FernNapabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip na yun.
Akala ko totoo na.Buti nalang panaginip lang.
Mataas na ang araw noong magising ako hindi pa ako bumangon hinintay ko monang lumakas ang katawan ko,nakakatamad kaseng gumalaw.
"Fern!"
Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa boses na yun at kahit hindi ko nakikita alam kong si Kenan Yun.Dali dali akong pumunta sa Pintuan pero noong maalala ko ang panaginip ko ay agad akong nakaramdam ng kaba.
Dahan dahan kong pinihit ang door knob.Hindi din ako mapakali baka kase may tao sa labas at bigla nalang akong barilin.
"Anong kailangan mo?"Sabi ko.Hindi ko binuksan ang pinto, maglagay lang ako ng maliit na siwang para Hindi makita ang loob ng kwarto ko.
"Masama daw pakiramdam mo?"Nagaalalang sabi nito.
"Wag kanang maraming tanong.Tumawag si boss Raj.Alagaan ka daw namin."Sabi ni Astral na ngayon ay Seryoso ng nakatingin sa akin.
"Hindi na.Nanghihina lang ako.Tulog lang katapat nito."
"I insist ako na magaalalaga sa kaniya"Sabi ni Demitriu,hindi ko alam pero tumango nalang ako.
"Oh paano aalis mona kami.Maiwan na namin kayong dalawa diyan hah!"Sabi ni Kenan,agad naman siyang binatukan ni Dem.
"Kukuha lang ako ng pagkain.Wag ka ng umalis sa higaan mo,diyan kana kumain."
"Pero Dem -"
"Wala ng pero pero."
Wala na akong nagawa kung hindi bumalik sa higaan ko para doon maghintay.
Ilang minuto akong nakatingin sa kisame.Hanggang sa makarinig ako ng katok.
"Pumasok kanalang,tinatamad akong bumangon."Sabi ko na agad naman niyang sinunood.
"Oh kain kana."Sabi nito aga din naman akong umiwas noong akmang susubuan ako nito.
"Ako na Dem.Kaya ko naman,dinaman ako napilayan"
Nakita kopang nawala ang ngiti sa labi nito.
"Sorry."Si Dem na ngayon ay nakatungo na."Tawagin monalang ako kapag tapos kana."Dugtong pa nito at agad lumabas ng aking kwarto,hindi kona din siya napigilan dahil mabilis ang ginawa niyang pagkilos.
Huminga mona ako ng malalim.Pasensya na Demitriu kong pati ikaw nadadamay.
Ilang minuto pa akong nakatingin lang sa pagkain.Fried rice at omelette yun na may design pang happy face.Sandaling nawala ang lungkot ko.
Matapos kong kainin Yung pagkain idinala niya ay ako na din ang nagdala non sa labas,naabutan ko pa siyang nanonood ng tv.Hindi niya siguro ako ramdam,nakafocus kase ang mga mata nito sa tv.
Ako na din ang naghugas ng pinagkainan ko.Ayoko namang makaabala na ako ng sobra.Sapat na yung pagdadala niya ng pagkain.
"Diba sabi ko wag kanang lalabas?"Nagulat ako dahil nasa likuran kona pala siya.
"Ah eh nakakahiya na kase."
"Simula ngayon wag kanang mahiya.Total nililigawan naman na kita."Dire diretsong sabi nito.
Nangunot ang noo ko, sinabayan kopa yun ng malalim na buntong hininga.
"Sigurado kaba?"Sabi ko, humarap pa ako sa kaniya at tininggnan siya sa mata.
"Oo siguradong Sigurado na ako sayo Fern."
Kitang kita ko naman na seryoso siya.Pero hindi niya alam ang buhay na pinapasok niya.At mukhang kailangan na niyang malaman para makapag isip isip siya Kong mahal niya ba talaga ako.
"Pero Dem kailangan mo monang malaman kong sino at anong klaseng tao ako."
"Sige.Magkwento ka."
"At sana kung marerealize mo man na hindi ako deserving na mahalin"Natigilan ako,bahagya kaseng bumigat ang dibdib ko."Sana satin satin lang itong paguusapan natin."Sabi ko hindi naman ako nakakuha ng sagot bagkos ay binigyan lang ako nito ng isang tango.
Sinimulan konang ikwento sa kaniya lahat lahat,yung nangyari sa pamilya ko.Yung kay Aedan at higit sa lahat yung tungkol saken at kay Sean.Tahimik lang itong nakikinig sa akin habang ako naman ay patuloy na nagkekwento,at minsan nagpupunas ng luha hindi kolang talaga matanggap ang nangyari sakin.
Matapos kong magkwento ay binalot kami ng katahimikan.
"Ano Demitriu?ngayon mo sabihin sakin na mahal mo ako"Matapang na sabi ko sa harapan niya,si Dem naman ay nakatungo lang at hindi nagsasalita.
"Sabi konanga ba.Pero okay lang ako Demitriu no problem.Kaya ko naman.Tsaka aalis na din naman na ako in a few months."Sabi ko pero patuloy pa din ang pagpatak ng luha ko.
Hindi pa din nagsasalita si Dem pakiramdam ko tuloy hindi talaga ako deserving mahalin.
"Fern."Sabi nito, nakatingin lang ako sa mga mata niya.
I genuinely smiled at him."Ayus lang ako Dem.Hindi mo kasalanan kong hindi mo ako kayang mahalin.Magulo ang buhay ko at alam ko din na walang sinuman ang kayang magmahal sakin dahil sa kalagayan ko."Sabi ko pa kasabay non ang pagpupunas ko ng aking mga luha.
"I'm s-orry"Sabi pa nito.
Hinawakan ko naman ang kamay niya para iparamdam na wala siyang kasalanan.
"No.You don't need to say sorry.H-indi mo naman kasalanan."I smile at him pero hindi na kasing tamis nong nauna dahil ngayon ay punong puno na ng lungkot ang mga yun.
"Sige na mauuna na ako"
"Fern"Pagtawag nito pero hindi kona siya nilingon pa.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng aking kwarto ay agad kong nilock ang pinto.
Doon kona din inilabas ang lungkot na nararamdaman ko.
Sobrang sakit to the point na gusto konalang mamatay.
Bakit ganun? kung kelan mahal kona siya saka naman niya marerealize na hindi naman talaga ako ang gusto niya.At ang dahilan ay walang iba kong hindi yung p*tang inang problema sa buhay yan.
Hindi ko alam kong ilang oras akong umiyak basta ang natandaan konalang ay dinapuan nalang ako ng antok at tuluyan ng nakatulog.
Madilim na ang labas noong magising ako,kitang kita ko din ang napakagandang buwan dahil nakabukas pa ang bintana ko.
"Anak bangon na.Kumain kana.Sabi samin ni Dem hindi kapadaw lumalabas."Rinig kong sabi ni nanay lourdes mula sa labas ng pintuan ko,bumangon na din ako at dumiretso sa pinto.
"Anak ayos kalang ba?magkwento ka naman.Umiyak kaba?"sunod sunod na sabi nito.Iginaya niya pa ako sa kama ko at doon ay umupo kaming dalawa.
"Kamusta ang pakiramdam mo anak?"Sabi nito habang marahang hinahaplos ang buhok ko.
"Maayos naman na po."
"Alam kong hindi ka maayos ngayon.Magkwento ka makikinig si nanay sayo."
Tuluyan ng tumulo ang luha ko at doon ay ikwenento ko sa kaniya lahat maliban sa napagusapan namin ni Demitriu kanina.
"Alam mo ang malas lang nila kase hindi ka nila pinahalagahan.Kung ganon din lang simula ngayon ay ako na ang bago mong nanay"Nakangiting sabi nito.Agad ko naman siyang niyakap.
"Salamat nanay lourdes.Dahil sa pangalawang pagkakataon ay nagkaroon ako ng panibagong ina."
"Walang anoman anak.Tara na kain na tayo.Sigurado ako gutom kana."
"Oo nga po eh"
Tumawa naman ito, tumayo na kaming dalawa at dumiretso sa kusina.Pero laking gulat ko noong makita kong sino yung nakaupo doon sa tabi ni Kenan.
BINABASA MO ANG
ESCAPE(Velazco Series 1)
Mystère / ThrillerHe's hot but a psycho. What if a man who have illness called obsession fell inlove with a simple girl. What the girl need to do?love him back or escaping from his deadly love. Start:March 12,2024