CHAPTER 03

327 12 10
                                    

Di ko alam kung matutuwa ba ako dahil wala nang manggugulo pa sakin o kakabahan dahil may kasama akong bampira.

Agad naman niyang binuhat ang bangkay ni juls at tinapon sa basurahan, tsaka siya tumingin sakin.

“Bakit?“ Bigla kong sabi.

Sumagot naman siya.

“Ano na ang gagawin natin ngayon?“ Tanong niya.

Biglang kumunot ang noo ko.

“Anong natin? Tsaka hindi ako sasama sayo no!“ Sagot ko.

Ngumiti naman siya at sumagot.

“Wala naman akong sinabi na sasama ka sakin eh, (sabay ngiti) ako ang sasama sayo.“ Sabi niya.

Dahil dun ay bigla akong nagulat.

“H-hindi! Hindi pwede! Hindi ka pwedeng sumama sakin lalo na't ganyang ang hitsura mo!“ Sagot ko.

Napailing namn siya at sumagot.

“Bakit, natatakot kaba?“ Sabi niya.

Agad naman akong sumagot.

“Oo malamang! Kahit sinong makakakita sayong ganyan ay malamang matatakot!“ Sabi ko.

Agad naman siyang sumimangot at sumagot.

“Ganun ba, papatayin nalang kita.“ Sabi niya.

Dahil dun ay bigla akong kinabahan.

“O'sha! Sge na nga! Isasama kita papunta sa apartment ko, pero hindi pwedeng ganyan na hitsura mo habang maglalakad tayo sa daan.“ Sabi ko.

Dahil dun ay agad naman siyang natuwa at nagsalita.

“Sino bang nagsabi sayong maglakad tayo?“ Tanong niya na ikinabigla ko.

“H-ha? Anong ibig mong sabihin?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“Saan ba ang apartment mo?“ Tanong niya.

Dahil dun ay tinuro ko ang Villa Nueva Hotel.

Agad naman siyang nagulat at nagsalita.

“Wow! Ang yaman mo palang tao.“ Sabi niya.

Natawa lang ako sa reaksyon niya at sumagot ako.

“Baliw, sa gilid nyan. Jan ako nakatira, tinuro ko lang ang villa nueva hotel dahil sikat at sa tingin ko ay alam mo.“ Sabi ko.

Napatango nalang siya at nagsalita.

“Lika, sumakay ka sa likod ko.“ Sabi niya.

Dahil dun ay bigla akong na excite.

“Lilipad ba tayo?“ Tanong ko.

Sinapak naman niya ang ulo ko.

“Hindi, tatakbo ako. Sabi mo hindi pwedeng makita ako ng mga tao na maglalakad ng ganito ang hitsura diba?“ Tanong niya.

Tumango lang ako at kahit subrang baho niyang babae ay sumakay pa rin ako sa likod niya, mas mabuti na'to keysa mamatay.

“Kumapit ka ng maigi.“ Sabi niya at biglang tumakbo ng napakabilis.

Sa sobrang bilis ng pagkakatakbo niya ay halos masusugatan na ako ng hanging sasalubong sa mukha ko. Ilang segundo lang ang nakalipas ay nakarating nga kami sa apartment ko.

Dahil dun ay agad akong nahilo.

“Grabe naman, paano mo nagawa yun?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

Gangsta VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon