Fern
Lumapit sa akin si Dem binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap.
"S-alamat Dem."
"Walang iwanan,at kahit anong mangyari maniwala kang hindi ako aalis sa tabi mo."
Muli ko siyang niyakap.
Mahigit isang oras pa ang biyahe bago kami nakarating sa sakayan ng barko pero hindi kami pinasakay don ni tita bagkos ay inutusan niya ang kaniyang PA(personal alalay) na ihanda ang yate nila para walang makapansin sa amin.
Hindi naman kami naghintay ng ganoon katagal dahil ilang minuto lang ay dumating na ang yati.
"Oh paano Fern ingat don hah!nandoon na lahat ng kailangan mo, don't worry about the foods may magdedeliver sayo per week para hindi nman makahalata si Sean na itinatago kita."Nakangiting sabi ni tita.
"Salamat po talaga"Nasabi konalang.
"You're always been welcome Fern.Isa pa wag kangang magpasalamat.Because these mess happens because of my son."
Bumuntong hininga nalang ako.Naramdaman ko din ang mahigpit na paghawak ng kamay ni Dem.
"Sige na magiingat kayo dun hah!Enjoy!"Sigaw ni tita na ngayon ay kumakaway pa sa amin.
Kumaway nalang din ako pabalik.
"Ano masaya kaba?"Biglang tanong ni Dem.
"Sobra kase ngayon malaya na ako,tayo"
"Malaya naman tayo noon pa.Natatakot kalang makuha ng iba ang kalayaan mo."
Humarap ako sa kaniya, nandito kami sa likod na bahagi ng yate kaya kitang kita namin ang magandang pagtama ng buwan sa dagat.
"I love you Dem."
"You are my Life Fern."Sagot nito.
Ilang oras pa ang itinagal ng biyahe bago kami nakarating sa sinasabing isla ni Tita.
Kagaya ng sinabi niya ay maganda nga ang isla.
Napapaligiran ito ng napakaraming puno at magagandang bulaklak parang hardin ng mga diwata.Pero isang bagay lang ang kumuha sa atensyon ko.Ang bahay na gawa sa mamahaling bato dahil natatamaan na ng sikat ng araw.
"Maganda ba?"Tanong ni Dem.
"Sobrang ganda!."
"That's my Idea."
"Hah paano?"binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
"Mahabang kwento."Sabi nito tapos ay niyakap ako.Pero umalis ako sa pagkakayakap niya at humarap sa kaniya.
SERIOUS MODE FERN
"Ikwento mo muna"
"Hayy ano panga bang magagawa ko."Pagsuko nito.
"Ganito kase yun.Ilang buwan bago ka puntahan ni Tita ay alam kona ang balak nila,noong una ayokong pumayag baka kase mapahamak ka."
"Eh anong arte Yung palungkot mo na aalis na ako"Nakakunot noong tanong ko.
"Ah yun ba?HAAHAHA wala arte kolang yun para maawa ka."Natatawang sabi nito.
"Tapos ano pang nangyare?"
"Syempre ipinaliwanag nila sa akin kong bakit,ito yung araw na alam kona ang lahat pero noong umamin ka sorry kailangan ko kaseng itago para walang ibang makaalam lalo pa at delikado,Nalaman ko din sa kanila na gagawan ka ng bahay dito sa isla kaya I suggest na ako nalang ang bahala sa design ng bahay"Pagkekwento nito dahilan para matigilan ako.
"Ah ganon pala"Sabi ko saka ko siya binigyan ng malakas na suntok sa sikmura.
"Arekup "
"Para san naman yun?"Nagtatakang tiningnan ako nito.
"Para yun sa Pagsisinungaling mo!"Sabi ko saka siya binigyan muli ng isa pang malakas na suntok sa sikmura.
"Aray naman Fern para saan naman yun?"
"Para naman yun sa mga luhang nasayang ko"Sagot ko."At heto naman ay para sa—"
Hindi kona naituloy pa ang suntok ko dahil sa biglaan niyang pagnanakaw ng halik.
Natigilan ako.
"Alam mo kong para saan yan?"Nakangising sabi nito.
"P-ara saan?"wala sa sariling tanong ko.
"Para yan sa maingay mong bibig"Natatawang sabi nito,umalis na din siya sa harapan ko pero naririnig kopa rin ang malakas niyang pagtawa.
"DEMITRIU! BUMALIK KA DITO!"sigaw ko pero ang loko takbo lang ng takbo.
*****
Matapos ang nakakapagod na habulan ay dumiretso na kami sa loob,may katulong din pala kaming makakasama,si Nanay Felia tapos kasama niya din yung asawa niya na si Mang Kiko yung naging driver namin sa Yate.
"Thankyou po manang"Nakangiting sabi ko.Habang si manang Felia naman ay naghahanda ng makakain namin.
"Sandali mamaya niyo na ituloy ang pagkain,may bisita kayo sa labas mga armado."Biglang singit ni mang Kiko kaya umakyat ang kaba sa dibdib ko.
Nahanap naba kami?agad agad?.
"ILAN SILA MANONG?"tiim bagang na tanong ni Dem.
"Tatlo pero hindi ko sila namukhaan,nakakatakot ang mga awra nila."Sagot naman ni manong.
"Sige Fern dito lang kayo,manang bantayan niyo si Fern at kapag nakarinig kayo ng putok ng baril tumakas na kayo"Seryosong sabi ni Dem.
"Pero Dem —"
"Shh just do what I've said."
Tumango nalang ako.
"Mag iingat ka!"Sabi ko ngumiti naman ito bago tuluyang Lumabas ako naman ay iginaya ni Manang Felia papunta sa kusina.
Sana ay maayos din ang lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
ESCAPE(Velazco Series 1)
Mister / ThrillerHe's hot but a psycho. What if a man who have illness called obsession fell inlove with a simple girl. What the girl need to do?love him back or escaping from his deadly love. Start:March 12,2024