*LAZARUS's POV*
Nandito ako ngayon sa apartment ko, ewan ko ba pero parang naiinggit ako sa kanila. Pero ayoko din naman maging bampira.
Habang nakahiga ako sa kama ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako, kaya kinabukasan...
Nagising ako dahil sa sinag ng ilaw na galing sa bintana.
"Arrggh!" Sabi ko sabay hikab.
Tiningnan ko ang celpon ko pero walang text o tawag.
Dahil dun ay agad akong bumangon, as always ay bumili ako ng noodles tsaka ako kumain ng umagahan.
Habang kumakain ako ay nagpunta nanaman dito sa apartment ko si lucinda.
"Kamusta ang pang-hunting ninyo kagabi?" Tanong ko.
Ngumiti naman si lucinda at sumagot.
"Okay lang, ang bilis naman nilang matuto. Hindi ako nahirapan." Sagot niya.
Well, mabuti naman kung ganon.
Hindi na ako sumagot tsaka ako naligo, nag bihis ako dahil maghahanap ako ng mga hiring na companya.
Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong umalis kasama si lucinda, kahit na sobrang init ng sikat ng araw ay malayang makapaglakad siya. I wonder kung ilang taon na siya sa pagiging bampira.
"May hangganan lang ba ang buhay ninyo o immortal talaga kayo?" Sabi ko.
Sumagot naman siya.
"500 years lang kami katagal mabuhay." Sabi niya.
Napatango lang ako.
"So, ilang taon kana ba ngayon simula nong naging bampira ka?" tanong ko.
"450 years." Kunti niyang sabi.
Dahil dun ay bigla akong nabilaukan kahit wala akong kinakain.
"S-seryoso? Ang tanda mo na pala." Sabi ko.
Natawa lang siya sabay turo sa kanyang mukha.
"Sa ganda kong to? Mukha ba akong matanda?" Sabi niya.
Napahawak nalang ako sa noo, napakaganda talaga ng babaeng to.
Maliban sa pagmamahal, gagana lang ang 'age is just a number' pag isa kang bampira.
Hindi ko na siya sinagot pa, imagine namumuhay ka sa loob ng 450 years, ang dami mo na sigurong nalalaman nun.
"H-hindi naman, napakaganda mo nga eh." Sagot ko.
Ngumiti lang siya, para talaga siyang tao kung titingnan dahil malayang nakakapaglakad kahit sobrang init ng araw.
Lumipas ang isang oras na pag lalakad ay may walong kompanya akong nabigyan ng resume ko, pero di ko alam kung makakapasok ba ako since wala naman akong backer.
Pagkatapos nun ay agad na kaming umuwi ni lucinda, dumiretso kami sa lumang mansyon at doon ay napaka peaceful ng paligid. Maliban nalang sa loob, dahil nagkalat ang mga bampirang nagsusugal pampalipas oras daw nila yun.
"Mamayang gabi, mang ha-hunting kami ng lobo." Sabi ni lucas.
"Nanaman?" Sagot ko.
Natawa lang si jake at lumapit.
"Kailangan naming masanay sa ability namin lazarus." Sabi niya.
Well, tama naman. Pero hangga't walang nangyari sakin ay ayaw ko pa ring maging bampira. Maliban nalang pag malapit na akong mamatay.
Sumali ako sa tong its since naghihintay din naman ako kung kailan ako tatawagan ng mga pinasahan ko ng resume.
Hanggang sa lumipas ang ilang oras at hindi ko napansing lumubog na ang araw, nalaman ko lang noong nagsalita na si jake.
"Its hunting time!" Sabi niya.
Tumingin ako sa bintana.
"Siguro bukas, tatawagan na ako nun." Sabi ko tsaka ako tumayo, ayokong matulog dito baka mahanap sila ng mga lobo madadamay pa'ko.
Nagpaalam akong umalis at pumayag naman sila, kaya lumabas ako mansyon tsaka ako naglakad sa kalsada.
Habang naglalakad ako ay biglang may nakasalubong akong dalawang lalaki, napakalaki ng mga katawan nila.
Base sa dinadaanan nila ay parang papunta sila sa mansyon, kaya huminto muna ako tsaka ko sila tiningnan.
Habang palapit sila ng palapit ay huminto sila sa gilid tsaka nag tago, nakamasid lang sila habang nakatingin sa mansyon.
"Sino ba ang mga'to?" Sabi ko sa isip.
Dahil dum ay imbes na uuwi na ako ay agad akong bumalik sa dinaraanan ko tsaka ko sila nilagpasan, bumalik ako sa mansyon at doon ay pumasok sa loob.
Pag pasok ko ay bigla akong nagulat nang makita ko ang sala na walang niisang bampira.
"Nasan na sila?" Sabi ko sa isip habang nagtataka.
Napansin kong gumalaw yung upuan sa lamesa, kaya agad kong napagtanto na nagtatago lang sila sa loob ng mansyon.
Napansin rin kaya nila yung dalawang lalaki?
Well, sabagay matalas ang pang amoy nila at pandama, nakakakita rin sila kahit nasa malayo kaya walang duda.
Lumabas ako at nagkunwaring walang alam tsaka ako naglakad paalis.
Nang nadadaanan ko na sila ay agad akong nakampante, ang akala ay hindi nila ako papansinin. Pero akala ko lang yun, dahil nang malagpasan ko na sila ay biglang nagsalita yung isang lalaki.
"Tigil." Kunti niyang sabi.
Nagtaka ako tsaka sumagot.
"Bakit?" Kalma kong sabi.
Nilapitan nila ako tsaka nila ako inaamoy.
"Ano sa tingin mo ng ginawa mo doon sa mansyon?" Tanong nung lalaki.
Pinapanatili ko lang ang ekspresyon kong nagtataka tsaka ako sumagot.
"Doon ako nakatira, bakit?" Tanong ko.
Nabigla naman ang dalawang lalaki tsaka nagsalita.
"Sinong kasama mo dun?" Tanong niya.
Nagtaka pa rin ako at sumagot.
"Ako lang mag isa, akin ang mansyon na yun eh." Sagot ko.
Sinimhot nila ako ulit, at dahil isa nga akong tao ay wala silang kakaibang na-aamoy sakin. Tsaka hindi rin ako amoy bampira.
"Ganun ba, pero wala kabang nararamdamang kakaiba or sa tingin mo ay may iba ka pang kasama?" tanong nung isa.
Dahil dun ay agad akong nangingilabot tsaka ako nagsasalita.
"Minsan may nagpapakita saking multo o nagpaparamdam, minsan naman ay pinaglalaruan nila ako kaya nasanay na ako, may nakita nga akong white lady eh." Sagot ko.
Dahil sa sinabi ko ay pinagtawanan nila ako.
"Ganun ba, sge. Salamat sa oras." Sagot nung isa.
Agad naman akong naglakad paalis pero hindi pa ako nakalayo ay bigla ko nalang naramdaman na parang may kakaiba, kaya tumingin ako sa dalawang lalaki at dito nga ay nag transform sila bilang isang lycanthropy sa harap ko. Kitang kita mismo ng dalawa kong mata.
Dahil dun ay napansin nilang nakatingin ako sa kanila kaya agad kong iniba ng direksyon ang mukha ko tsaka ako aakmang maglakad pero hindi pa ako nakahakbang ay nakita ko ang isang lycan na nasa harap na mismo ng mga mata ko tsaka niya ako pinaslang gamit ang mahahaba niyang mga kuku.
"P-panong... n-nakalapit sya sakin ng... g-ganun ka... b-bilis?" Nauutal kong sabi tsaka ako nawalan ng kontrol at nahiga sa lupa.
To be continue…
Ops! Wag kalimutang mag COMMENT at VOTE bago aalis at paki FOLLOW na rin, maraming salamat!
SENYORITONG ANEL.
Please paki correction kung may maling words o letters. Thank you!
BINABASA MO ANG
Gangsta Vampire
VampireAng kwentong ito ay tungkol sa isang binata na nakatira sa maliit na apartment, palagi siyang binubugbog ng mga gangster sa daan dahil gusto ng mga gangster na bigyan sila ng pera buwan-buwan. Ngunit walang maibigay ang binata dahil naghihirap din i...