Chapter 07

21 1 0
                                    

Parang wala lang

Kaagad kong tinulak si Ram palayo, nag-iwas ako ng tingin at hindi na ako nagsalita. It's my first kiss too, akala niya siguro si Ivan ang nakakuha ng first kiss ko. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay kaagad akong nagsalita

"Well t-that's normal naman sa akin, nagkiss na rin kami ni Ivan..." pahabol ko. Muli siyang tumingin sa akin. Kinuha ko ang bag ko at umalis sa mustang niya, nagtatatakbo ako sa room at tyaka tumili.

Did I make a first move?! Bakit, Xy? Akala ko ba dalagang pilipina ka?! Bakit ikaw ang nanghalik! Ginulo ko ang aking buhok at hindi alam kung anong mukhang ihaharap sa kaniya. I think hindi ako makakasama kay Jane.

Gulong gulo na ako. Ano ba kasing pumasok sa akin?

Okay, calm. Dapat normal lang 'di ba? Nagkiss naman na kami ni Ivan? Pero hindi sa lips eh, forehead kiss lang 'yun. And the way na gumanti si Ram sa halik ko, nararamdaman ko pa rin ang dila niya sa akin. O my God! Nakakahiya.

Iyong paglapit niya.

"Gosh! It's hot!" sabay paypay. Nakamaximum na ang lamig ng AC pero ang init init pa rin. Hindi na lang ako lalabas muna.

"Xy..." tawag ni Kuya Trey sa akin.

"W-what?" tanong ko.

"Open the door, kuhanin mo gamit mo rito sa sala..." sagot ni Kuya Trey. Ano! Haharap pa ba ako sa kaniya eh nakakahiya!

"Later na lang, Kuya... magpapahinga na ako." Sagot ko sa kaniya.

"Ah huh, kapag hindi mo kinuha 'to mamaya itatapon ko 'to sa labas." he said at umirap na lang ako. Hindi ko nalang siya pinansin, hindi pa nga ako makaget-over sa ginawa ko kanina. Hindi ko kayang humarap sa kaniya.

Ano na lang kung kumalat pa 'yun 'di ba? Inumpog ko ang ulo sa unan at hindi ko na lang namalayan na nakatulog na ako. Bukas na ako kakain.

"Gosh, anong nangyayari sa 'yo?" alalang tanong ni Jane sa akin at nangunot na lang ako ng noo.

"What?"

"You are too haggard. May iniisip ka ba? Wala naman na tayong iniisip ah? Finals na lang pero next week pa naman," sagot nito sa akin. Ngumisi naman ito at parang may naalala sa akin, sinundot nito ang aking tagiliran. "Uyyy, hindi ba magkasama kayo ni Ram nung nakaraan? I heard it, hindi ako bingi."

"Sinamahan niya lang akong bumili, nothing special." Paliwanag ko, inayos ko na lang din ang reviewer ko para incase na magrereview na, hindi na ako mag-aayos.

"Ang nega mo talaga..."

"Ayaw ni Kuya Trey magdrive, si Ram ang pinagdrive ni Kuya..." sagot ko pa at tumango tango lang ito. "Tyaka pala kaya hindi ako nakasama non, nakatulog na rin agad ako dahil sa pagod." Sagot ko ulit at kumagat sa aking pang-ibabang labi.

Naalala ko na naman 'yun.

"Natulala ka diyan?"

"Nothing." sabay iling.

"Alam mo..."

"Ano?"

"You are acting weird talaga eh, ewan ko ba o ako lang ang nakakapansin." Sagot nito at ngumuso na lamang ako. "Dalawang araw ka nang ganyan simula kahapon," sagot uli nito sa akin. Huminga ako nang malalim. "Why? Iniisip mo pa rin ba si Ivan?"

"I already move on."

"Woahhhh..."

"Congrats to you!" sabay palakpak.

"So kung nakamove on ka na, sino naman na ang bumabagabag sa 'yo?" tanong na naman niya. Ang daming tanong ah! Wala naman siguro, naiistress lang siguro at malapit na ang CFE natin. "Championship na ng Green Falcon, manood tayo sa Saturday."

Young Love #1: It's Unexpected Where stories live. Discover now