CHAPTER 06

211 13 4
                                    

Dali daling tumakbo palapit sakin ang boss nila at nang makalapit na siya sakin ay agad niya akong sinuntok, pero naka ilag agad ako dahil may kakayahan naman kaming mga bampira na wala sa mga normal na tao.

“P-panong?“ Sabi nung boss tsaka ko siya kinalmot sa mukha.

“A-ahh!!“ Sigaw nung boss nila at napaatras.

Dahil dun ay agad na nagsi-kilosan ang mga kasamahan niya at sinugod nila ako at pinag papalo ng mga kahoy pero nakailag lang ako, may super human speed, sense, smell, at strength kaming mga bampira. Kaya napakadali lang sakin ang ubusin sila.

Pero hindi ko ginawa, ayokong pumatay ng tao kaya ang tinarget ko ay ang founder ng gang nila. Gumamit ako ng super human speed papalapit tsaka ko kinalmot ulit sa mukha ang boss.

“Ahh! Bwesit!“ Sigaw niya.

Agad niya akong pinagsusuntok pero nakailag lang ako tsaka ko hinawakan ang ulo ng founder nila at tinutukan ko ng kuko.

“Tumigil kayo!“ Sigaw ko.

Dali dali naman silang tumigil dahil hawak ko sa leeg ang founder nila.

“Bwesit na aswang! Papatayin ka namin!“ Sigaw nung isang lalaki.

Bigla naman akong napikon tsaka ko diniin ang kuku ko sa leeg ng founder nila at nagsalita.

“Isa akong bampira, para hindi ko mapatay ang founder ninyo ay pakawalan nyo si lazarus!“ Sigaw ko.

Agad namang sumagot yung kasama nung lalaking pinutulan ko ng dila.

“Hindi namin gagawin yun!“ Sabi niya at lumapit kay lazarus, tinutukan niya ng kutsilyo ang leeg.

Agad akong kinabahan, hindi pwedeng mamatay si lazarus dahil siya lang ang unang tao na nakaibigan ko.

“A-ano nalang…” nauutal kong sabi at nagsalita pa.

“Pakawalan nyo si lazarus at pakakawalan ko ang founder ninyo! Sino ba ang mas mahalaga? Si lazarus o itong lalaking namumuno sa inyo?“ Sabi ko.

Dahil dun ay nag isip-isip naman sila.

“Ano na commander? Anong gagawin natin?“ Sabi nung lalaki.

Agad akong napatingin sa tinanong nung lalaki, may commander pa pala sila.

“Paano kami makakasiguro na papakawalan mo ang founder namin miss?“ Tanong niya.

“Wala nang mas mahalaga pa sakin ngayon kundi ang buhay ni lazarus, pag pinakawalan nyo sya ay pakakawalan ko ang founder ninyo.“ Sagot ko.

Ngumiti naman yung commander at nagsalita.

“Pakawalan si lazarus!“ Sigaw niya.

Agad namang nabigla ang mga kasamahan niya, pero wala silang magawa kung yan ang desisyon ng nakakataas sa kanila.

Agad namang pinakawalan nung lalaki si lazarus tsaka nila dahan dahang dinala palapit sakin.

Tiningnan ko ang mukha ni lazarus at bugbug sarado ito dahil ang dami niyang pasa sa mukha.

Dahan dahan kong pinakawalan ang founder nila tsaka ko kinuha si lazarus.

Agad namang tumakbo ang founder palayo at nang makalayo na ay agad nila kaming pinagbabaril.

Dahil dun ay napilitan akong gumamit ng super human speed at aakmang tatakas pero hindi pa ako nakalayo sa kanila ay may isang bala ang tumama sa balikat ni lazarus.

Dahil dun ay agad akong nagalit tsaka ako tumingin sa lugar kung saan galing ang bala pero nang nakatingin na ako ay agad na lumaki ang aking mga mata nang makita kong may isa pang grupo ng gang ang nakaharap samin.

“Sugod!!“ Sabi nung matabang lalaki.

Agad naman nilang sinugod ang grupo nung lalaking nakalaban ko at pumalag naman sila.

“Teka? Anong ibig sabihin nito?“ Tanong ko sa sarili.

Nakita ko silang nagbabarilan at nag susuntukan sa bakanteng lote, ilang segundo lang ay napakaraming mga tao ang nakahandusay sa harap ko tsaka tumakbo papalapit sakin yung lalaking tumutok ng kutsilyo kay lazarus tsaka siya nagsalita.

“T-tulungan… m-mo kami… p-pakiusap…” nauutal niyang sabi at may tatlong tama ng baril.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung hindi ako kikilos ngayon ay malamang mauubos silang lahat sa grupo na kakarating lang.

Pero ayoko namang pumatay ng tao, paano na'to?

Tiningnan ko yung lalaki at base sa hitsura niya ay naghihingalo na siya at malapit nang mamatay.

“S-sge… p-pero sa isang kondisyon.“ Sabi ko.

Sumagot naman siya.

“K-kahit ano payan… paki… usap… mauubos kami pag h-hindi ka… kumilos n-ngayon…” pagmamakaawa pa niya.

Gustohin ko mang mag explain pero mas lalo lang masasayang ang oras kaya agad ko siyang kinagat sa leeg, doon mismo sa may bandang ugat tsaka ko pinasukan ng vemon ko.

Dahil dun ay bigla naman siyang napagiling na parang OUD, pero hinayaan ko na dahil ang plano ko ay gagawin ko siyang bampira at gusto ko siya ang gagawa ng pagpatay imbes na ako.

Ilang minuto lang ay namatay na nga siya at lumipas ang ilang segundo tsaka siya gumalaw at nabuhay ulit, pero sa pagkakataong ito ay nabuhay siya hindi bilang isang tao, multo, o zombie. Kundi bilang isang bampira.

Agad na bumangon yung lalaki na may pulang mata at mahaba na pangil tsaka matulis na mga kuku.

Dali dali siyang tumakbo at pinag kakagat niya yung mga kalaban nila. Sinubukan siyang pagbabarilin pero hindi tatalab ang bala sa mga bampira dahil hindi naman kami nakakaramdam ng sakit at hindi na rin gumagana ang puso namin.

Habang pinanood ko siyang inubos ang mga kalaban ay biglang may isang humawak sa paa ko na ikinabigla ko, kaya agad akong napatingin sa kanya.

“A-ayokong… matapos ang lahat sa ganito… p-pwede mo ba akong… g-gawing kalahi mo?“ Tanong niya at may limang tama ng bala sa likod.

Nang nakita ko ang mukha niya ay dito na ako nabigla, siya yung founder ng gang na gustong pumatay sakin at kay lazarus.

“Hindi pwede.“ Sabi ko.

Agad naman siyang nabigla at hindi makasagot. Kaya medyo naaawa ako.

“Anong rason mo?“ Sabi ko.

Sumagot naman siya.

“Sa kalagayan k-ko n-ngayon, i-ilang minuto nalang at mamamatay na a-ako. Kaya gusto k-kong lumaban para mailigtas k-ko ang mga membro ng gang ko… s-sa… a-ambush…” sabi niya.

Tumingin ako sa lalaking ginawa kong bampira at medyo nahihirapan siyang mag isa dahil hindi siya makakalapit sa mga kalaban na may hawak na sandata.

Kaya wala akong pagpipilian dahil pag nasira ang katawan nung lalaking bampira ay malamang mamamatay siya sa pangalawang pagkakataon. Tsaka hindi pa niya alam kung paano gamitin ang kapangyarihang super human.

Hindi na ako nag isip pa at agad kong kinagat ang founder nila, ilang minuto lang ay nagiging bampira na nga siya at dalawa na silang may laban sa kanilang kalaban.

To be continue…

Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!

SENYORITONG ANEL.

Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!

Gangsta VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon