CHAPTER 1

737 23 2
                                    


Fern

"Fern!"Malakas na sigaw ni mama kaya agad na akong bumangon dahil alam kona na ang kasunod ng sigaw na yan ay ang napaka haba nyang sermon.

As usual pero sanay naman na ako.

"Babangon na ma!"Sigaw ko pabalik kahit na ang totoo ay napaka sarap pa din ng higa ko sa aking higaan na gawa sa kawayan.

My name is Fern Celeste Ramos,19 years old at kasalukuyang nagaaral sa paaralan ng Santo Thomas State College.Simple lang ang buhay na meron ako masaya na ako kapag kasama ang aking mga magulang sa hapag kainan,bukod kase sa wala akong kapatid malayo din kami sa aming mga kamag anak dahil mas pinili nila papa at mama na manirahan dito sa probinsya upang palaguin ang iniwang lupa ni lolo sa kanila.

"Ano kabang bata ka! alas syete na ng umaga.Hindi kaba papasok?"sermon nito na saulong saulo kona.Kung tutuusin ay pwede konang gawing libro ang mga sermon nya araw araw.

"Ma college na ako! iregular na ang mga schedule tsaka mamayang hapon pa ang pasok ko kaya don't worry."Tugon ko sa kaniya upang mapigilan sya sa gagawin nyang panenermon sa akin dahil tinanghali nanaman ako ng gising.Hindi naman ito umimik bagkos ay tumango ito tanda ng pagsang-ayon.

"Ah ma! si papa po pala?"tanong ko dahil hindi kosya makita.Hindi naman ito sumagot sa tanong ko kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang kumain nalang.Matapos kong kumain ay nagligpit muna ako ng pinagkainan bago muling bumalik sa aking kwarto upang ihanda ang mga gamit na kailangan kong dalhin mamaya.

....................................

It's already 4:20 ng hapon ay paalis palang ako ng bahay kaya madaling madali ako nakasalubong kopa si papa pero mukhang hindi maganda ang timpla kaya hindi kona kinausap pa nagmano nalang ako at umalis na.

Exactly 5:00pm ng makarating ako sa university mayroon pa akong natitirang 20mins para makarating sa aming room kaya dina ako nagaksaya pa ng oras dali dali akong nagtungo sa aking destinasyon.
Sakto naman ang dating ko dahil wala pa halos tao kaya nagkwentuhan muna kami ni Aedan my boybesfriend since elementary.Naikwento nya na napalitan na daw pala ang aming guro sa Understanding the self, medyo matapang at terror daw kaya naman kinabahan ako.Makalipas ang ilang sandali ay dumating na ang aming guro kaya naman nagsitahimik na kaming lahat.

Pumasok ito na naging dahilan ng pagiging tahimik naming lahat.

"Good afternoon"bati nito pero nandoon ang pagiging professional nya.Ang astig I mouthed.

Bumati naman kaming lahat pabalik.Matapos iyon ay nagpakilala kaming lahat at bago matapos ang lahat ay ito naman ang nagpakilala.

"Before anything else I would introduce my self,my name is Margareth Velazco"Pagpapakilala nito agad naman akong nakarinig ng bulungan matapos nyang magpakilala.

-kaano ano nya si Sean?

-Is this real?sya nga!

-Another demon again.

Nagsitigil lamang ang bulungan ng bigla itong magsalita na ikinalaglag ng mga panga ko,Lalo na ng maglabas ito ng index card na hindi ko alam kong saan nya nakuha.

Agad nitong binalasa ang mga index card.Lahat kami ay nanatiling tahimik.Wag naman sana ako please,bulong ko sa utak ko kahit na confident akong masasagot yun ay naroon pa rin ang takot kong magkamali.

"Ms.Ramos Celeste Fern"Sambit nito na nagpalaglag sa balikat ko.Agad akong tumayo upang hintayin ang tanong nya.

"Ms.Ramos give me the definition of obsession!"

Huminga muna ako ng malalim at marahang pumikit bago sumagot.

"When someone is obsessed, they've lost control of their feelings about the object of their obsession. The adjective obsessed is often used to simply mean "very interested," but when someone is truly obsessed, their interest has become compulsive, and they've begun to lose control over it."I answered with full of confidence.Nanatiling tahimik ang silid hanggang sa nakarinig ako ng palakpak mula sa aming guro.

"Very well done miss Ramos!"sambit nito na nagpainit sa puso ko.Napaka gandang simula mukhang magiging masaya ang college life ko dito.

Naging maayos naman ang ilang oras ko sa paaralan, exactly 7:45 ng palabasin kami nainform naman akong gagabihin ng uwi dahil may night shift pero iilang linggo palang akong nagaaral bilang college hindi pa gaanong nagaadjust ang katawan at utak ko kaya madalas tanghali ako nagigising kaya madalas din akong mapagalitan ni mama.

Malalim na ang gabi napaka payapa kaya ramdam na ramdam kona ang matinding antok at pagod.Mabuti nalang at nandito si Aedan para samahan akong umuwi sanay naman na ako sa kanya dahil simula first day ng college sya na ang naghahatid saken sa gabi hanggang sa tapat ng bahay namin.Aedan is my only man friend too dahil hindi ako ganun kagaling makipag socialize kaya naman nakarating na ako sa college ay sya lang ang naging best friend ko.Idagdag pa na magkaibigan ang parents namin kaya mas lalong tumibay ang friendship namin, at total isang baranggay lang naman ang layo ng bahay namin sa bahay nila kaya tuwing uwian ay kaming dalawa na ang magkasama.

And I remember noong bata pa kami we made promise na walang iwanan kahit na magkaroon kami ng sari sariling pamilya ay dapat bestfriend pa din kami at ang magiging anak naming dalawa.Ganun katibay ang ang pagkakaibigan namin kaya naman kung sakaling iwan nya man ako hindi ko ata makakaya.

Tahimik ang naging byahe namin dahil parehas kaming pagod dahil sa haba ng klase punuan din ang mga trycecle kaya siksikan.

Pasado alas otso ng makarating ako sa bahay tahimik ang loob siguro ay nanonood ng tv sila mama dahil bukas pa ang sala inalis kona din ang sapatos ko bago pumasok ngunit laking gulat ko ng madatnan na may bisita pala sila mama at kung hindi ako nagkakamali sya si mr.Velasco ang isa sa pinaka mayamang tao dito sa aming bayan pero anong ginagawa nya dito?.kahit puno ng pagtataka ay pinilit ko pa ding bumati sa kanya tanda ng paggalang.

"Magandang gabi po"sambit ko kasabay ng pagyuko ng aking ulo.Ngumiti naman ito ng ubod ng tamis kaya nginitian konalang din bilang tugon.Tila nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya nagdesisyon akong pumunta ng kusina upang uminom ngunit laking gulat ko ng madatnang may bulto ng lalaki nakatayo Hindi naman mukhang magnanakaw dahil napaka ganda ng suot,baka engkanto ito ah kaya agad kong dinampot ang kawaling nasa tabi ko at dahan dahang lumapit sa kanya ng malapit na ako ay aksidenteng naapakan ko ang balat ng saging kaya napasubsob ako sa kanyang likod.Napaka bilis ng pangyayari dahil sa isang iglap yakap yakap na ako ng ektrang hero na ito.

"Sino ka?"Tanong ko pero isang malamig na tingin lang ang ipinukol nito sa akin dahilan para kabahan ako.

ESCAPE(Velazco Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon