Chapter 03

26 1 0
                                    


Tepi

Natigilan ako saglit, natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi niya naman magagawa 'yun, I trust him more than myself, ang sabi niya sa akin babalik siya.

Malungkot akong bumalik sa bahay, hindi pa naman ako nagpaalam at bigla nalang hindi nagpakita. Bahala si Ramiro dun.

Nabadtrip kasi ako sa sinabi niyang hindi na babalik si Ivan.

"Bessyyy!" sigaw ni Jane sa malayo, nagulat naman ako dahil nandun na naman siya terrace namin. Pinagbigyan ni Yaya Loris ng isang beses ngayun nawili na. Nang makalapit ay lumingkis siya sa aking braso.

"Why?"

"May kumalat na picture, ikaw 'to 'di ba?" tanong niya sa akin.Nakita kong may nagpicture nga sa amin ni Ram, Oh gosh, it's just a lunch. Excited naman siyang sumunod sa akin habang si Kuya Trey ay busy magbasa ng libro dahil malapit na rin ang midterms nila, katulad namin. CFE naman, pag finals.

Sumunod agad siya sa kwarto ko at duon siya nag-ingay.

"So ano, totoo ba ang chismis?"

Umiling ako, it's not true. Naglunch lang kami tapos hindi naman na 'yun masusundan. Tyaka naglunch lang napakabigdeal naman na sa kanila?

"It's just a lunch, bigdeal naman nun." Sagot ko at inalis ang aking sapatos, ngumuso naman siya.

"Nakakapagtaka lang kasi, sa lahat ng lalaki na nireto ko sa 'yo, ayaw mo lahat. Kahit na maglunch ayaw mo, bakit at anong dahilan naman? Gwapo naman silang lahat 'di ba?"

Umirap lang ako.

"Wala lang akong interes sa kanila, hello."

"Volleyball player na matangkad, chinito, gwapings, mabango pa at higit sa lahat study first siya! Ano ka ba naman, Xy. Unting unti na lang iisipin ko na lang na tibo ka talaga," sagot nito sabay pahid ng powder sa kaniyang mukha.

"That's mine!"

"Sus, dimot."

"Nandito ka lang naman eh, magpopowder ka pa. Baka mamaya magkapimples ako," sagot ko sa kaniya at tinampal ako sa balikat.

"Arte mo talaga eh hano."

"We just having a lunch, because I want to thank him about yesterday. Hinatid niya ako kagabi dito sa bahay, kaya pala parang pamilyar siya. Blockmates ni Kuya Trey."

"So pumupunta talaga siya rito?"

"Minsan siguro pag may projects, pero wala akong alam dahil minsan nakakulong lang ako sa room ko."

"Pustahan tayo, Xy. Magiging second boyfriend mo si Ram. I will promised that, at kapag nangyari 'yun magbabayad ka sa akin, kahit ano basta one of your favorite make ups."

"Except dior."

"Kasama 'yun no."

Over my dead gergeous body! Hinding hindi ko mabibigay ang make ups ko sa kaniya. May nabigay na rin ako at minsan ginagamit niya naman.

"Maganda ka naman, Xy. Mag-ayos ka lang nang bonggang bongga!"

"It's okay na rin na ganito lang, hindi ako komportable sa sexy dress."

"Pag nagtagal magiging komportable ka rin naman, trust me!"

Hindi naman din nagtagal ang usapan namin dahil nagreview na rin kami sa midterms namin, hindi kasi siya napepressure kapag nasa bahay lang. Ewan ko lang kung good idea itong ginawa namin dahil mas lalo akong naiingayan sa kaniya.

And one of the most topics namin si Kuya Trey. Hindi niya ba alam na babaero 'yun? Pati nga maid niya pinatos niya eh.

"Hindi ba? Bagay kami?"

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now