“Anong ginawa mo sa kaibigan ko!!“ Sigaw nung isang lycan.
“Kinagat ko siya sa leeg, pinasahan ko ng venom. Kung ang tao ay magiging bampira, pwes hindi pwedeng maging bampira ang mga lobo.“ sagot ni lucinda.
Dahil dun ay nagulat kaming lahat, ang laway na ginagamit nila para maging bampira ang isang tao ay lason sa mga lobo. I think isa iyon sa mga advantages nila.
Agad na nagalit yung lycan at sinubukang patayin si lucinda, kaya todo iwas siya sa atake nung lycan dahil jan siya na sasanay, sa pagtakas.
Habang tumatakbo si lucinda ay kitang kita sa kanyang mga mata na natatakot siya, ilang segundo lang ay nahuli nga siya nung lycan dahil napakabilis gumalaw ng mga lobo na may katawang tao.
“Papatayin kita, Ipaghiganti ko ang kaibigan ko!“ Sigaw niya tsaka niya, hinawakan si lucinda sa leeg at aakmang sasaksakin sa tyan pero magkasabay na sumugod si lucas at founder.
Sinubukan nilang bugbugin ang lycan pero hindi nila matatamaan kahit isang beses lang. Hanggang sa nainip na nga yung lycan at sinaksak niya ang tyan ni lucinda gamit ang mahahabang kuku nito.
Bigla namang nagsilabsan ang mga dugong nainom ni lucinda tsaka siya binitawan nung lycan at nahiga sa lupa.
“Lucinda!“ sigaw naming tatlo.
Dahil dun ay agad na tumayo si lucinda at sumagot.
“O-okay lang… a-ako.“ Sabi niya.
Dito nga ay pinagtutulungan nilang patayin ang isang natitirang lycan, pero anong magagawa ng mga baguhang bampira laban sa isang mitolohiyang lobo? Kaya sa huli ay napakaraming mga bampira ang nawalan ng ulo at nakahilata sa lupa.
“T-tulong!“ Sigaw nung lalake na may nakaukit na takot sa mukha tsaka siya pinugutan ng ulo nung lycan.
“H-hoy! Unti-unti tayong nauubos!“ Sigaw ni jake.
Napakawalang kwenta kong tao, tanging tingin lang ang magagawa ko.
Nakita ko si lucas, founder, at si jake na ginawa ang lahat matamaan lang ng kahit isang beses ang lycan sa mga atake nila.
Agad ko namang nilapitan si lucinda tsaka ko siya tinulungang makaupo.
“Ano na ang gagawin natin!?“ Sabi ko.
Sumagot naman siya.
“T-tumakas…. Y-yan lang ang t-tanging… P-paraan…” ika pa niya.
Pero paano? Kahit na tatakas pa kami ay malamang maaabutan nya pa rin kami dahil mas mabilis pa siyang gumalaw kung ikukumpara sa mga baguhang bampira. Maliban nalang kung kasing bilis na niya ang ibang mga kasamahan namin.
“Dito na tayo mamamatay!“ Sabi nung isang lalaki at kinalmot nung lycan ang ulo niya.
Mabibilang nalang sa daliri ang mga nakatayo pang lycan, dahil dun ay nagsalita ang isa naming kasama.
“Tumakas na kayo! Bibigyan namin kayo ng oras para makalayo, hindi pwedeng mabubura nalang sa mundo ang pinaghirapang gang na binuo natin!“ Sigaw niya.
Agad namang nabigla si founder.
“Hindi pwede! Palaging magkakasama ang lahat ng Douglas gansta pagdating sa mga ganitong sitwasyon!“ Sagot nung founder.
Pumikit ng ilang segundo si commander lucas tsaka siya huminga ng malalim at hinawakan sa balikat si founder.
“Tama siya deamon, hindi na tayo ang dating douglas gansta. Isa na tayong vampire gansta ngayon.“ Sagot niya.
Agad namang nabigla si deamon, ang founder ng gang.
“Paano mo nasabi yan lucas? Iiwan mo nalang ba ng ganito ang mga kaibigan natin!?“ Ika pa ni deamon.
Sumagot naman si lucas.
“Kung hindi sila magpapaiwan, lahat tayo mamamatay. Kaya pakiusap founder, igalang natin ang mga desisyon ng mga kaibigan natin, para lang din naman iyon sa ikabubuti ng ating gang.“ Sabi ni lucas.
Nabigla ulit yung founder sa mga binibitawang salita ni lucas.
“Hindi ko akalaing masasabi mo yan lucas.“ Sabi ni founder.
Agad namang nagsalita yung lalaki.
“Sge na deamon, tumakas na kayo! Desisyon namin to.“ Sabi niya at ngumiti.
Natawa naman yung lycan at nagsalita.
“Nakakaiyak naman, dati ba kayong mga actor?“ Tanong niya.
Agad namang sumimangot ang mga bampira at inatake yung lycan.
Masakit man para kay deamon ang iwan ang mga kasamahan niya dito, pero wala siyang pagpipilian.
“Kung yan ang desisyon ninyo, sge. Masusunod.“ Sabi niya.
Natawa naman yung lalaki at sumagot.
“Sa huli, susunod ka rin naman pala sa utos ng member mo, founder.“ Sabi niya at sumugod sa lycan.
Biglang naiyak si deamon tsaka ako binuhat ni jake at tumakbo kami palayo, naiwan ang iba naming kasamahan habang pinipigilan nila ang lycan.
Sa huli ay tinalo lang ang grupo namin ng dalawang lycan.
Habang tumatakbo kami ay nakita ko si lucas na pinipigilan ang emosyon niyang malakalabas. Pero si jake ay hindi nakapagpigil, nalulungkot siya sa pagkaubos ng kanilang membro habang si deamon ay naiyak habang nakabuhat kay lucinda.
Dahil sa sitwasyon nila ay dito ko na napagtantong kailangan ko na talagang makibilang sa mga sinasamahan kong tao.
Kaya nang makalayo na kami ay napag desisyonan ko nang maging kauri nila, nagpakagat ako kay lucinda at ginawa niya akong bampira.
Sa dami namin ay lima nalang kaming natira, napakabrutal talaga. Namatay ako ng ilang minuto at sa pagbuhay ko ay muli akong bumangon.
Sa pagkakataong ito ay pinapangako ko sa sarili ko na hindi na ako isang walang kwentang tao, wala man akong karanasan sa pakikipag laban katulad nila lucas, deamon, at jake, ay gagawin ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para matulungan ko sila.
Sa oras na'to ay nandito kami sa maliit kong apartment, dito na muna kami pansamantala. Tuturuan ako nila lucas at deamon kung paano lumaban habang si lucinda ay nagpapagaling sa sugat niya.
Hindi muna kami nagpaparamdam at lumalabas lang ako tuwing gabi para mag training, hanggang sa lumipas ang isang linggo ay natuto ako kung paano gamitin ang above normal speed.
Lumipas pa ang dalawang linggo ay nalaman ko kung paano gamitin ang pang amoy, pandama, lakas, matalas na paningin at ang higit sa lahat, tinuruan kami ni lucinda kung paano e'unlock ang night vision abilities naming mga bampira.
Sa ngayon ay nanahimik muna kami ng ilang buwan habang palihim na nag sasanay, kailangan naming lumakas para sa pag dating ng araw na kinakailangan na naming harapin ang mga lycan ay may laban na kami at ma po-protektahan na namin ang mga kasamahan namin kung meron man kaming ma-recruit.
END OF THIS SEASON.
Please read the next book.
Title: Gangsta Vampire: The revenge
Bukas ko na yan e publish, abangan…
Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!
BINABASA MO ANG
Gangsta Vampire
VampireAng kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng mga gangster sa daan dahil gusto ng mga gangster na bigyan sila ng pera buwan-buwan. Ngunit walang maibigay ang binata dahil naghihirap din i...