CHAPTER 43

48 4 3
                                    


Fern

"Oy sinong pinapakyo mo?"

Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot ni kenan kaya nabatukan ko siya.

"Aray naman Fern,sakit nun ah"Sabi pa nito at marahang hinawakan ang batok niya.

"Pasensya na, labas ka kase ng labas eh yan tuloy."Natatawang sabi ko tumawa naman yung tatlo don sa likod.

"Oh siya akala ko kase kong napano kana,boys tara na!"maawtoridad na sabi nito tumango naman yung dalawa pero kami ni Demitriu naiwan dito sa labas.

"I know him."biglang sabi nito.

"I'm scared Dem, I'm scared."

"Hinding hindi ako aalis promise.Dito lang ako sa tabi kahit anong mangyari!"

"Promise?"

"Promised!"Sabi nito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

*************

Mataas na ang araw noong magising ako,dali dali akong nagpunta sa cr para maligo.Ilang minuto lang akong naligo baka malate nanaman ako nakakahiya din naman sa mga kaworkmate ko.

Nagmamadali din akong bumaba hindi kona alintana pa ang dadatnan ko sa baba.

"Sandali Fern may bisita ka!"Sigaw ni Kenan,nakasuot na ito ng uniform ganon din yung tatlo,hindi makita ang sinasabi nilang bisita dahil natatakluban yun ng Harang na kurtina.

Nagmamadali naman akong bumalik sa kusina at doon ay nadatnan ko si sir Raj kasama yung babae na nakatalikod sa akin.

"Magandang umaga sir!"Magalang na bati ko kay Raj, tumingin naman ito sa akin at tipid na ngumiti.

Tumingin naman sa gawi ko yung babae pero hindi ko napansin dahil sa pag vibrate ng phone ko,mukhang may nagtext kaya binasa ko mona yun.

Uuna na kami,ingat hah call kalang kapag may problema.Loveyou🤍🤗 -Dem

Napangiti ako dahil sa nabasa ko.

"Ms.Ramos!sa wakas nakita ulit tayo."Sabi nito na ikinatigil ko.

Yung boses niya looks familiar parang narinig kona,at noong tinggnan ko siya hindi nga ako nagkamali,it was Sean's mother.

"Ma'am?"

"Too formal just call me tita."Nakangiting sabi nito kaya pilit na ngiti nalang ang isinukli ko.

Umupo ako gaya ng sabi niya,umalis naman si sir Raj para bigyan kami ng space.

"So how are you?"

"Maayos n-aman po tita."

"Ayoko ng magpaligoy ligoy pa I want to know kong ano ng plano mo?"

Hindi ako alam kong anong sasabihin ko,baka kase tulungan niya si Sean para mahanap ako.

What do you mean po tita?"

Bumuntong hininga mona ito bago magsalita.

"Alam kong ayaw mong makasama si Sean and I want it too.Delikado ka alam ko yun kaya dikita masisisi."Malungkot ang tono ng boses nito kaya wala akong ibang nagawa kung hindi manahimik.

"I know your plan already kaya wag kang matakot sakin,I don't want you to suffer the thing that I suffer before.Hindi na ako makapapayag na maulit nanaman ang kahayupan na ginawa ng ama niya sa akin."Sinserong sabi nito.

"Salamat po tita."

"You're always welcome Fern.Sabihin molang kapag kailangan mo ng tulong."Sandali itong tumigil at may kinuha sa loob ng kaniyang bag.

"Here is my contact tawagan molang ako kapag nagka aberya.And about your home?okay na sakin kana tumira,I have a secret place to hide,make sure lang na makakaalis ka ng malinis at walang nakakaaaam na kahit sino."Mahabang sabi nito na tinanguan kolang.

"Maraming salamat po talaga tita.Utang kopo Ang buhay ko sa inyo"nakangiting sabi ko pa.

"Wag kang magpasalamat, kasalanan ng anak ko kong bakit nasira ang buhay mo,kaya kulang pa lahat ng ito bilang kabayaran sa nagawa niya sayo."Sabi nito habang Seryosong nakatingin sa akin.

Matapos ang napaguspaan namin ni tita ay hindi na din ako pinapasok pa ni sir Raj,at balak din naming dalawa na isagawa na ang plano bukas na bukas din.

*********

"Oh bakit nakatulala ka jan nak?may problema ba?"Si nanay Lourdes habang dala dala ang mainit na kape, inabot niya sa akin yun kaya tinanggap konalang.

"Wala lang po,gusto kolang mapag-isa."

"May problema ba?"Sabi nito.Umupo pa ito sa tabi ko.

"Nay aalis na po kase ako."

"Alam ko,at mag iingat ka hah!"

Lumingon ako sa pwesto niya pero hindi na ito nakatingin sa akin.

"Alam moba napakalaking bagay ang pagdating mo."

"Bakit naman po?"

"Kase binago mo yung anak ko."

"Anak po?"kunware ay hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"Wag kanang magpanggap pa,alam kong may relasyon kayo ni Demitriu kaya labis ang tuwa ko na nangyari yun."Sabi pa nito."Kaya nga natatakot ako kapag umalis ka!baka bumalik nanaman ang malamig pa sa yelong Demitriu."Malungkot ang tono ng boses nito.

Maski ako nasasaktan dahil sa maikling panahon ng pananatili ko dito nakahanap ako ng pamilya,pamilyang masasandaalan at pamilyang handang promotekta sa akin ng walang pagdadalawang isip.

"Sa totoo lang po ayokong umalis."

"Pero kailangan?"

"Ganun nanga po eh,sa totoo lang nay masaya na ako dito Kase nakahanap ako ng pamilya."Sabi ko pa, naramdaman konaman ang mahina niyang pagtapik sa balikat ko.

"Kapag Pakiramdam mong wala ka ng mauuwian,umuwi kalang dito,nandito lang kami.Hinding hindi ka namin itataboy."Sabi nito dahilan para mapangiti ako,naramdaman ko din ang ilang butil ng luha kaya agad ko yung pinunasan.

"Oh sige paano aalis na ako? ingat ka sa biyahe mo bukas mukhang maaga kang aalis eh."Natatawang sabi nito pero ramdam ko na malungkot siya.

"Sige po nay."Sabay pa kaming pumasok sa loob,inihanda kona din ang mga gamit ko para sa pag-alis ko bukas, siguro ay mamaya konalang din ipapaalam kila Kenan ang pag-alis ko.

Matapos kong iayos lahat ng gamit ko ay agad kong tinawagan si Raj.

"Oh fern napatawag ka?"Sabi nito mula sa kabilang linya.

"Bukas na ako aalis,I am ready.Tatawagan konalang si tita mamayang gabi para makausap ko,so tuloy ang plano."

"Ganun ba?"nahihimigan ko ang lungkot sa boses niya.

"Don't be sad Raj.Magkikita pa naman tayo diba? Pwede mo akong bisitahin dun if you want."Mahabang sabi ko.

"Talaga?sigurado yan hah!"Masigla na ang boses nito kaya kahit papaano ay nakampante ako.

"Sure."

Matapos ang maikling pag-uusap ay bumalik ako sa pagkakahiga,muli kong ipinikit ang mata ko.At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay agad akong dinalaw ng antok.

ESCAPE(Velazco Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon