong ko.
“Gumamit ako ng above normal speed kaya ako nakaabot sayo.“ Sagot niya.
Magsasalita sana ako pero biglang nagsalita yung lycan.
“So, marunong din pala kayo gumamit ng above normal speed?“ Tanong niya.
Dahil dun ay agad na hinarap ni lucas at founder yung lycan, yung isa pang lycan ay hinarap naman nila jake at iba pa nilang gangster member.
Kaya gumamit ng above normal speed yung lycan at ganun rin sila founder at lucas, kaso mas mabilis nga lang yung sa lycan at parehas silang dalawa na hindi kaya ang isang lycan.
Nahihirapan silang harapin ang lycan hanggang sa nahawakan si lucas sa leeg at tinaas, agad namang nilapitan ni founder ang lycan gamit ang speed at aakmang susuntukin pero paglapit niya ay nahawakan lang rin siya sa leeg.
“Aahh!“ Sigaw nung founder.
“Bwesit ka!“ Ika pa ni lucas.
Natawa lang yung lycan at hindi namin namalayang gumamit rin pala ng above normal speed si jake at bigla siyang nakalapit sa tyanan ng lycan at aakmang susuntukin san niya ang tyan dahil walang depensa, nakahawak ang dalawang kamay nung lycan kay jake at founder.
Pero pag suntok niya ay may isang kamay ng lycan ang sumalo at dito nga ay kinalmot si jake sa mukha.
“Aaaahh!“ Sigaw niya at tumilapon.
“Jake!“ pag aalala ni lucinda.
“Wag ipilit kung hindi kaya, lycan ang mga yan!“ sigaw ni lucinda.
Medyo kinabahan ako dito, parang hindi ito maganda.
“Baguhan palang kayo sa pagiging bampira, kaya normal lang na wala kayong laban!“ sigaw ko.
Hindi pinakawalan nung lycan si lucas at founder, kaya sabay-sabay na sumugod ang mga kasamahan namin at aakmang pag susuntukin na sana nila ang lycan nang bigla itong gumamit ng above normal speed at nagsalita.
“Subukan nyong lumapit, papatayin ko itong dalawang mahihinang bampirang to!“ Sabi niya.
Agad naman silang napatigil tsaka pinugutan ng ulo nung isang lycan ang isa naming kasamahan.
“Hahaha! Mga mahihinang nilalang!“ Sigaw nung may hawak kay lucas.
Nainis ako, dahil wala manlang ako magawa.
“Ano na ang gagawin mo lucinda? Tsaka diba sobrang tagal mo na sa pagiging bampira, anong kaya mong gawin?“ Tanong ko.
Kitang kita ko sa mukha niya na natatakot siya.
BINABASA MO ANG
Gangsta Vampire
VampireAng kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng mga gangster sa daan dahil gusto ng mga gangster na bigyan sila ng pera buwan-buwan. Ngunit walang maibigay ang binata dahil naghihirap din i...